•GEN. HARRISTONE MONTESALVE•"Sweety! bakit ang taba mo na?" -biro ko sa kanya habang nakaunan silang dalawa ng anak ko sa hita ko...
"hmmmmp! kung dito ka kaya matulog sa sala mamayang gabi." -mataray na banta niya at saka sumubsob sa tiyan ko at pinaglaruan niya yung buhok ko sa pusod kaya naman bigla akong tinigasan sa ginagawa niya.
"hahaha sabi ko nga ang sexy mo eh." -sabay kamot ng ulo ko.
"Harristone! pengeng brown na saging nagugutom na kami ng mga anak natin." -naka ngusong na sabi niya kaya naman tumawa ako ng malakas at pinisil yung nguso niya.
pero ilang saglit ay napatigil ako sa pagtawa ng may bigla kaming narinig na sunod sunod na putok ng baril sa labas, kaya naman napatayo kami agad at nagising din yung anak ko dahil mukhang narinig niya din ata yun.
"harristone anong nangyayare?" -natatakot na tanong niya kaya naman niyakap ko silang dalawa ng anak ko.
"shhhhhh! kalma sweety wag kayong matakot ok? proprotektahan ko kayo." -sabi ko sa kanila at marahang hinalik halikan ang buhok nilang dalawa.
"heneral! pinasok po tayo ng hindi kilalang tao." -bungad na sabi ng tauhan ko sa pintuan ng mansyon.
"putang ina! diba sabi ko pag igihan niyo ang pagbabantay, shit! mga tanga tanga talaga kayo pag oras na may nangyareng hindi maganda sa pamilya ko lagot talaga kayo sa aking lahat." -galit na banta ko sa kanila at saka ako tumingin sa asawa at anak ko na kita ko pa din sa mukha nila ang takot.
"tawagin mo si Ben! at samahan niyong idala lahat ng mga katulong sa basement ng mansyon para sa kaligtasan ni lang lahat." -utos ko sa kanya.
"masusunod po heneral." -ani niya at saka nagmadaling lumabas ng mansyon pero rinig pa din yung sunod sunod na putok na baril sa labas.
"sweety! sumama muna kayo sa akin at itatago ko muna kayo ng anak ko para sa kaligtasan niyong dalawa." -sabay buhat ko sa anak ko at hinila siya patungo sa underground ng mansyon kung saan nandoon nakatago lahat ng mga armas at baril na koleksyon ko.
"dito muna kayo sweety ah at lalabas muna ako at saka wag niyong papakiilaman yung mga baril na nandito baka pumutok sayo, dapat yung baril ko lang ang pwedeng pumutok sayo hmmp" -malambing na sabi ko at saka hinalikan yung labi niya pero nakatanggap lang ako ng kurot sa kanya.
"mag iingat ka harristone huh!" -nag aalalang sabi niya, kaya nginitian ko siya at niyakap.
"oo naman sweety pag katapos neto date tayong tatlo." -huling sabi ko sa kanila at saka ako dali daling lumabas ng mansyon para harapin kung sino ang mga gagung yun.
paglabas ko palang ng pinto ng mansyon ay bumungad na sa akin ang ilan kong tauhan na sugatan, habang natayo ang anim na armadong lalaki na nanloob sa mansyo ko na nakamask ng itim.
"sino kayong mga gagu kayo?" -galit na sigaw ko habang hawak hawak ko yung baril ko, ramdam ko din na pinalibutan ako ng mga tauhan ko upang protektahan.
"ohhhhhh! andito na pala yung hinihintay ko para sa regalo na dapat nong nakaraang buwan ko pa ibibigay sayo at Congrats din pala at mukhang naka score ka na naman ata." -nakakalokong sabi ng isang lalaking nanaka mask kaya naman tinutukan ko siya ng baril dahil sa inis ko.
"sino kang gagu ka?" -galit na tanong ko.
"hahahaha! akala ko naman kilala mo na ako." -natutuwang sabi niya at tinanggal niya yung sout na mask niya at doon na bumungad sa akin ang mukha ng gagung si bradford.
BINABASA MO ANG
✔️DMS3: THAT GAY IS THE GENERAL's FIRST LOVE (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 3: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG GEN. HARRISTONE MONTESALVE | SAFIRO BALMORES MONTESALVE SYNOPSIS: Kaya mo bang Itago at Ilihim ang isang bagay na nabuo sa madilim na nakaraan? --------------- Anak yung papa mo sinugod dito...