Wakas

124 1 0
                                    

It's been 40 days . . .

Everything was fine, but when it comes to my heart I'm not yet ready to accept and move on . . . I dreamed of having a complete family . . . But that day, I even questioned God for giving me the situation that's really hard to accept and really hard to fight. Since I'm a lawyer, I'm the one who handled the case of my husband.

The good thing is Relli, Arvind's uncle, chased the murderer. Kinain ako ng galit ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na ako tsaka mangyayari lahat 'to?. Inimbistigahan namin si Rolly, si Rolly ang nakabaril sa asawa ko. Nagkamali siya ng nabaril na groom, nagkamali siya ng simbahan na pinuntahan. That day is the same day kung kailan ikakasal ang girlfriend niya, yung simbahan na daw yun kasi ang pinakamalapit kaya naisip niya na baka doon kinasal ang girlfriend niya, then noong na-realize niya na maling groom ang nabaril niya he run away kaso nahabol siya ni tito Relli. Noong ma-interview ko siya, halos hindi ko matignan ang pagmumukha niya. He killed my husband. Umamin siya sa akin na talagang ginusto niyang patayin ang groom ng girlfriend niya, pero humingi siya ng tawad sa akin dahil sa nangyari. Mabuti pa sana kung maibabalik ng sorry nya ang buhay ni Arvind, pero hindi!. Sa Forty days na nagdaan, araw-araw akong binabangungot. It's been 6 months after kaming ikasal pero parang kahapon lang nangyari lahat.

"Hija" tita Lyn tapped my shoulder.

Isa si Tita Lyn sa nakasaksi kung ano ang pinagdaanan ko sa loob ng apat na buwan.

"Hija, eto galing kay Arvind,hindi ko nabigay yan,pero dapat bago ka ikasal kaso nawala sa isip ko." Iniabot niya sa akin ang kahon sa ibabaw noon may sulat.

Lumunok ako bago abutin ang kahon. May kakaiba sa akin na hindi ko malaman kung ano iyon. Biglang kumabog ang puso ko habang tinititigan ang kahon. Kinuha ko ang sulat na nasa labas ng kahon.

"Hija, hindi ko iyan nabasa wag kang mag-alala" Tita Lyn said.

I opened the letter.

Dear Keira,

Hi Mahal!. Kapag nabasa mo ito walang iyakan ah? Haha. Mahal na mahal kita, alam ko naman na alam mo iyon, mahal today is the best day for me :) eto yung araw na pinakamasaya para sa akin. Akalain mo 'yon mahal? Ikakasal tayo, I'm sordy for making you cry noong birthday mo. Haha alam mo naman na palabiro tong soon to be asawa mo :). Open mo tong box mahal. May surprise na nag-iintay dyan. I love you Mahal! See you later soon to be Mrs.Villanueva!! Mwah!


Love,
Arvind

Napaluha na naman ako, kung sana maibabalik ko lang, kasi sa sulat niya parang ang saya-saya niya pa. Pinahid ko ang luha ko at kinuha ang box, nakalagay sa takip ng box ang pangalan ko. Andaming sulat. Nakita ko ang likod ng takip at may nakadikit din doon.

Mahal! Hello :) naalala mo? Hindi ka man lang nakakatanggap sa akin ng mga letters kapag monthsary at anniversary natin? :) Eto na babawi na ako :). Mahiyain kasi tong boyfriend mo eh Love you mahal! Basahin mo lahat iyan!

Natawa ako kahit papaano. Gumagaan ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang unang papel. Kulay blue at pink ang kulay ng mga papel na sinulatan niya. Binuksan ko ang papel nanlaki ang mata ko ng makita ko ang date. 2010

2010
Dear Keira,

Hi, Keira! Ako to si Arvind! Alam mo ba Keira ang ganda mo kanina :)

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now