Chapter 3

1K 19 0
                                    


Hannah POV

Palakad lakad ako dito sa apartment at di mapakali..

Lagpas alas 10 na. Pero bakit wala pa rin si Xierra

Paulit ulit kong dinadial ang no# niya pero hindi niya sinasagot..

Naisipan kong tawagan ang kolokoy niyang boyfriend at napabuntong hininga ng sinagot niya ito

"Oh bakit nambubulabog kang babae ka?" bungad niyang sigaw kaya agad kong nailayo ang cp sakin

Langya talaga ang kolokoy na to, sobrang piling

"Kasama mo ba ang gf mo? Hindi pa kasi siya umuuwi!" tanong ko pero

Napatakip na naman ako sa aking tenga ng bigla siyang sumigaw jusko nakakabasag ng eardrums..

"Ha? Anong sabi mo? Nasaan ang gf ko! Hindi pa siya umuuwi? Hoy ano ba? Pakenang shett.. sagutin mo ang tanong ko!! Kung may nangyari kay Xierra malalagot at malilintikan ka talaga sakin-" tuloy tuloy niyang tanong kaya pinutol ko na siya

"Hoy kumalma ka! Kaya nga kita tinatanong dahil wala pa siya."

"HA? Ano? Anong sabi mo!! Ilabas mo ang jowa ko!! Babarilin kita sa bungo."

"Ano ba!! Wala ka talagang kwenta..anong ilabas ang pinagsasabi mo! Di ko siya tinago siraulo!"

Ewan ko ba. Kung anong meron sa utak ng gunggong na to, at ganyan nalang siya kasungit sakin.

"Hoy huwag mo akong pinagloloko, ibigay mo ang cp sa kanya at kakausapin ko siya." galit niyang wika kaya inis ko siyang binulyawan at pinatayan.

"Sabing hindi pa siya umuuwi..tsk." 

Napaupo ako at napasulyap sa labas ng bintana. Baka nagovertime. 

umidlip muna ako. Pero hindi ko inaasahang magtuloy-tuloy ang pagtulog ko hanggang umaga

Pagkagising ko wala pa rin siya. Tumingala ako sa orasan 

My gosh I'm late. Saan ba nagsusulpot ang babaeng yun

Mabilis akong naligo at nagpalit. Pagkalabas ko nakita ko siyang nakaupo sa hagdan.

Nakatingala sa kalangitan at parang anlalim ng iniisip!

Jusko wag niyang sabihing dito siya natulog, lumapit ako sa kanya at kinalabit

Bahagya pa siyang nagulat at parang nakakita ng multo..pero ang ganda kong multo kung ganun

Anyway, Kahapon ko pa napapansin ang kakaiba niyang kilos parang natatakot at di mawari ang pinapahiwatig ng kanyang reaksiyon

"Hannah!" peke niyang ngiti at parang naiiyak.

Ewan ko ba kung tama ba ang nakikita ko. Baka namamalikmata lang ako

"Hala siya! Nag-overtime ka ba?" tanong ko pero yumuko siya at ngumiti ng pilit kaya hinila ko siya patayo

"Late na tayo aber. Magpalit ka na at pumasok na tayo."

"I'm not going anywhere, I want to sleep." garalgal niyang sambit 

"Aysosss napuyat ka noh? Yan ang sinasabi namin sayo! Sana hindi ka na muna pumasok sa trabaho mo! My gosh. Your not listening to us." pagsesermon ko sa kanya kaya napanguso siya

"Tsk kung makaaral ka para kang matanda." natatawa niyang sambit kaya natawa rin ako "Sige hintayin mo ako saglit at papasok rin ako, para dun nalang matulog."

"Aba! aba! anong tingin mo sa school? Bahay?" pagtataray ko sa kanya pero tumayo siya at tumatawang umalis.

Habang naglalakad kami, hindi siya mapakali at palinga linga sa paligid kaya, kahit nagtataka ako. Salita lang ako ng salita.

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now