Chapter 10

983 19 5
                                    

Dylan POV

Pagkatapos magpaalam samin ni Xierra para magcr, ngumiti ako kay Tita.

Yeah tita ko siya, kami ang may-ari ng hospital na to. Pinatayo talaga nila Daddy ito, dahil ang pangarap nila para sakin ay isang doctor at gusto nilang ako ang mag manage dito ngunit dahil hindi ako mahilig sa medicine. Pina manage ko ito kay kuya Joshua. Ang pinsan kong comlaude na nakapagtapos ng medisina sa Canada.

"You're back honey. Naku! Napakagwapo mong bata ka! Binatang binata ka na..kamusta ang pag-aaral mo sa CA?" tanong niya kaya hindi ako umimik, how can it be good if the one that I love wasn't remember me..Kung ang babaeng ineexpect kong matutuwa at masisiyahan kapag bumalik ako ay hindi ako maalala..

Marami ng nangyari. Ang pinagkatiwalaan ko namang kaibigan ay trinaydor ako. 

How can I be happy if the one that I love is in danger! Simula ng nagtransfer ako sa Harvey Mudd College upang kumuha ng business administration sunod sunod na ang mga di inaasahang pangyayari.

Nabalik ako sa ulirat ng tumikhim si tita.

"Are you alright honey?" tanong ni tita kaya napatango ako

"I didn't expect that I will meet Xierra again! Dalagang dalaga na siya! I feel pity of her, Hindi niya ba naaalala ang nakaraan niya..How did you find her anyway? Did she already know about her past? Did she remember you! At ikaw iho kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas bakit wala man lang kaming kaalam-alam, kamusta na sila ate at kuya sa New York? Sinabi mo na ba sa totoong magulang ni Xierra ang lahat ng to? Alam na ba nilang buhay pa ang kanilang Unica Ija." tuloy tuloy na tanong ni Tita kaya di ko alam kung ano ang una kong sasagutin. Di pa ako nakakasagot ng magtanong na naman siya

"Naimbistigihan mo na ba kung sino ang may pakana ng pagkaaksidente ni Xierra? Yung kinikilala niyang mga magulang ngayon trinatrato ba siya ng maayos? Mabait ba ang mga ito o sinasaktan siya." tanong niya kaya tumango ako

"They are treating her badly! and I want to punish them because of that and about the incident..Yeah! I invistigate everything tita. At alam ko ang nasa likod ng lahat ng pangyayari." tipid kong sagot na ikinatango niya naman..

"That's great!" usal niya. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa. 

Pagdating kasi sa mga seryosong bagay. Seryoso rin siya. 

In explain lahat sakin ni Tita ang detalye ng pagbubuntis, Parang ako tuloy yung nagdadalang tao..Nasaan na ba ang mahal ko..ang tagal naman.

"Ok honey ito yung kakailanganin ni Xierra.., once a day lang ang pag-inom niya sa gamot na yan...At yung sinabi ko sayo, Alagaan mo siya ng mabuti para paglabas ng baby ay siguradong malusog ito..ta's ingatan mo siya. Yieeh can't wait to see your cutie cute baby.." excited na sambit ni Tita saka ako niyakap kaya natatawa ko siyang pinalayo sakin. Nagiging childish na naman.

"Tita naman. Alam niyo namang si Xierra lang ang pwedeng humawak sakin at wala ng iba." tumatawang sambit ko kaya nagmamaktol niya akong nginusuan.

"Hayysss kala mo naman dimo ako niyayakap palagi nung bata ka.. oh siya sige na nga. Nasaan na pala si Xierra. Kanina pa siya nagpaalam." tanong niya kaya nagsalubong ang dalawa kong kilay at nagpaalam sa kanya.

Dali Dali akong pumunta sa Girls CR pero wala siya.

Napakuyom ang aking kamao dahil sa labis na pag-aalala..shit! Tinakasan ba ako ng babaeng yun.

Tiniis ko ang bulongan sa aking paligid at pinagpatuloy ang paghahanap sa kanya pero labis ang aking pagkadismaya ng hindi ko siya mahanap.

Galit akong huminto sa paglalakad dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang mga bulongan dahil sa ingay ng mga nurse at doctor na nakatingin sakin habang kinikilig at kinukuhanan ako ng litrato..

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now