Chapter 10: Kate and Khloe's Root of Friendship

103 0 0
                                    

Kate's POV

Bumalik si Leon dala dala ang maraming unan, bedsheet at tatlong kumot.

'Bakit andami ng unan?' Tanong ni Gwyn.

'You might want to hug something.' He answered. Tama naman. Ako din kasi, mas payapa ang tulog ko pag may kayakap akong unan.

Nagtulungan kami sa pag ayos ng bedsheet at umupo na dito.

'Scrabble tayo!' Masiglang aya ni Gwyn.

'Hindi pa ubos ang energy mo?'

'Hindi pa mamsh! Ano dad?'

'Mahiya ka nga Gwyn.'

Parang na-realize naman nito ang mga pinagsasabi ng bibig niya.

'Sorry.' Seryosong sambit nito kay Leon.

'Its fine.' Sagot naman ni Leon. Mabait ba talaga 'to o nagbabait-baitan lang?

'Talaga?' Parang bata namang tanong ni Gwyn.

I sighed heavily when Leon nodded. Tumayo ito at pumunta sa aparador para kunin yung scrabble.

'Yieeeeee! I can just call you momma and dada for the whole night!!!' Excited niyang sabi.

'Ang ingay mo. Sakit mo sa tenga, kanina ka pa.' Inis na sambit ko sabay tayo at pumunta sa fridge para kumuha ng chichiria at bottled water. Bumalik ako sa pwesto ko at nilapag sa gilid ang mga dala ko.

Umupo si Leon dala-dala ang scrabble.

'Anong ginawa mo sa kanya?' Tanong nito sa'kin.

Kunot noo kong tinignan si Gwyn.

'What the heck Gwyn?' Sabay lapit ko sakanya.

She covered her face with the palm of her hands and sniffed, trying to stop herself from crying. Oh god. Soft hearted bitch mode on.

'Hey, anyare sayo gaga?'

'Inaway moko!' Parang batang reklamo nito.

'Tae. Seryoso ka Gwyn?'

'Hmph! Wag kang lalapit sa'ken! Ayoko sa'yo! Inaaway mo'ko!'

Lumayo naman kaagad ako sakanya. Syempre, following instructions kaya ako.

'What the.' I sighed.

'Daddy Dale away ako ni mommy Xia.'

Shit.

She just talked like a kid.

'Shut up Gwyn.'

'See, daddy?' She cried even more. Just what the heck is wrong with this bitch!?

'She pretty told me that I'm pretty noisy and I'm pretty aching to her ears and told me to pretty shut up.' Parang batang nagsusumbong sa tatay niya.

Babatukan ko na sana sakaling bumalik sa katinuan pero agad na pinigilan ni Leon amg kamay ko.

'Umiiyak na nga babatukan mo pa.'

Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya and rolled my eyes on him. Hinayaan ko siyang patahanin si Gwyn sa paraang gusto niya.

Instant tatay yung lolo niyo. Pft. Binuksan ko ang chichiriang dala ko kanina at nagsimulang kumain. Si Leon? Ayun, bini-baby si Gwyn. Gusto ko ngang matawa eh. Pag nalaman ko talagang acting lang 'to ni Gwyn jusko, bow na ako sa acting skills niya. Though I'm a little worried kaya hinayaan kong patahanin siya ni Leon, sobrang soft hearted niya kasi talaga. Sa'kin lang 'yan natutong maging bruha.

I'm The Playboy's Wife!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon