Kabanata 22

98 2 0
                                    

Mabilis ang panahon dahil grade 9 na kami. Pagkatapos din noong umamin si Arvind, nagsimula na siyang ligawan ako. Siguro 8 months na din siyang nanliligaw, pero hindi ko pa siya sinasagot. Balak ko sana sa JS PROM ko na siya sasagutin, siya kasi ang ka-partner ko.

"Hoy tulala!" Bati ni Shelei at naupo sa harap ko. Nasa canteen kasi kami eh break time...

"Asan yung 4?" Tanong ko kay Shelei. Nagkibit balikat siya at uminom ng juice.

"Hello mah friends" bati ni Miguel, agad tumayo si Shelei at lumipat sa tabi ko

Paano kasi, last year nagka-crush pala si Miguel sa kanya, at hanggang ngayon ganoon pa din. Kaya noong nalaman ni Shelei, ayun umiwas. Si Miggy naman, crush na niya si Andreah. Ansaya ano? Kung kailan pasuko ka na tsaka aamin. Ang galing.

"Ey my labidabs" sweet na sabi ni Miguel

Natawa ako ng wala sa oras. Labidabs? Kadiri naman yon yuck. Ano naman kayang magiging tawagan namin ni Arvind kung sakaling maging kami? Honey bunch? Baby? Babe? Loves? Love? Mahal? Ay nako ewan. Pero iniisip ko palang tila nagwawala na naman ang puso ko.

"May assignment ka ba sa English?" Tanong ni Miguel sa walang imik na labidabs niya- este si Shelei

Magkaklase kasi sila. At malamang niyan, walang assignment itong si Miguel kaya makikikopya. Nako nako talaga.

"Hoy Miguel magtigil ka nga riyan!" Pinandilatan ko si Miguel

"Hehe eto naman hindi mabiro"

Huh hindi talaga ·_·

"Keira!!" Tawag ni Arvind na nasa likod ni Miguel

Nagbaba ako ng tingin kay Miguel at nakangisi siya ng marinig niyang tinawag ako ni Arvind. Nga naman talaga. Nagulat ako ng tumayo si Miguel at niyakap si Arvind.

"I miss you babee" boses babae na anas ni Miguel kay Arvind.

"Luh yuck pare"

Natawa ako sa isinagot ni Arvind. Itinulak niya ng marahan si Miguel at nginuso ang katabi ko na si Shelei

"Pre mahiya ka oh, harap-harapan?" Tanong ni Arvind

"Loko! Di ba pwedeng trip ko lang na inisin ka?" Tanong ni Miguel at naupo ulit.

Pinagmamasdan ko si Arvind. Hindi parin ata makapag-proseso ang utak ko. Pakiramdam ko nananaginip palang ako. Ang bilis kasi eh. Parang kahapon lang naghahabol ako tapos ngayon ganito na.

"Oy tara balik na tayo" aya sa akin ni Arvind. Hindi ko namalayan ang oras. Nagababa ako ng tingin sa wristwatch ko, 5 minutes nalang bell na.

"Sige na bye na oy Shelei tapusin niyo na ang pagkain nyo at magbebell na" paalam ko at hinalikan sa pisngi si Shelei. Kumaway ako sa kanila.

"Ako walang kiss?" Tanong ni Miguel  nagulat ako

"Hoy baka nakakalimutan mo ha-"

"—de! Joke nga lang!" Sagot ni Miguel at tumakbo na

Umalis na din kami sa cafeteria at tumungo sa classroom. Science ang subject namin ngayon. May kumatok sa pinto at si Jerome nag nagbukas dahil siya nag malapit.

"Excuse me. Absent po si Ms.Canoa" ani noong isang estudyante.

Agad nagpaalam ang babae at sinarhan ni Jerome ang pinto. Saktong pagsara ng pinto biglang nagtayuan ang mga kakalse ko at ayun, gumawa na ng sariling mundo.

"Nga naman oh" mahinang sabi ni Arvind

Imbis na walang magawa, humiram ako ng gitara sa music room at dinala ko muna sa classroom. Iniabot ko kay Arvind

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now