Kabanata 20

93 2 0
                                    

So ayun, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kaklase ko na nga, kasama ko pa sa club. Tadhana wag kang paasa ha.

"Oy Keira" tawag ni Miguel

Napatingin tuloy ako sa pwesto niya ng wala sa oras. °•°

"Natutulala ka kasi hahaha" I get it. nang-aasar siya

Ang tutugtugin namin sa Girls and Boys week ay Tadhana, hindi ko alam pero parang sapul na sapul ako dun sa mga lyrics.

"Guys ngayon palang mag-decide na kayo" sabi ni secretary

Pinapapili niya kasi kami kung saan kami, kung sino ang magle-lead vocalist, at many more. Syempre ako ang ganun padin, unexpected kasi yung nangyari last year. Imagine? Dapat tutugtog lang ako tapos naging vocalist din?.

Kahit ba sabihing maganda ang boses ko nairita talaga ako kay Allyson that time, syempre lalo na sa tiyan niyang hindi man lang marunong makisama ay nako talaga.

-_-

"Since noong audition,maganda ang performance ni Arvind. Why not siya nalang ang lead vocalist?"

Parang bigla akong nawala sa mood. Gagawin nyong lead vocalist yang crush ko!? Edi mas marami akong naging kaagaw kainis.

"Hey Keira are you alright?" Tanong sa akin ni sec.

Napatingin tuloy ako sa mga ka-member ko, ayun sila nakatingin din sa akin. Ano ba kasi yun ah?

"Ah opo" ngumiti ako

"Pero kasi nakakunot ang noo mo kanina, so... May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni sec.

Napangiwi ako. Kasi naman. Okay lang yung mamimili pero wag kasing biglaan baka makasakal ako de biro lang.

Lumapit sa akin si Miguel at tinabihan ako sa lapag.

"Yie, ikaw ah" aniya

Pinanliitan ko siya ng mata, anong problema ng kulugo na yan?

"Hmn?, Problema mo?" Sarcastic na tanong ko

"Sus. Siguro ayaw mo lang na maging lead vocalist yang si Arvind" itinuro niya pa ang pwesto ni Arvind. Hinampas ko ang daliri niyang nakaturo kay Arvind

"Aray. Bakit mo ginawa yon?" Aniya habang hawa ang daliri niya

Napangisi ako. " Kasi naalala ko yung kasabihan na wag daw magtuturo"

Sinamaan niya ako ng tingin kalaunan ay nginitian ko siya at tumayo na ako.

Nagsimula na kaming mag-practice. Nagulat ako dahil parang mas mabilis kaming matuto kaysa last year. Ngayon pa lamang ay nakaka-kalahati na kami ngunit hindi naman perfect. Nakakapanibago lang dahil last year halos abutin kami ng isang linggo bago makaabot sa kalahati at hindi pa din gaanong perfect.

Matapos kaming makapag-practice ay agad kong inayos ang gamit ko at ang gitara. Lumabas na ako ng music room ng biglang may humabol sa akin.

"Hi"

Napaatras ako nang marinig ko na naman yung boses niya. Ano ba naman! Keira tao lang yan! Ani ng isang bahagi sa aking isip.

"Ah hello"

Umatras na naman ba dila mo Keira?

"A-ah Keira" nauutal niyang anas

Namula ang pisngi niya and I find him cute while blushing.

"Hmn?" Napayuko si Arvind.

Magsasalita ka ba o tititigan kita?. Ipinilig ko ang aking ulo, haist bakit ba kasi kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko?

"A-ano, p-pwede mo ba akong turuan mag-gitara?" Nahihiyang tanong niya

Lunok! Isa pa!... Luh teh nanaginip ba ako? Hoi hala? Aaaaa totoo ba yun?. Pakiramdam ko mukha na akong kamatis.

"Ahm, Keira? Okay lang din kung—" hindi ko na siya pinatapos magsalita

"Sure, kailan mo ba gustong matuto?" Tanong ko

Yie si Keira dumadamoves.

"Hmm, depende sayo"

Yai girl depende daw sayo ah. Ngayon na? Ay hehehe biro lang. Nginitian ko siya

"Ah sige, i-chat kita kapag nakaisip na ako ng date" he just nodded and turn his back on me

Inunahan ko na siya maglakad at nang makarating ako sa gate ay tinapik niya ulit ako.

"Salamat" namumula pa din ang pisngi ni Arvind ng talikuran niya ako.

Self wag kang maniwala, diba sabi nga ni Odette? Baka paasa?.. eh ano bang magagawa ko? Ganoon naman talaga kapag mahal mo 'di ba? Gagawin mo ang lahat, kahit nga magmukha kang tanga ayos lang. Tsaka hindi na din naman ibang tao si Arvind. Mabait naman si Tita Lyn. So... Feeling ko hindi naman siguro siya ganoon?.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now