Kabanata 9

116 4 0
                                    

1 week nalang Girls and Boys week na.... Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nagpa-practice palang kami, ngayon halos maperfect na namin. Nga pala nitong mga nakaraang araw nakakatanggap pa din ako ng sulat. Ang sumunod sa sulat na 'crush kita' ay

'Secretly in love with you'

Hindi ko talaga alam kung sino ang naglalagay ng mga sulat na iyon, pero malamang hindi sya nagkakamali ng locker na pinaglalagyan dahil halos araw-araw syang naglalagay. Hindi ko na pinatignan sa cctv dahil maliit lang na bagay yon, basta sa akin si Arvind lang ang gusto ko.

"Oy par!" Tawag sa akin ni Joven

Andito kasi kami sa Library nagrereview dahil pagkatapos ng Girls and Boys week exam na namin, finals na ....

"Ano nga sagot sa (8-2s)=4(2-s)-2?,mali kasi sagot ko don diba" Napakamot pa siya sa ulo niya.

Ayan kasi napakasimple lang di nya nasagot ng tama, eh paano lagi akong kinukulit tungkol doon secretary ng glee club. Ayan mali-mali sagot nya

"S=1" maikling sagot ko, he gave me a death glare, napatawa nalang ako

In-explain ko sa kanya kung paano ko nakuha kahit sina Andreah nakikinig sa akin. After non binigyan ko sya ng isang example and Thanks God nasagot nya ng tama.

"Par, ang hirap sa exam ano?" Tanong nya na parang may ipinahihiwatig

Walang mahirap kapag nagrereview

"Hmn bakit naman?,alam mo kase mag-review ka kamo hindi yung puro ka laro" Tanong ko

"Eh paano magkalayo upuan natin di kita makokopyahan" bulong nya habang lumilinga-linga pa sa paligid

Binatukan ko sya, ayan na naman eh gagaya pa talaga sa mga kaklase naming puro kopya ang alam. Dapat talaga pangalan nya Prokopyo hindi Jovencio -_-

"Ansakit naman!, Nag-bibiro lang naman ako ah" hinihimas-himas nya pa yung ulo nya

Inirapan ko lang naman sya at nagpatuloy na sa pagre-review. Iniisip ko pa rin kung sino ang naglalagay ng mga sulat sa locker ko.

"Joven"

Tawag ko kay Joven ngunit nasa libro ang kanyang atensyon

"Oh bakit?" Nag-angat siya ng tingin sa akin

Di ko alam pero right now I am seriously thinking that I have a secret admirer? It's possible naman diba?

"Tanong ko lang sana hehe" itinukod ko ang braso ko sa lamesa at ipinatong ang baba ko

"Ikaw ba yung naglalagay ng mga sulat sa locker ko?" Natigilan siya at isinara ang libro tsaka tumingin sa akin

"A-ano—"

"Kasi naisip ko lang diba ikaw yung naglagay ng sulat na turuan ka tumugtog?" Nagsimula na siyang huminga ng malalim.

"A-ano—" pinanliitan ko siya ng mata akmang hahampasin ko na siya ng libro ng magsalita siya

"Hindi!" Sigaw niya

°•°

"H-hindi ako, a-ang t-totoo nyan t-talaga k-kahit y-yung sul-sulat na sana maturuan mo ako tumugtog h-hindi a-ako ang na-nagbigay" utal-utal na sabi nya

Talagang inis ako ngayon. Bakit ba kasi hindi nya sinabi kaagad!? Eh paano kung masama palang tao yung nagbibigay non!?

Piningot ko ang tenga nya at napa-daing sya sa sakit

"E-eh s-sorry naaa"

Hinila ko sya palabas ng library at dinala ko sya kung nasaan ang locker ko, hawak-hawak ko ang kaniyang pulsuhan habang binubuksan ko ang locker. Nang mabuksan ko ay isinubsob ko sya sa tapat noon

"Ayan!" Sabay turo sa mga sulat

Kinuha nya ang mga sulat at nanlaki ang kaniyang mga mata kalaunan ay tumawa

"Pfftt" pinandilatan ko siya ng mata

"Anong nakakatawa ha!?" Binawi ko sa kaniya ang mga sulat habang siya ay tuloy lang sa pagtawa at talagang nakahawak pa siya sa tiyan nya.

–_–

"P-paano ba naman kasi, hahaha sinong magbibigay ng sulat na 'you're my sunshine' " he said between his laugh

"Aba malay ko!? Kaya nga tinanong kita diba!? Napaka mo naman!" Napaface-palm ako

Nanlaki ang mga mata ni Joven at hinawakan ako sa magkabilang balikat at niyugyog

"Hala!!!, Di kaya si Arvind!?"

Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon ansakit talaga sa ulo kausapin ng lalaking to kahit kailan

"Shunga!, Di nga ako ma-crushback!? Tapos sya pa pagbibintangan mo!?" Sigaw ko sa kaniya

"Kaya nga may baka na word diba!? Di pa sure!" Sigaw nya pabalik sa akin

I just rolled my eyes and still thinking about who gave me those letters.

"Pero par what if si Arvind nga ang naglagay?" Tumataas-baba pa ang kilay ni Joven

"Imposible talaga kasi yang sinasabi mo, pero kung siya man why suddenly change?" Talagang imposible close kami ni Arvind pero gaya ng sabi ko, sa chat lang..

"Tss hayaan mo na, tara na sa library" aya ko kay Joven na nakasandal pa sa mga locker na nag-iisip din kung sino nga ang naglalagay ng mga sulat

Habang tinatahak namin ang library,bigla siyang nagsalita

"Pero hoy ah kung si Arvind man talaga yon, replyan mo na agad-agad hahaha" pang-aasar niya sa akin

Malabong si Arvind, eh kita nyo? Parang last last week galit nga yon sa akin, tapos kapag nakikita niya ako tinitignan lang ako hindi man lang ako mabati hay nako.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now