GENERAL's 6

21.7K 767 70
                                    



  •SAFIRO BALMORES MONTESALVE•
 
  Nagising ako sa pagkakatulog ng may narinig akong nag uusap malapit sa akin. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin ang purong puti na paligid.

  siguro ay nasa hospital ako dahil naalala ko na nawalan ako ng ulirat sa labas ng opisina ko, dahil sa lakas ng heat cycle na inilalabas ng katawan ko kaya hindi ko na nakayanan pa.

  sinubukan kong luminga sa paligid at nang mapalinga ako sa bandang pinto ay nakita ko si mama na may kausap na lalaki.

   ngunit nagitla ako ng si Heneral ang kausap niya na seryoso ang mukha, pero agad din itong umalis na seryoso at galit pa din ang mukha, kaya di ko na narinig kung ano ba yung pinag uusapan nila ni mama at bakit parang napaka seryoso ng pinag-uusapan nila.

  at ng pagharap ni mama sa akin ay nakita ko ang gulat sa mga mata nito ng makita niyang gising na ako.

  "Anak gising kana! teka lang tatawagin ko muna si Doc. Alvez." -saad niya at dali daling lumabas.

  maya maya pa ay dumating na si mama kasama yung Doctor na sinasabi niya.

  "kamusta ang pakiramdam mo?"-tanong nang doctor sa akin, habang iniinspeksyon ako.

  "Im okay Doc. medyo nahihilo pa ako ng konti?" -sabi ko sa kanya.

  "That's good Ms. Balmores! so pwede ka ding ma discharge ngayon at mag bibigay na lang ako ng gamot na pwede mong inumin, at saka wag kang masyado magpagod kung saan buwan ng heat cycle mo para hindi mangyare ulit sayo ito, dahil napag alaman kong isa kang carriers. so yun lang iho take care of your self." -nakangiting saad niya sa akin.

  "okay! thank you po Doc." -pagpapasalamat ko sa kanya ganun din si mama kaya tumango na lang si doc sa amin bilang sagot bago kami iwan.

  "Anak ok kana ba talaga? dalawang araw kana kasing nakatulog dito sa hospital ng dalin ka ni Heneral dito." -ani niya sa akin ng seryoso pero nagulat ako ng napag alaman kong si heneral pala yung nagdala sa akin dito.

  "huhhhh! po si Heneral?" -gulat na tanong ko sa kanya.

  "oo anak siya ang nagdala sayo dito at anak may dapat ka ding malaman?" -kinakabahang sabi sa akin ni mama.

  "ano po yung dapat kong malaman mama? may sakit po ba ako? mamatay na po ba ako? ano mama?" -sunod sunod na tanong ko sa kanya. pero kinurot lang ako ni mama ng mahina.

  "wala kang sakit anak! at hindi ka din mamatay." -ani niya

  "ehh ano po ang dapat kong malaman?" -naguguluhan kong tanong sa kanya.

  "anak alam na ni Heneral na anak niya si Rhyser sayo, dahil may dala siya kaninang DNA result na patunay na anak niya si Rhyser, pero diko alam kung saan siya nakakuha ng sample. anak natatakot ako dahil galit na galit siya kanina at gusto na daw niya kayong kunin agad pag gising mo." -seryosong sabi niya sa akin.

  kaya naman nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam ang gagawin, dahil ayaw ko ng makasama ang hayop na heneral na yun, dahil siya rin ang gumawa ng dahilan kung bakit ko siya iniwan at kinamuhian non.

  baka kung hindi ko pa sila nahuli ni Maurice na kaibigan kong ahas na nag sisiping sa kwarto naming dalawa, ay baka hanggang ngayon nagpapaka tanga pa rin ako sa kanya.

  "Mama! yung anak kong biik na saan?" -tanong ko sa kanya.

  "kasama ng papa mo sa bahay anak." -sagot niya sa akin.

  "mama iuwi mo na muna ako sa bahay niyo, dahil ayaw kong maabutan ako ni Heneral dito dahil ayoko ko ng sumama sa kanya ilayo niyo po kami." -nagmamakaawang sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan mapaiyak.

✔️DMS3: THAT GAY IS THE GENERAL's FIRST LOVE (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon