Chapter 9

841 13 0
                                    

Habang naglalakad ako, napapatingin sakin ang mga tao. Nagtataka siguro kung bakit ganito ang suot ko..

Nakasuot lang naman ako ng white dress ta's white fila shoes. Nakaayos ang aking buhok at andaming mamahaling bagay sa aking katawan.

Para akong dadalo sa isang ocassion. Baka mamaya pagkamalan akong mayaman dito at holdapin..

Naiilang ako habang humihikbi pa rin..

umupo ako sa ilalim ng puno at dun ibinuhos lahat ng sama ng aking loob.

"Xierra?" napatingin ako sa lalaking tumawag sa aking pangalan kaya mabilis akong nagpunas

"Paul." gulat kong usal at napatayo

Nagtataka ako dahil ang alam kong girlfriend niya ay si Jessica, pero bakit may kasama siyang ibang babae.
Pinipigilan kong mapahikbi para hindi siya makahalata at bumaling sa babaeng ansama ng tingin sakin, kaya napatingin ulit ako kay Paul.

Bumulong ito sa babae na ikinatango naman ng babae at umalis.

Pagkatapos ay mangha siyang sumulyap sa akin. Mababasa mo sa kanyang mata ang paghanga at pagkagulat. Di naman na bago sakin ang tinginan niyang yan. Dahil alam kong simula freshman year palang kami ay may gusto na siya sakin. Ngunit hindi ko siya pinapansin dahil bf ko ang kaibigan niya.

"Oh well wow!! You look more and more beautiful Xierra. Oo nga pala bakit isang linggo ka ng hindi pumapasok? Saan ka ba pumunta? Nawala ka lang ng isang linggo. Mukhang bigtime na ang datingan mo." namamanghang sambit niya saka ako sinusuri

Nagulat ako ng nanlaki ang mata niya at napalunok ng mapatingin sa aking wrist watch at mabilis niya akong hinawakan sa kamay kaya napaattras ako at winaksi ito.

"I'm sorry I didn't mean it." namumula niyang sambit kaya nginitian ko siya

"That ahh!" tumikhim siya at nahihiyang tinuro ang aking relo.."Uhm that Quartz watch, looks so great and I think that is very expensive." nahihiya niyang sambit kaya kunot noo ko itong tinitigan

Well di ko naman alam kung magkano to..basta inabot to sakin ni vienn kanina. Actually maraming klaseng relo ang pinakita sakin, ngunit ito ang nagustuhan ko dahil nakakahallucinate..tas ang ganda ng iba't ibang kulay ng rare na diamond. Fancy vivid yellow, fancy intense pink, blue, light pink, light grey blue, green, and orange, then may ibat ibang cuts na heart shape, pear shape, Marquise emerald, radiant at round. Basta ang hirap idescribed pero sobrang gandang tignan at nakakamangha.

"Xierra." Bigla akong nabalik sa realidad at napatingin kay Paul.

"Hm nasaan si Kurt?" tanong ko ngunit nagsimula akong magtaka ng nauutal siya at mukhang hindi siya nagsasabi ng totoo

"Ahm sabi niya n-nasa bahay n-nila. Ay hindi pala, b-busy pala siya sa business nila, hahaha oo tama yun nga." iwas tingin niyang sambit 

"Ah!! Nasaan si Jessica? ba't iba ang kasama mong babae?" pang-iiba ko sa usapan..

"Wala na kami. Pwede bang ibahin natin ang topic." wika niya kaya humingi ako ng sorry 

Habang nagkwekwentuhan kami napatayo ako dahil parang nakita ko si Kurt at Ace. Di ko alam kung namamalikmata lang ako..

Di pa ako nakakahakbang ng dalawang hakbang ng mabilis akong hinarangan ni Paul kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Paul parang nakita ko ang mga kaibigan mo...wait nga lang! bakit ka ba humaharang sa aking harapan. Di ko makita." kamot ko sa aking buhok at pilit na sumisilip..putcha di ko makita..

"Ah hehe gusto mo ng ice cream Xierra?" pag-iiba niya sa usapan 

Takte anong tingin niya sakin! Bata!!

Heartless Trillionaire ObsessionWhere stories live. Discover now