Kabanata 21

98 2 0
                                    

"prepare na ha!" Sigaw ni sec.

Paano, Girls and Boys week na, at kami ang unang magpe-perform. Limang minuto na lamang tatawagin na kami.

Ang mga kaibigan ko ay nakangiti sa akin.  Kanina nakausap ko sila, ang sabi nila sa akin, huwag daw akong kabahan kasi kasama ko crush ko. Ganun sila, imbis na tulungan nilang mawala ang kaba ko, lalo akong kinakabahan at kinikilabutan sa mga pinagsasasabi nila.

Napag-usapan na din namin ni Arvind kung kailan ko siya matuturuan tumugtog, sabi niya sa akin kahit daw itong tadhana lang ang matutunan niya okay na daw.

"Ready na ba kayong makarinig ng bagong hugot?" Tanong ng emcee namin na si Mr.Chen.

Mabilis namang nagsagutan ang mga kapwa namin students. Nanlalamig yung kamay ko. Parang ayoko nang tumugtog.

Umakyat na kami sa stage at binasa ni Arvind ang panimulang bati niya.

"Para sa mga Itinadhana!" Yun lang ang isinigaw niya at nag-umpisa na kaming tumugtog


Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta

Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'ýo

Saan nga ba patungo?
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa'ýo

Hoh, hoh, hoh, hoh, hoh woah
Hoh, hoh, hoh, hoh, hoh woah
Hoh, hoh, hoh, hoh, hoh woah
La, la, la, la

Napatingin ako kay Arvind matapos ang kanta, parang dinaramdam niya talaga yung kanta eh. Malalim ang pinaghuhugutan. Napangiti ako.

"Para sa crush ko!! Alam mong crush kita! Hindi mo ako pinapansin!! Pero ikaw ang itinadhana sa akin!" Masayang turan ni Arvind

Nagsigawan ang mga estudyante at ang iba ay kinilig. Habang ako ay nawala ang mga ngiti sa labi. Bigla ata akong nanlambot. Parang nanghihina ang tuhod ko, at ramdam ko na nanunubig ang sulok ng mga mata ko.

Ibinaba ko ang gitara at mabilis na bumaba sa stage. Dumiretso ako sa cr.

"Hala okay lang yan" ani ni Shelei habang hinahagod ang likod ko, napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin

Ano ba kasing meron sa iba na wala sayo! Nakakainis na! Patayin mo nalang ako kung ganito rin lang!. Bakit ba Arvind ah!? Ansakit na kaya!

Pinahid ko ang luha sa akin mata at binasa ko ang aking mukha. Nakatingin lang sa akin si Shelei.

"Tara na" malamig kong sabi.

Nang makalabas ako sa cr, dumiretso ako sa classroom namin at nag-upo. Pilit kong iniisip yung mga nangyayari, ansakit kasi eh. Bakit ba laging ako ang nasasaktan!?. Tama nga si Odette, paasa lang talaga siya, at siguro hindi niya ako deserve. Mas maraming iba na deserving sa pagmamahal ko!..

Nagulat ako ng may humawa sa akin kaya nag-angat ako ng tingin, mariin akong napapikit ng siya ang makita ko. Yung taong kinaiinisan ko pa talaga?. Nako naman!.

"Hey, are you alright?" Tanong niya sa akin

Tseh! Hindi ako okay! Palagi nalang akong nasasaktan!

"Oo" bumalik ako sa pagkakatungo ko

"Wanna know a story?" Napatingin ako sa kaniya.

Anong story?, Story ng crush mo na crush ka? . Sa halip na sumagot nanatili akong tahimik.

" Alam mo yung crush ko, mabait yun tsaka talented—" nandoon palang siya parang ayoko ng makinig. Ipinikit ko ang mata ko. Malamang si Grace yung crush niya dancer yun eh.

"—tapos minsan masungit, pero alam ko naman na crush niya ako, nahihiya lang kasi ako sa kaniya kaya ganoon" sinadya niyang bitinin yung story niya.

Crush siya ni Grace? Edi don siya bwiset na ito. Iniwan ko siyang mag-isa sa classroom at lumabas ako. Paglabas ko naman ay saktong nagtama ang tingin namin ni Joven. Agad nakunot ang noo niya.

"Bakit ka umiyak?" Hinawakan niya ako sa balikat. Agad siyang napatingin sa classroom na nilabasan ko

Pumasok siya roon. Dahil sa takot ko na baka mag-away na naman sila pumasok na ako. Nakita kong kinuwelyuhan niya si Arvind at napaatras ako.

"Alam mo isa nalang sasapakin na kita!" Sigaw ni Joven

"Letche ka talaga!, Lagi nalang nasasaktan yung bestfriend ko dahil sa kagaguhan mo!" Sigaw niya pa, ngunit si Arvind nakatulala lang.

Inawat ko na sila dahil baka mamaya ma-guidance pa sila sa ginagawa nila.

"Tama na" awat ko kay Joven at hinawakan nag braso niya.

May part sa akin na gustong-gusto kong masaktan si Arvind, yung tipong gusto ko na maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko, pero hindi sa ganitong paraan.

Bumakas ang pinto at sila Andreah ang bumungad doon. Agad akong inilayo ni Shelei,inawat ni Andreah at Gretchen ang dalawa.

"Hoy punyeta kang lalaki ka!, Sa susunod ha layuan mo na yung bestfriend namin kung paiiyakin mo lang!" Gigil na sigaw ni Gretchen

Lalo akong napaiyak, ganito pala yung pakiramdam na may nagtatanggol sayo ano?. Napangiti ako habang tumutulo ang luha ko.

"Alam mo ba na halos ipagtanggol ka ni Keira sa amin kapag sinisiraan ka namin sa kaniya?, Alam mo ba yon ha!" Sigaw ni Andreah

Oo nga, ngayon na-realize ko na aiguro ganoon nga ako katanga, siguro dapat hindi ko iyon ginawa.

Lalabas na kami ng classroom ng biglang magsalita si Arvind

"You misunderstood me" malamig na sagot niya.

Napatigil kaming lahat sa sinabi niya.

"Wag mo kong maingles-ingles dyan Villanueva, kukutusan kita" banta ni Shelei

Napangiti ako kahit ganoon.

"—siya naman. Siya naman iyong tinutukoy ko kanina"

Napatigil kaming lahat at binitawan ako ni Shelei.

"Hoy manloloko-"

"Siya yung tinutukoy ko sa stage, siya yung crush ko" kitang-kita ko yung mga mata nyang nakikiusap na pakinggan ko siya.

May kung anong humaplos sa puso ko at nag-udyok na pakinggan ko siya.

"-ah hinde, actually siya yung mahal ko"

Nanlaki ang mata ko sa mga salitang binitawan niya, halos mapaupo na ako dahil nanlalambot ako. Nakunot ang noo ko at binalingan ko si Arvind

"Oo Keira, crush din kita"

"Aba gago to" napatawa si Joven

Pero tinignan ko sina Andreah, nginitian lang nila ako. Malamang alam din naman nila na nagsasabi ng totoo si Arvind, sila din naman nasaksihan nila iyon, especially si Shelei.

"So lahat ng motibo-"

"Oo, lahat. Lahat-lahat" putol ni Arvind sa sasabihin ni Gretchen.

Lumapit siya sa akin at  nilahad ang mga braso niya. Itinulak ako ni Shelei. Napayakap ako kay Arvind. Niyakap niya ako ng mahigpit

"Sorry Keira" malambing na ani niya

Mas lalo akong napaiyak di ko ine-expect talaga na darating tong araw na ito. Para akong nabunutan ng tinik sa ginagawa niya. Hindi ko na kayang kalimutan ito.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now