Chapter 1 (Love letter)

53 10 6
                                    

Keitha's P.O.V
5 years ago..(Past)

Dear Clyden,
           I like you so much! Sana mabasa mo yung letter ko. Kapag binasa mo to gagalingan ko mamayang mag report sa class namin mamaya.


                               Your forever admirer,
                                             Keitha💟



Finally, nahulog ko na sa locker niya yung letter ko. Alam kong sobrang daming love letters ang nasa locker niya ngayon dahil hindi lang naman ako naghulog ng letter. Actually, may mga nakasabay nga akong lima eh. Anlakas makairap sakin nung babaeng singkit akala mo naman maganda eh mas maganda naman ako sa kanya duhh. Sana di mabasa yung letter niya bleeh.



"Oh ano nahulog mo na yung letter mo sa locker niya?"



Kakaupo ko palang sa upuan ko, may nakikichismis na kaagad sakin.



"Oo naman Liz, ako pa ba? Siyempre si Keitha yata ako. Maganda na, matapang pa at mana sayo. Di ba?"



Nag thumbs up naman siya sakin at sabay kaming bumungisngis sa upuan namin. Magseat mate kase kami ni Liz na masasabi kong ka-close ko naman kahit papano. Honestly, wala pa naman talaga akong bestfriend.




Hayst, ang boring talaga sa school. Salita ng salita yung p.e teacher namin sa harap pero wala namang nakikinig. Pinaikot ko yung paningin ko sa buong classroom namin, all of my classmates are bored including myself. Yung iba nakatulala and yung iba parang puyat na wala sa sarili. Siguro dahil karamihan sa kanila kung hindi adik sa mobile games, may jowa. Imagine, nakakapayat pala mag jowa. Itry ko kaya?




"BSED 1-A, since I had noticed that you seem so bored about our volleyball discussion, then maglalaro na lang tayo ng volleyball sa volleyball court ng school natin. Let's go everyone! Wear your p.e uniform ladies and gentlemen."




Pagkalabas ko ng comfort room, sinilip ko kaagad yung locker ni Clyden. And guess what, nakita ko siya na nakatayo sa harapan ng locker niya and mukhang bad mood si crush ngayon. Bakit kaya? Siyempre concern citizen ako kaya dapat alam ko yung bagay na nakakapagpasaya sa kanya and yung mga bagay na nakakapagpalungkot sa kanya. Kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon niya.





"Hi Clyden!"




Bati ko sa kanya at binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. Kaso tiningnan niya lang ako saglit tapos umalis na siya agad habang hawak hawak niya yung sandamakmak na love letters. Nagulat ako ng itinapon niya lahat ng letters sa basurahan. Nakita ko yung color purple na envelop ko na andumi na kasama yung mga magagandang papel na nasa basurahan na din.





Hindi niya man lang binasa yung mga letters. Kahit sana yung love letter ko na lang yung binasa para natuwa pa ko di ba. Pero itinapon niya lahat. Medyo nasaktan ako dun ng beri beri layt. Pero hindi ako susuko, dahil bukas mga sampung love lettters na yung ihuhulog ko sa locker niya para more chance of winning. Mindset ba, mindset.




"Bhie bat antagal mo. Natatalo na yung team natin oh. Tingnan mo."




Actually, wala naman talaga akong pakialam kung matalo kami sa volleyball. Unang-una, hindi naman ako marunong maglaro ng volleyball. Pangalawa takot ako sa bola--




"Aray! Ansakit nun ah!"




Kaasar naman oh. Nasa gilid na nga ako tapos tinamaan pa ko ng bola. Bwiset! Nagpapansin na naman sakin tong feeling pogi naming classmate na nanliligaw sakin. Hindi ko naman siya gusto tsaka isa pa, hindi naman siya si Clyden para pag aksayahan ko ng panahon.




"Sorry lab!"




Rinig kong sigaw niya sa court. Yuck! Eww! Kadiri! Kung makatawag ng lab sakin akala mo naman kinagwapo niya yun. Eww, kadiri kaya.




"Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!"




Rinig ko namang hiyawan ng mga classmate ko samin. Yuck talaga nakakarindi sila. Hindi man lng sila kilabutan.




"Sagutan mo na kase Keitha si Mark. Senior high ka pa lang nililigawan ka na niyan eh."




Sabi nung classmate kong mala ex batallion ang tugtugan.




"Sobrang kinikilig ako sa inyo!"




Sabi naman nung classmate kong walang alam sa buhay kundi ang magpulbo at liptint sa loob ng classroom.




"Sorry, may boyfriend na ko."




Sabi ko naman sa kanila at tumahimik na rin sila sa wakas. Tama naman ako sa sinabi ko. Oo. Yes po. Opo. May boyfriend na ko. May boyfriend na ko sa imagination ko. Boyfriend ko na si Clyden Dmitri Monteverde sa imagination ko.




Totoo ba yung nakita ko kanina. Parang nakita ko si Clyden na dumaan tapos tumingin siya sakin ng mga 2 seconds ganern. Guni-guni ko lang ba yun or baka hindi lang ako nakainom ng delusional pills?




Di bale mamayang gabi magsusulat ulit ako ng madaming love letters at ilalagay ko ulit sa locker niya. Sabi nga di ba, try and try until you succeed.

Vengeance Of LoveWhere stories live. Discover now