Chapter 2

1.3K 26 3
                                    

Sa kabila ng lahat ng nangyari kagabi hindi ko alam kung paano ko pa nakuhang matulog ulit.

Nalate ako ng gising at hindi man lang namalayan ang pag alarm ng aking mini clock.

And now here I am matamlay at walang kabuhay-buhay habang naglalakad sa Hallway pupunta sa School.

Ramdam ko ang mga titig at tingin ng mga estyudanteng nakakasalubong ko. Pero wala akong lakas upang balingan sila ng tingin

Ngayon lang ba sila nakakita ng matamlay na naglalakad.

Yes they know me, because I'm the girlfriend of the campus hearthrob. My boyfriend is a hearthrob kaya ganyan nalang sila kung makatingin sakin.

"Beshiwapp.."

Napahinto ako sa paglalakad at
malamyang nag-angat ng tingin sa babaeng tumawag sakin, kasama niya ang mga pinsan niya, di ko alam kung sisisihin ko ba siya o hindi. parang gusto kong humagulgol at umiyak ulit.

Malapad ang mga ngiti niyang lumapit sakin at umakbay.

"Eh! What is this outfit? Like duh! Wala ka sa Korea te! May pascarf scarf ka pang nalalaman! At bakit balot na balot ka ng jacket Naku feeling koreana lang ang peg." daldal niya kaya napayakap ako sa kanya at di namalayan ang pagdaloy ng aking mga luha.

"Woopppss!! Why are you crying?" takang tanong niya at niyakap ako pabalik

"Your a liar! *Huk Akala ko ba uuwi ka ng alas otso kagabi! Pero bakit hindi ka umuwi *hik why Hannah? You promised to me."

humahagulgol kong wika kaya nasa amin na lahat ng tingin ng nasa paligid

"Hala! Sorry. Hindi ako natuloy kagabi sa pagpunta sa party. Kasi nagkaroon ng problema. Tinakbo sa hospital si Lola kaya kita mo oh kasama ko ang mga pinsan ko ngayon. Tatawagan sana kita para ipaalam sayo kaso lowbat na ang cp ko. Sinubukan ko ring humiram sa mga pinsan ko pero masyado silang madamot." dire-dirediretsong wika niya kaya napailing ako habang pinupunasan ang aking luha.

"Pero sana sinabi mo sakin ng maaga para hindi kita hinintay! At umuwi sa bahay." 

"Sorry! Huwag ka ng magtampo. Kita mo oh mukha ka ng bampira sa kakaiyak kala mo kinaganda mo..jusko para kang bata aber..haha." nang-aasar niyang sambit kaya napangiti ako ng pagak wala man lang siyang kamalay malay sa mga nangyari sakin.

Imbes na ikwento ko sa kanya lahat ng nangyari, mas pinili kong maglihim sa kanya at kimkimin ang sakit ng loob at pagkatakot

Pilit kong tinatagan ang aking loob at huwag mag-isip ng mga negative thing.

Dinadaldal lang ako ni Hannah hanggang sa makarating kami sa aming departamento pero ni isa wala akong naintindihan.

Tibok lang ng puso ko ang aking nararamdaman.

Minsan nililibot ko ang aking paningin sa paligid dahil feeling ko ay may laging nakamasid at nanonood sa bawat kilos ko.

Hindi mawawala sakin ang matakot at kabahan ng sobra.

"Miss Del Shallen. Are you listening to me!" galit na sigaw ng prof kaya nagulat ako at tumingin sa kanya

"I'm sorry Miss." Hingi ko ng paumanhin kaya pinagpatuloy niya ang pagdidiscuss

Napasulyap ako sa aking mga kaklase habang sila ay naweweirduhang nakatingin sakin. Naninibago siguro sila sa inaasal ko ngayon. Sino ba naman ang hindi maninibago kung ang laging nakakaperfect sa mga quizes ay nakakuha ng zero.

Pagkatapos ng subject, mabilis akong lumabas ng room. Sumunod naman agad si Hannah

"Xierra what happened to you? You look weird! May problema ka ba?" tanong niya sakin saka ako sinabayan sa paglalakad

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now