Keitha's P.O.V.
What a beautiful weather! Feeling ko ang productive ko ngayong araw. Siyempre maaga akong gumising at uminom din ako ng kape para makumpleto ang araw ko.
Inagahan ko talaga ng gising dahil kailangan ko ng mamili ng mga damit na isusuot ko sa California. I'm so thankful na tinulungan ako ni mama na maayos yung mga documents ko para makaalis na ko ng Pilipinas.
"Exuce me po, magkano po ba itong summer dress na toh?
Tanong ko dun sa sales lady na kanina pa bantay ng bantay sakin. Akala niya siguro wala akong pambayad.
"5,000 po ma'am."
Teka, bat ako sinusungitan nito. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Nung last na bumili kami ni mama, nasa 2,500 lang to ah. Bakit parang dumoble naman yata yung presyo?
"Hey baby."
Nagulat na lang ako ng bigla na lang akong akbayan ni Kane. Isa pa toh, parang mushroom na sumusulpot. Di ko naman tinawagan toh eh, bat to nandito?
Lalo tuloy akong sinamaan ng tingin nung saleslady.
"Bakit ka nandito? Di naman kita tinawagan ah."
Aba tinawanan niya lang ako. Sinamahan niya kong mag shopping maghapon.
The money that I'm spending right now was came from my savings. I did work hard to get what I want.
Minsan nga nagsisideline ako as waitress sa Purple Coffee Shop para makaipon ako ng sarili kong pera at para di ako maging pabigat sa mama ko.
Hindi ko masasabing mayaman ang pamilya ko. It's because we came from nothing and I will never forget where I came from.
"Keitha? Are you with me?"
Ahy oo nga pala, nakalimutan kong may kasama nga pala ako.
"Sus, malamang oo. Magkasama nga tayo di ba?"
"Siguro iniisip mo naman si Clyden your loves noh?"
Aba, nang aasar siya.
"Excuse me! Ofcourse not!"
Defensive na sagot ko sa kanya. Siyempre eh hindi naman talaga eh.
"Ayieeeeeeeeeeeeee gusto niya pa rin si Clyden."
Ayaw pa rin akong tigilan ng mokong na toh. Well, speaking of the devil.
Nakita ko naman sila na magkaholding hands nung girlfriend niya habang nagshopping rin dito sa Gold Avenue Mall.
Hayss, mukhang masisira na naman ang araw ko. Ang dami namang mall sa Pilipinas ah. Bakit dito pa sila nag shopping. Nakakairita silang dalawa. Kung makaasta akala mong kakatapos lang nilang maghoneymoon.
"Kane, nalipasan ka lang siguro ng gutom kaya ka ganyan. Tara ilibre mo ko ng fries at ice cream.
Hinila ko na siya papunta dun dun sa food cart ng fries, then umorder na ko kaagad ng two large fries na flavor barbeque at water.
"Talagang excited ka nang makapunta sa California ah. Nagshopping na agad ng mga damit."
Di naman ako maluhong babae. Kailangan ko na talagang mamili ng damit dahil nasa donation na lahat nung mga damit ko pero pwera lang yung underwear noh.
Habang kumakain kami ng fries ni Kane, napansin kong papalapit na samin yung mag jowa na "couple goals" kuno sabi nung mga royal chismosa.
"Kane, tara na."
Di pinansin ni Kane yung sinabi ko. Instead, hinila niya ako papalapit sa kanya and inakbayan niya lang ako.
"They are the reason why I'm here beside you."
Binulong sakin ni Kane. Kaya napasmile tuloy ako sa kanya then tinuloy na namin ulit ang pagkain ng fries.
"Thank you."
Binulong ko din sa kanya. Kaya napasmile din siya.
"Hubby, pwede mo ba kong subuan ng fries?"
Pabebeng sabi nung Julia kay Clyden. Tss, sa harap pa mismo namin? Mga epal.
"Ofcourse wifey!"
Pasweet naman na sabi ni Clyden. Hayss, kairita.
Napairap tuloy ako sa hangin and sa kasamaang palad nahuli yun ni Clyden kaya nag smirked siya sakin.
Eh? Really?
"Keitha, akala ko ba gusto mong mag ice cream?"
"Ahy oo nga pala. Tara na."
Kaya umalis na kami ni Kane dun sa food court and pumasok naman kami sa ice cream store.
Dalawang strawberry ice cream yung inorder ko.
Wala pang 5 minutes nung umupo kami doon sa loob ng store nang bigla namang sumulpot yung mag jowang papansin.
Ano bang problema nila? Umiiwas na nga kami sa kanila eh. Sila pa tong umeepal. Gusto ko lang namang kumain ng ice cream ah.
Nagtama na naman yung paningin namin ni Clyde. This time, ang seryoso na ng titig niya.
Ano bang problema niya sakin? Talaga bang gusto niya akong bwisitin?! Well, this time uubusin ko talaga yung ice cream na inorder namin.
"Kane, hindi tayo aalis dito hanggat di ko nauubos yung ice cream ko.
"Ok sige sabi mo eh. Say ah baby?"
Ano namang nasa isip nito? Well, nagegets ko naman siya. Sinubuan niya ako ng ice cream. Natatawa na naman niya kong tiningnan kaya natawa tuloy ako.
"Para kang tanga. Baka isipin nila mag jowa tayo. And baka sabunutan na ko ni Krystal.
"Wala naman siya. Tsaka nasa France si Krystal babe ngayon."
"Sus, ikaw talaga."
Bigla tumunog yung phone niya na nakapatong dun sa lamesa katabi. Nag appear yung name ni Krystal dun sa screen. Sabi ko na nga ba eh.
"Hi babe?"
Ni loud speaker niya pa talaga. Kaya ayun rinig na rinig ko kung pano mag reklamo si Krystal. Mas okay talaga maging single. No boyfriend? No problem.
YOU ARE READING
Vengeance Of Love
Fiksi UmumKeitha Venezia Del Real is a cute and bubbly young lady. When she was in college, she really like Clyden Dmitri Monteverde who didn't like her back. So that is why when she graduated in their school, she tried to move on. Unfortunately, her mother's...