•SAFIRO BALMORES-MONTESALVE•"HAPPY BIRTHDAY RHYSER" -sabay sabay na bati ng mga bata sa anak namin, habang karga karga siya ni harristone na katabi ko at katapat namin yung cake niyang transformers.
"Anak make a wish na!" -masayang sabi ni heneral sa kanya habang nakalingkis naman ang isang kamay niya sa bewang ko. pumikit naman yung anak namin saka niya hinipan yung cake niya kaya nagpalakpakan kami lahat pag katapos.
"Thank you! po mimi at Dadi." -medyo naluluhang sabi niya sa amin at saka kami hinalikan sa pisnge, first time kasi mag celebrate ng anak ko na ganito ka engrandeng party talaga naman pinagkagastusan ng ama niyang heneral.
"anything for you my baby general at saka wag ka ng iiyak di na tayo gwapo niyan." -biro sa kanya ni harristone habang pinupunasan yung luha sa mukha ng anak namin.
"hali na kayo at kumain na tayo baka nagugutom na yang biik na yan at iyakin na." -biro ko sa kanila kaya naman sumimangot yung anak ko.
"mimi naman! di na ako biik, yung mga baby bro ko na ngayon ang biik at saka tingnan mo mimi oh may muscle na ako." -habang pinapakita pa niya yung masel maselan niya kaya naman natawa kami ni harristone sa kakulitan niya.
________
habang kumakain kami ay parang naiilang ako dahil parang may nakatingin sa akin sa malayo kaya naman inilibot ko yung paningin ko pero wala naman akong makita, kaya ipinagsawalang bahala ko na lang at saka ko itinuloy yung pagkain ko dahil gutom na gutom talaga ako kanina pa."Sweety! dahan-dahan lang sa pagkain para ka namang mauubusan niyan." -nakangising sabi niya sa akin sa tabi ko habang nakahawak pa sa bewang ko.
"cheeeeeee! wag mo nga akong paki ilaman dahil naggutom talaga ako kanina pang umaga." -masungit na sabi ko sabay irap sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Mami! Dadi tara daw po sa harap dahil ioopen ko na daw po yung gift niyo sabi nong pangit na yun." -saad ng anak namin na itinuro pa yung clown sa taas ng stage at sabay hila niya sa amin patayo sa upuan.
kumakain pa ako eh!!!!!!
"So ito na pala ang pamilya montesalve palakpakan po natin sila." -pagpapakilala nong clown samin kaya naman nagsipalakpakan lahat ng bisita at sakto din ang pagdating ng pamilya ko at pamilya ni harristone.
pero nagulat ako ng makita ko yung Ama ni harristone na katabi si tita pero alam kong napansin din yun ni heneral dahil nakatingin ito ng masama sa ama niya habang nakakunot ang noo niya.
"Fuck! anong ginagawa ng hayop na yan dito." -galit na bulong niya habang nakapuyos kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang yun para pakalmahin siya, tumingin siya sa akin ng nagtatanong.
"hayaan na lang muna natin siya harristone, ang intindihan natin is yung kasiyahan ng anak natin ngayon." -nakangiting pagpapakalma ko sa kanya, tumango siya sa akin bilang pagsang ayon at saka niya hinagkan yung noo ko sa madaling tao kaya naman nagsi tilian ang lahat.
"taray sis ah! edi ikaw na ang maganda kalerke talaga sana all! kyahhhhhhhh!"-tili nong clown kaya naman nagsitawanan ang lahat, kaya naman pati kami natawa na lang sa kalokohan ng clown na to.
"ohhh siya baby buksan mo na yang gift mo na bigay namin ng mimi mo sayo." -masayang sabi ni harristone sa anak namin sabay hinalikan ito sa pisnge.
habang bubuksan pa lang sana ng anak namin yung regalo niya ay bigla kong naramdaman na parang bumabaliktad yung sikmura ko kaya naman agad akong bumaba ng stage at tumakbo papasok ng mansyon at saka tumungo sa lababo para sumuka.
BINABASA MO ANG
✔️DMS3: THAT GAY IS THE GENERAL's FIRST LOVE (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 3: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG GEN. HARRISTONE MONTESALVE | SAFIRO BALMORES MONTESALVE SYNOPSIS: Kaya mo bang Itago at Ilihim ang isang bagay na nabuo sa madilim na nakaraan? --------------- Anak yung papa mo sinugod dito...