Kabanata 18

96 2 0
                                    

Nag-lalakad ako papasok ng school ng biglang may tumawag sa akin. Napatingin tuloy ako sa likod ko dahil nakaagaw ng atensyon ang pagtawag sa akin.

"Hi" bati ni Miguel sa akin

Alam ko na, malamang hihikayatin ako na sumali ulit sa mga tutugtog sa Girls and Boys week next month. Nakapag-meeting na kami tungkol don last week.

"Oh morning, bakit?" Tanong ko kay Miguel

He just smirked at me, at inakbayan pa ako.

"Hmn. Sali ka ba?" Sabi ko na nga ba eh.

"Pag-isipan ko kasi–"

"Miguel!" Isang baritonong boses ang pumigil sa pagsasalita ko

"Oh hi there my dear friend" nginisihan ni Miguel si Arvind. Pilit kong tinatanggal sa balikat ko ang braso niya.

"Stop doing that Keira, aasarin ko lang naman" sinabi niya na para bang pinakikiusapan akong 'wag makulit at makisakay nalang.

Hello? Miguel kung alam mo lang kung gaano kabigat yung braso mo.

"Hmn, what are you doing?" Tanong ni Arvind and he stared at my shoulders.

"Ah I'm asking Keira for a date"

Halos malaglag ang panga ko nang sabihin ni Miguel kay Arvind yon. Freak freak!!! Arvind don't listen to Miguel 'crazy' man!!.

Tinignan ko ng masama si Miguel ngunit nakangiti siya.

"Come on, malate na tayo" aya nya sa akin habang nakaakbay pa din.

Nang makarating kami sa classroom, tinanggal niya ang braso niya sa balikat ko at humaglpak siya ng tawa. Damn this weirdo.

"You see that Keira?" He said between his laugh

Napataas nalang ang kilay ko at inirapan ko siya. Tumuloy ako sa upuan ko.

"If you see his face, mukha siyang sasabog anytime!" Aniya habang tumatawa pa din.

Tatawa na sana ano ng maalala ko yung jacket niya. Kinuha ko iyon sa bag ko at ipinatong sa desk.

Napaigtad ako ng malakas na bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Arvind. Nagtama kaagad ang paningin namin kaya napaiwas ako. Kasi naman Miguel!!.

"Pag-isipan mong mabuti yung sinabi ko babe" malanding sabi ni Miguel

Mabilis ang paghinga ko dahil sinadya niyang lakasan iyon para mainis si Arvind. Nagulat nalang ako dahil sa malakas na paghila ng katabi kong upuan. Narinig ko ang bulungan ng iba naming kaklase

"Patay ka Miguel" sabi ni Kevin

"Galit si Arvind pre" sabi ni Jerome.

Humigpit tuloy ang hawak ko sa jacket niya na nasa desk ko. Kinakabahan ako. Baka sigawan niya ako kapag ibinigay ko. Huminga ako ng malalim. Iaabot ko na sana nang biglang dumating si Mr.Ronald.

"Okay class, please pass your assignment"

Tuluyan na akong nawalan ng lakas ng loob   nang magsalita si sir. Mamaya nalang siguro.







"Hoy Keira, tulala?" Tanong ni Andreah, kasama ko na sila ngayon sa cafeteria. Kahapon kasi si Shelei lang ang nakasama ko.

"Ano namang iniisip mo Par?, Share mo naman" sabi ni Joven

"Kasi yung jacket ni Arvind di ko naibalik" biglang tumawa si Shelei.

"Ay oo!, Alam nyo ba kilig na kilig ako. Lalo na no'ng sinabi ni Arvind na "wear that" potek pre sana ako din ganon" namula ang pisngi ko sa sinabi ni Shelei

Kasi naman eh kahit ako di ko naman din ine-expect na gagawin niya yon. Siguro talagang nagbago lang ang ihip ng hangin.

"Wow, Par mukhang tama nga ang sabi mo dati ha" sabi ni Andreah kay Joven

Napakunot ang noo ni Joven at tinignan si Andreah

"Ha!?"

"Hatdog"

"King ina"

"Hoy yang bibig nyo!" Awat ni Gretchen

"De biro lang, naalala ko kasi yung sinabi mo dati na balang araw matututo ding mang-crushback si Arvind" nakangiting sabi ni Andreah

Napasinghap ako... Totoo kaya?... Pero ang sabi sakin ni Odette, wag daw muna akong magtiwala sa mga ikinikilos ni Arvind.

"Ah, tingin mo Par?" Balik na tanong sa akin ni Joven.

Sana? Sana nga..

"Sows sabi na marurupok yang lalaki na iyan eh" pinandilatan ni Joven si Andreah

"Oh bakit?, Totoo naman marurupok talaga kayo sus. Yung iba nga, kaka-break palang bukas makikita mo may iba na" seryosong tinig ni Andreah

Kalalim naman ng pinaghuhugutan nito.

"San galing yan Andreah?" Tanong ni Gretchen

"H-hah?, Ang alin?" Bakas ang kaba sa mga mata ni Andreah

"Nako Andreah Keye, wag kami, sabihin mo! Niloko ka ba ng jowa mo!?" Galit na sigaw ni Gretchen

Natawa naman si Andreah at umiling

"Baliw!, Wala nga akong jowa eh, kaya ko naman nasabi yun kasi iyon ang totoo base lang naman sa observation ko yun" pagpapaliwanag niya.

Napatango nalang kami. Matapos kaming kumain ay bumalik na din kami sa classroom namin.

Natagpuan ko si Arvind na nakaupo at nakasubsob sa lamesa niya. Napangiwi ako nang makita ang itsura niya. Naupo ako at pinagmasdan ko siya. Ang gwapo talaga. Maybe nagbago nga siya, pero siya pa din yung Arvind na nakilala ko.

Nang mag-bell na ay mabilis akong nagligpit at hinabol si Arvind na kalalabas lang ng classroom.

"Arvind!" Tawag ko sa atensyon niya

Lumingon siya sa akin kalaunan ay nagbaba ng tingin sa jacket.

"Eto na, salamat pala" nginitian ko siya at iniabot ang jacket sa kaniya.

"You're welcome" nginitian niya din ako

Napalunok ako dahil eto na naman yung hindi normal na tibok ng puso ko.

"Hi friends" bati ni Miguel

Naalala ko yung offer niya, sasali na din ako, dagdag grade naman din yun.

"Ah, Miguel, about sa offer mo?, Payag na ako" nginitian ako ni Miguel

Nagulat ako ng bigla nalang tumalikod si Arvind.

"Ow yes, great! Akala niya talaga date yon" at tumawa ulit si Miguel

Napailing nalang ako, nagseselos kaya yun si Arvind?. Sana? Hay ano ba yan Keira!. Syempre hindi ano.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now