•SAFIRO BALMORES MONTESALVE•"Hello! Safiro, Babe ko, Safsaf ko.
kung sakali mang mabasa mo ang sulat na ito ay nais ko lang sanang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko sayo at kay kuya, dahil alam kong alam mo na! na ako ang may kagagawan kung bakit kayo nagkahiwalay non. pero hindi mo ako masisi eh dahil nagmahal lang naman ako sayo kahit na hindi mo ako minahal ng pabalik. pero ayos na din yun, masaya na ako na nakilala kita kahit bilang kaibigan mo lang ako.""pero may hihilingin lang sana ako sayo safiro! hihilingin ko sana na pwede mo bang alagaan yang puso ko na nasa sayo na ngayon, alagan mo sana siya na parang tulad ng pag aalaga ko sayo nong nasa Amsterdam tayo noon, yung pag aalaga na laging nakangiti, yung pag aalaga ng may pagmamahal at yung pag aalaga ng may pag iingat."
"at saka safsaf ko nais ko sanang magpasalamat sayo dahil isa ka sa dahilan kung bakit sumaya ako, pagtuwing nalulungkot ako, tuwing pagod ako galing sa trabaho nanjan ka para patawanin ako. alam mo ba ng time na yun parang naramdaman ko na naging asawa na din kita. kahit na alam kung si kuya naman talaga."
"pero kung may pagkakataon na mabubuhay ulit tayo nais ko sanang hilingin sa diyos na tayo naman sana ang pagtapuin niya, na sana ako naman yung itadhana niya para sayo para naman maramdaman ko kung gaano kasaya maging asawa ng isang Safiro."
"ohhhhh siya ang drama ko na! basta alagaan mo yang mga pamangkin ko ah lalo na si Rhyser na parang naging anak ko na! mahal na mahal kita ."
"patawad! pero paalam na safsaf ko."
nagmamahal,
Poging Akiro mo.-nakasaad sa sulat na galing kay Akiro. kaya naman hindi ko mapigilang mapahagulgol ng malakas dahil sa nabasa ko.
"patawad Akiro kung hindi ko man lang nasuklian yang kabuting ginawa mo sa akin, pero hayaan mo aalagaan ko tong puso mo na ibinigay mo sa akin." -naiiyak na sabi ko habang hinahalik halik ang sulat niya.
"Tahan na anak nabura na yang make up, diba ngayon yung kasal niyo ni Harristone? kaya dapat maganda ka" -nakangiting sabi ni mama habang umiiyak din.
"mama si Akiro! yung best friend ko wala na siya." -parang batang nagsusumbong na sabi ko.
"shhhhhhh tahan na anak. alam kong masaya na si Akiro sayo sa taas at alam kong masaya na din siya dahil ikaw na ang nag aalaga ng puso niya." -pagpapatahan ni mama sa akin habang pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.
"ohhhh siya mag bihis kana dahil kanina pa nag aantay yung asawa mo sa simbahan, at saka tatawagin ko na yung make up artist sa baba para maayusan kana kaya tumahan kana okay!" -nakangiting sabi niya, tumango na lang ako bilang saagot sa kanya.
maglilimang buwan na rin pala ang nakakalipas sa masalimuot na pangyayaring naganap sa amin noon, at ngayon buwan na to ay ang araw ng kasal din namin ni Harris na halatang pinaghandaan niya talaga, dahil pagkalabas na pagkalabas pa lang ng Triplets ay lumipad na agad kami dito sa Italy upang magpakasal.
"ma'am ganda! ayusan ko na po kayo!" -nakangiting sabi ng bakla na kakapasok , ngumiti din ako sa kanya at tumango bilang sagot.
BINABASA MO ANG
✔️DMS3: THAT GAY IS THE GENERAL's FIRST LOVE (•BxB•)
RomanceDANGEROUS MAN SERIES 3: COMPLETED | BL | RATED 18 | MPREG GEN. HARRISTONE MONTESALVE | SAFIRO BALMORES MONTESALVE SYNOPSIS: Kaya mo bang Itago at Ilihim ang isang bagay na nabuo sa madilim na nakaraan? --------------- Anak yung papa mo sinugod dito...