Chapter 30

329 14 0
                                    

Mela's POV

Umagang-umaga ay nakatanggap kami ng isa pang magandang balita dahil tumawag yung parents ni Clark sa kanya at sinabing mamayang hapon sila pupunta dito kasama ang parents ko kaya naman naging abala ang lahat sa pag-aasikaso sa pagdating nila. Kaming dalawa ni Andrea ang magkatulong sa pagde-decorate ng mga decorations tulad ng kurtina at balloons sa living room. Sina lolo at lola ang nagluluto ng mga pagkain para sa isang malaking salo-salo na gaganapin mamayang hapon. Sina Clark at Michael ang mga namimili ng mga ingredients sa iba pang mga lulutuin nina lolo at lola. Nang matapos kami sa pagde-decorate ay umakyat na kami sa third floor upang linisin ang mga kwartong gagamitin namin. Lilipat na kasi kami ng kwarto ni Clark which is kasama na namin sa isang kwarto ang parents namin. Nang makapasok na kami sa kwarto na gagamitin namin nina mom at dad, una naming nilagyan ng panlatag ang higaan na gagamitin naming tatlo. Kasunod naman nito ang paglalagay ng punda sa mga unan. Pinusan na ni Andrea ang mga paglalagyan ng mga maleta nina mom at dad at saka siya dumiretso ng CR para doon naman maglinis. Ako na lang din ang nagwalis ng sahig at nag-mop nito para matapos na agad. Inayos ko na rin ang garbage can na gagamitin namin nina mom at dad para magamit namin agad ito. Inaya na ako ni Andrea na maglinis sa kabilang kwarto na gagamitin nina Clark at nung parents niya. Katulad ng ginawa namin sa gagamitin naming kwarto, ganoon din ang ginawa namin sa dito sa kasunod na kwarto.

Pagbaba namin sa dining area, inaya na kami nina lolo at lola kumain ng tanghalian. Matagal din pala kaming naglinis ni Andrea sa kwarto. Hindi na nga namin namalayan ang oras dahil marami kaming ginawa. Mayroon pa raw lulutuing tatlong recipes kaya naman kinakailangan nina lolo at lola ng tulong namin para matapos ito ng maaga. Nagbabad na raw kasi si lola ng mga sangkap para sa Tapa at kinakailangan na itong lutuin ngayon.

Lumipas ang ilang oras at dumating na sina mom, dad, Tita Christy at Tito Harold. Nagulat pa nga sila sa surprise na ginawa namin sa kanila eh kaya naman natuwa sila sa amin at nagpasalamat. Nagkaroon din naman ng besohan at yakapan at saka namin ipinakilala ni Clark sa lahat ang parents namin. Hindi rin namin inaasahan ang biglaang pagdating ng mga parents ni Michael. Mabuti na lamang at maraming pagkain ang niluto namin nina lolo, lola, Andrea, Michael at Clark. Masayang nagpakilala ang bawat isa at tuwang-tuwa ang parents ko dahil may manliligaw na ako. Natutuwa rin naman ang parents ni Michael sa akin dahil nahanap na raw ng kanilang anak ang magiging future wife nito which me. Ang advance nila mag-isip grabe, hahaha. Ito namang trip nina Clark at Andrea ay bukas na raw nila sasabihin sa parents ni Clark na officially lovers na sila. Edi another celebration na naman ang magaganap. Haysssss.... Baka tumaba na kami ng tuluyan sa mga susunod na araw...

When Mr. Sungit Meets Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon