Chapter 14

727 12 2
                                    

Vienn POV

Mabilis akong lumabas dahil may narinig akong sasakyan na paparating.

Humaharurot ito sa bilis at dumiretso sa garages saka pumarada.

Alam na alam ko kung sino to at si sir Travis.

Sabi ni Azrael hindi makakauwi si Sir Travis. Dahil binabantayan niya si Xierra sa hospital, pero bakit nandito siya..

Agad akong lumapit sa kanya at sinalubong.

He's bad! di manlang ako binalingan ng tingin.

Ang sarap niyang titigan sobrang gwapo niya talaga..

Sumunod ako sa kanya at nagulat ako ng meron si Xierra at mahimbing itong natutulog..

Sinungaling ang Azrael na yun akala ko ba, hindi pa ok si Xierra at nandun pa sa hospital.

"What are still standing at? Tulongan mo ako rito..Kunin mo ang mga gamit niya sa loob Vienn.." saad ni sir Travis kaya natataranta akong napatango..

"What's happened sir! I thought hindi pa siya ok..Sabi ni Azrael pinauwi mo na siya at ikaw nalang muna ang magbantay kay Xierra, subalit bakit nandito kayo? Ok na ba si Xierra? Teka bakit tulog siya? Omo.." sunod sunod kong tanong sa kanya na ikinasalubong ng dalawa niyang kilay..at di ako sinagot..

Ok nice talking..

(~_~;)

Binuhat niya si Xierra kaya kinikilig akong sumunod sa kanila..

Sobrang sweet naman.

Ang swerte talaga ni Xierra sobrang caring ng asawa niya..

Gwapo na gentleman pa..

Kakainggit kailan kaya ako magkaka lovelife..

Ng makarating kami sa tapat ng kanilang kwarto mabilis ko silang pinagbuksan at sunod ulit na pumasok..

Napanganga ako at napatakip sa aking mata ng hinalikan ni sir Travis ng smack sa labi si Xierra pagkalapag niya rito sa malaking bedsize..

Wahhhh SPG....

"Bakit ka nakatakip ng mata diyan. Lumapit ka rito at palitan mo siya ng damit..dun muna ako sa labas tawagin mo lang ako kapag." wika niya kaya tumango ako.

Nacucurious ako kung ano ang feeling ng naki-kiss sa labi.

Actually nasubukan ko ng makiss pero sa pisngi lang..

"Bakit nakatayo ka pa rin diyan, Huwag mo akong titigan, magsimula ka na.." salubong kilay niyang utos at nagsimulang maglakad ngunit huminto rin siya sa aking harapan..

"Sir pwedeng halikan mo rin ako kagaya ng ginawa mo kay Xierra." matamis kong ngiti na ikinasamid niya at napaubo..

"What the!! Ano bang pinagsasabi mong babae ka!"

"Omo halikan mo rin po ako kako!May sakit po ba kayo? Bakit ka naubo? Teka lang po kukunin ko yung kit sir." inosente kong usal pero napahinto ako ng pinigilan niya ako..

"Sakit ka talaga sa ulo Vienn!" Nagtitimping wika niya, di ko alam kung bakit biglang tumaas ang boses niya.

Wala naman akong sinabing masama..

"Huh? Ano pong ulo ang tinutukoy mo Sir? Sa taas o sa baba?"

"Damn you!! Ughh your getting into my nerves.."

Napasabunot siya sa kanyang buhok at naikuyom ang kanyang kamao..

"How come that I'm getting into your nerves! My gosh that's impossible sir.." Kunot noong sagot ko with matching iling pa..

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now