Chapter 13

913 17 0
                                    

ⒿⓄⓈⒽⓊⒶ ⓅⓄⓋ

"She's in a temporary coma. Mentioning your past! Was a big helpful with her. Malaki ang naitutulong nito para bumalik ang ala-ala niya. Pero asahan mong sa tuwing may nababanggit kang familiar sa kanya ngunit hindi niya matandaan..that is the time na makakaramdam siya ng kirot at sakit sa kanyang ulo at para itong mabibitak..Manghihina siya at mawawalan ng malay..That is the side effect of mentioning your past! So it depends to you if your going tell her again your past, ngunit tandaan mo! Siya ang masasaktan at mahihirapan. May kwinento ka ba sa kanya o di kaya may nakita siyang mga pictures niyo. Or maybe the scene ng pagkadisgrasya niya? Maaaring may dahilan kung bakit nabuhay ang sleeping brain cells niya..at yun ang naging impact ng mga naglalarong imahe sa isip niya na hindi niya maalala." Pagpapaliwanag ko kay Trav na agad na ikinabagsak ng balikat niya..

"Whatttt???? Coma?? Ano ba namang pinagsasabi mo kuya! That's not true!.."

"Listen to me! I'm the doctor here! So calm down! That is just a temporary. Maybe 2days pa bago siya magising. So this is the time that she started to recalling memories that have been forgotten. Her memory was started to return, Kaya kapag gumising man siya maaaring madalas ang pagsakit ng ulo niya at maraming katanunangan sa kanyang isip na gusto niyang malinawan at masagot..maraming naglalaro sa isip niya na hindi niya matandaan. But if you love her more than your self mas uunahin mo ang kanyang mararamdaman at kapakanan.. alright! think first before you can do anything or something. The more na bumabalik ang kanyang ala-ala at unti unti ka niyang naaalala, makakaramdam siya ng panghihina at hindi niya kayang kontrolin ang pananakit ng kanyang ulo..It depends on you if you want to see her hurting like that! Then go on.. tell her a story about your past! para mas mapabilis ang panunumbalik ang ala-ala niya ngunit kung ayaw mo siyang nakikitang nahihirapan may second option naman..hayaan mong kusang bumalik ang kanyang ala-ala..huwag mong madaliin dahil dadating at darating din sa puntong maaalala niya ang nakaraan..basta ang kailangan mo lang gawin ay iparamdam sa kanya ang totoong pagmamahal hanggang sa mahulog siya sayo. Always take care at her hanggang sa masanay siya at hahanap hanapin niya ang presensiya mo. Minsan gawin mo rin ang mga madalas na kinatutuwa niya nung Highshool kayo. Para makadagdag points at mapahanga siya sayo." seryoso kong usal na ikinahawak niya sa kanyang batok at nasasaktang nag angat ng tingin sakin..

"Damn it!! I don't know what to do! It's hard to decide.. it's hard kuya! Bakit samin pa nangyari to.. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. This is my fault!! sana hindi nalang ako umalis sa tabi niya..e di sana masaya kami hanggang ngayon! Sana hindi nangyayari ang bagay na to...sa--"

"Psh! Huwag mong sisihin ang sarili mo! Do you think yun ang mangyayari kung sakali mang hindi mo siya iniwan at hindi sinunod ang kagustuhan nila Tito at Tita! Maaaring gagawin talaga nila ang binabanta nila sayo at lalong magiging miserable ang relasyon ninyo ni Xierra. Dahil ayaw nila si Xierra para sayo. Mataas ang pangarap nila para sayo at gusto nilang high standard din ang babaeng mapapangasawa mo. Alam mo naman ang parents mo!.. Sa tingin mo hahayaan nilang maging masaya kayo."

"Bakit ba sobrang makasarili nila! Kung high standard lang din naman ang sinasabi nila, mayaman din naman ang mga Sandoval. Matalino rin si Xierra kagaya ko, saka di naman namin pinapabayaan ang pag-aaral namin noon. Kung tutuusin study first nga kami. Madalang lang rin ang nilalaan naming atensyon para sa lintek na relasyon na yan."

"Marami ng nagbago couz mula ng pumunta kayo sa America. Alam mo namang tutol sila sa inyong relasyon at alam na alam mo yan!. Kaya accept the fact..what important is now! Mag-umpisa ulit kayo, total kaya niyo naman ng magdecide para sa future niyo. Your not a kid anymore! Huwag mong hayaang masira ulit ang pagmamahalan niyo at merong humadlang. I'm telling this because I'm concerned to you kasi ikaw ang pinsan kong sobrang malapit sakin at tinuturing kong parang sariling kapatid."

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now