Chapter 4

1.1K 22 3
                                    

Xierra POV

Sobrang ingay ng buong Gym, gusto kong umalis dahil nahihilo at nanghihina ako. Pero heto ako at nakatayo sa tabi ng aking kaibigan.

Napahawak ako sa aking batok ng may lalaking tumabi sa akin.

Kurt and his friends.

"Babe, kanina pa kita hinahanap." bulong niya sa akin at kinuha ang aking bag at binigyan ng tubig.

Todo kantyawan naman ang kanyang kaibigan habang nang-aasar

"Ahm." tipid kong sagot at humarap sa stage pero kumunot ang noo ko ng matalim na nakatitig sakin ang lalaki

Di ko alam pero kusang bumigat ang tibok ng aking puso at biglang nagsitayuan ang aking mga balahibo.

"Babe." kalabit sakin ni kurt. Kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sa lalaki 

"B-bakit?" utal kong tanong kaya napanguso siya 

"Parang crush mo yang apo ni chairman..Nagseselos ako." wika niya kaya natawa ako

"Baliw." wika ko at sumulyap ulit sa lalaki, binigay ni chairman dito ang mic pagkatapos ay umupo na.

"Babe kumain ka na?" bulong ulit ni Kurt

"Hindi pa."

"Dito ka muna. Ibibilhan lang kita." wika niya at pinabantay ako sa kanyang mga barkada

Tinabihan ako ng mga ito saka kinausap pero di ko sila binabalingan ng tingin 

Napatakip ako sa aking tenga ng lalong umingay ang paligid

"Ano kayang pangalan niya."

"Ang gwapo niya talaga."

"Sana kumanta siya."

"May girlfriend na kaya siya."

"Tangina big time."

Yan ang mga iilang naririnig ko. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng hilo.

Tumikhim ang Gwapong lalaki. Pagkatapos ay sumulyap sa aming gawi at matalim na tumitig sakin

Biglang nangatog ang tuhod ko ng di niya pa rin tinatanggal ang kanyang masamang tingin sakin. Pagkatapos ay nagsimulang magsalita, wala naman akong kasalanan sa kanya bakit ganyan nalang siya kung makatingin

"Good morning to all of us.. specially to the girl that I was staring right now." ngiti niyang panimula at biglang ngumisi. 

Mabilis na napawi ang paghanga na aking nararamdaman, ng marinig ko ang boses ng kinakatakutan kong tao, at dahilan para mapako ako sa aking kinatatayuan at mapalitan ng pagkamuhi ang aking nararamdaman.

Biglang nagflashback sa isip ko ang mga katagang binitawan niya kagabi. sobrang tanga ko lang kasi 
nakalimutan kong apo pala siya ng may-ari ng school na to. 

"Wahhh...nakakaakit ang boses niya."

"Nakakainlove ang kanyang boses."

"Yahhh ako yung tinititigan niya."

"Ako kaya?"

"Sakin siya nakatingin e."

"Oww kapal mo naman gurl ako kaya yung tinititigan niya. Stop assuming." pagtataray sa kanila ni Hannah 

Nagsusumba-sumbatan lang sila habang ako ay tulala at hindi namalayan ang pagpatak at pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

Now! I know that stranger face..

Galit akong tumingin sa stage at pinukolan si Dylan ng nakakadiring tingin habang nanginginig sa takot at patakbong umalis sa Gymnasium.

maaaring walang nakapansin sa aking pag-alis. Dahil busy silang lahat kakapuri sa hayop na lalaking yun.

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now