Chapter 22

68 0 0
                                    

Alichxia's POV

Hindi narin kami nagtagal masyado sa hardin dahil sabi ni Simba ay may iba pa kaming pupuntahan.

Medyo mas malayo ang byahe namin this time. Nakatulog pa nga ako. Pag gising ko 'love me when I'm gone, let me be the reason, let me be the one' ang bumungad sa'kin. Hindi na nakakapagtaka, miyembro ng budol budol este Now United 'tong the great lion.

'Hindi ba tayo magkumukhang katawa-tawa neto? Medyo madumi ang mga damit natin.' Tanong ko nang makababa na kami sa kotse.

'Oooh.' Was what came out of my mouth nang makita ko kung naasan kami.

The place screams fresh air.

'Saan tayo?' I asked.

I mean, puro puno lang ang nakikita ko dito, bakit ba?

'Sa kagubatan.'

I rolled my eyes on him.

'Baduy mo kausap!' Inis na sambit ko.

Nauna akong maglakad papasok sa gubat kaso hindi ko nga pala alam kung saan kami patungo kaya nag u-turn ako at pina-una si Leon.

He smirked, I swear! Kainis!

Sumunod lang ako sa kanya. May daan naman pala kasi dito. The place is perfect for a hike.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Dala ni Leon ang bag niyang hindi ko alam kung ano ang laman. Kung ako yan, aba hindi na'ko magdadala ng gamit noh! Ang laki lang kasi ng bag niya. Pabigat lang yan. Tinatalo pa si Dora.

Mga ilang akyat ang ginawa namin at tumigil muna ako para sumandal sa puno dahil hinihingal na ang lungs ko.

Leon turned around when he probably felt that I'm not following him. He offered me a bottled water at tinaasan ko lang siya ng kilay.

'Hindi ko pa 'yan nabubuksan.' He explained.

Tatanggapin ko na sana kaso binawi naman niya ito saka binuksan at ibinigay sa'kin.

Gentleman, huh.

I drank half of it and lent it back to him. Nanlaki ang mga mata ko nang inumin niya ito. Was that what they call indirect kiss?

Pft. Umiling iling ako saka nilagpasan si Leon na umiinom pa rin ng tubig.

'Sagana sa oxygen ang lugar na'to ah—tanga bakit ka nabubulunan jan? Tubig na nga yan.' Panenermon ko sakanya.

Muntanga kasi. Iinom nalang ng tubig, TUBIG na yan ha? Mabubulunan pa ang tanga.

Tinapon ko ang panyo ko sa mukha niya at nasalo naman niya kaagad ito, hindi man lang natamaan ang gagu.

Nauna na akong maglakad at napatigil nang kausapin ako ni Leon.

'What's this for?' He asked.

'What's this for?' I mimicked.

'Para saan pa? Subukan mong kainin kung masarap ba.' I added and started walking again.

I heard him chuckle and say 'thanks' from behind which made me smile.

May mga nauna na palang mga tao dito. There were some couples na nakakasalamuha namin.

Though most of them are going down already.

Naramdaman kong wala na si Leon sa likod ko kaya tumalikod ako para harapin siya kaso nabunggo lang ako ng kung sinong alien na nagmamadaling bumaba dahilan para madapa ako.

'Darn.' I murmured.

'Sorry!' Pahabol na sambit nung lalaki, hindi man lang tumigil para tulungan akong tumayo.

I'm The Playboy's Wife!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon