Kabanata 23

89 2 0
                                    

Umaga pa lamang ay aligaga na si mama para sa JS prom ko mamaya, simpleng pink gown na lagpas tuhod ang aking isusuot na tinernuhan ng sandals na gold.

"Anak! Kumain na muna tayo" alas dose na kasi. Dapat before six thirty nasa school na kami. 

Marami pa akong oras para makapag-pahinga. Agad akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa hapag.

"Oh mama bakit?" Tanong ko nang makita kong napahinto si mama. Tumingin siya sa akin at ngumiti

"Ah hindi wala" tsaka umiling si mama napatango nalang ako at naupo.

Habang sumasandok ako ng kanin, napatingin ako kay mama na walang kaimik-imik. Binitawan ko ang sandok at kinalabit si mama.

"Ma? Okay ka lang ba talaga?" Di ko maiwasang itanong.

"Oo, iniisip ko lang ang prom mo" nginitian ako ni mama at hinaplos ang buhok ko.

"Mama naman eh, ikaw pa mas excited kesa sa akin?" Pabiro kong sabi at nagsandok na uli ng kanin.

Nang matapos kumain, iniligpit ko ang aming pinagkainan at hinugasan. Habang naghuhugas ako, tinawag ako ni mama.

"Anak may bisita ka"

Napahinto ako at iniisip kung sino ang bisita na iyon?. Naghugas ako ng kamay at tinuyo bago lumabas ng kusina.

"Keira!" Masiglang bati ni Andreah

Nakunot naman ang noo ko, anong ginagawa niya dito? Dapat nasa bahay siya dahil may prom kami mamaya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Lumungkot ang mukha niya.

"Ayaw mo na nandito ako?" Napailijg kaaagad ako.

Ikaw ba naman dalawin tanghaling tapat?

"Hindi sa gan'on. Kasi diba may prom tayo mamaya? So dapat nasa bahay ka ngayon at nagpe-prepare" ngumiti lang siya at naupo sa sofa.

"Yeah, that's why I'm here. Gusto ko sabay tayong pupunta sa school"

My jaw dropped and I blinked twice.

"Buang!, Haha umuwi ka na baliw" natatawang sagot ko kahit alam kong hindi siya nagbibiro.

Biglang pumasok si manang Fe dala-dala ang gown at sapatos na susuotin ni Andreah mamaya.

"Manang Fe sa kwarto nalang iyan"

The eff? Pati ba naman nanay ko nakikisali sa kaekekan ni Andreah?

"Sabay tayo!!!" Masayang anas ni Andreah

Napailing ako at tinapos ang hugasin na naiwan ko kanina. Twelve thirty pumasok ako sa kuwarto, nakaupo sa kama si Andreah habang nagse-cellphone.

"Oy bakla, kailan mo ba kasi sasagutin si koya Arvind?" Biglaang tanong ni Andreah

Hala bigla akong kinabahan. Parang di ko kayang magsalita mamaya.

"Ewan" iyon nalang ang isinagot ko.

"Kasungit ah" natatawang sabi ni Andreah

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now