SPECIAL CHAPTER

14.1K 544 149
                                    


•FOILE RHYSER MONTESALVE•

gulat kayo noh dahil ang gwapong anak ni Heneral ang bumungad sa inyo hahaha.

"Rhyser ano na naman bang ginawa mo sa mga kapatid mo at bakit na naman sila umiiyak." -galit na sabi sa akin ni mommy kaya napasimangot ako.

"ehhh kasi po mimi kinagat po nilang tatlo yung tenga ko kaya naman pinalo ko silang mahina sa pwet." -malungkot na sabi ko habang nakatingin sa mga tatlo kong kapatid na humahagikgik na ngayon sa tawa. kaya naman sinamaan ko sila ng tingin pero dinilaan lang nila akong tatlo.

"hoyy kayo mga bubwit wag niyong masyadong niloloko yang kuya niyo." -sermon niya sa mga kapatid ko, pero hindi nila pinansin si mommy bagkus ay binato lang nila ako ng ginamit nilang mga diaper kanina sa mukha.

actually napaka sama na talaga nila sa akin kahit dalawang taon pa lang sila para tuloy nagsisisi na ako nanagkaroon pa ako ng mga kapatid na tiyanak.

"ohhh anong nagyayare dito? bakit hindi pa kayo lumalabas, kanina pa kayo hinihintay nila mama doon sa cottage at mag swiswiming na daw tayo." -tanong ni daddy na kakapasok lang.

"yung mga bubwit mo kasing anak pinag tripan nanaman yung kuya nila." - ani ni mommy habang nakaturo sa akin kaya ngumisi si dad na papunta sa akin.

"ohhh young man ayos ka lang ba?" -tanong ni dad habang nakangisi.

di po ako ayos dad ayoko na sa mga tiyanak na yan nangangagat sila, feeling ko nawawala tuloy yung kagwapuhan ko pano na ako makakahanap ng chickss neto." -seryosong sabi ko. kaya naman biglang tumawa si dad at saka ginulo yung buhok ko.

"bata kapa para mag chickssss anak! at saka wag mong ipaparinig sa mimi mo yan kung ayaw mong hampasin ka ng tambo ulit non." -banta ni dad sa akin, bigla naman akong kinabahan dahil minsan na kasi akong nahampas ni mimi ng tambo noon nong may nakita siyang bold na mga CD sa kabinet ko na hiniram ko pa kay uncle lourdemios.

pero buti na lang talaga dumating si Dad non kaya kay dad napagbuntunan ang galit niya at siya ang pinaghahampas ng tambo dahil si dad daw ang nagbigay sa akin non.

"tara na bumaba! kung ano ano na naman ang itinuturo mong kalokohan sa anak mo harris. nako pag nalaman ko lang talaga lagot ka sa akin." -banta ni mommy kay dad, kaya napakamot na lang si dad ng buhok habang papalapit kay mommy.

"at ikaw naman Rhyser intindihin mo na lang tong mga kapatid mo dahil madagdagan na naman sila dahil nabuntis na naman ako ng magaling mong ama." -saad ni mommy, na agad nanlaki yung mata ko na gulat na gulat pero si dad nagtatalon lang sa tuwa na akala mong nanalo ng lotto.

shit! madadagdagan na naman ang sisira sa araw ko. parang pakiramdam ko hindi na ako magkakaroon ng shota neto eh kahit 7 years old pa lang ako.

———-
"ohhh apo anong nangyare sa tenga mo bakit namumula ata?" -nag aalalang tanong ni lola sa akin habang hinahawak hawakan yung tenga ko kaya naman napapa-atras na lang ako sa sakit.

"pinagtripan na naman kasi ng mga kapatid niya mommy." -malakas na sabi ni dad sa kanya kaya nagtawanan ang lahat habang ako naman ay nakasimangot.

"nga pala may iaannounce pala ako at siguradong matutuwa kayo." -masiglang sabi ni dad na napairap na lang ako sa inis. dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"ano naman yun anak?" -tanong ni lolo sa kanya.

"si Rhyser kasi madadagdagan na yung sakit sa ulo niya dahil buntis na naman ang asawa ko." -natutuwang sabi niya, biglang namang naghiyawan ang lahat ng angkan namin sa tuwa.

✔️DMS3: THAT GAY IS THE GENERAL's FIRST LOVE (•BxB•)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon