Chapter 9: Sleepover

111 0 0
                                    

Kate's POV

Naglaro lang kami hanggang sa di namin namalayang lumubog na pala ang araw. It's already 6:55 when we stopped playing.

Naligo muna ako at inalalayan naman ako ni Khloe. Si Leon pumunta din sa kwarto niya para maligo din siguro. Si Gwyn pinaligo ko narin at pinahiram ng damit. I took meds for the day kaya medyo naging mabuti na ang pakiramdam ko.

Pagbaba namin sa dining area ay nakapaghanda na ng pagkain si Leon.

'Wow, husband duties.'

Siniko ko kaagad si Khloe.

Magkatabi kami ni Gwyn sa mesa at tahimik lang kaming kumakain.

I'm trying to think of how I'll break the silence.

'Nga pala Dale, nasa ElFarad ka ba kahapon?'

Kumunot naman ang noo ko.

'Uh, yup. I had some business there.'

Tumango tango lang si Gwy at tinignan ako ng makahulugan.

'I didn't know you guys planned to meet there. I could've taken Alice with me.'

'Alice?' Naunahan akong magtanong ng bruha. Okay narin, saliva saved.

'Your friend.' He chuckled and looked at me.

'You call her Alice?' Tanong ulit ng chismosa.

'Bakit? Ano ba dapat? Her name is kinda complicated to read.' He chuckled again. Nag f-flex ng dimples, tch.

'Ahh, yung Alichxia.'

Tumango lang si Leon.

'It's not that complicated. You can just pronounce it as (Alisha). Close people call me Xia. Others call me Kate. But Alice is fine with me.'

'So ayos lang na Alice ang itawag ko sa'yo?'

I nodded before saying, 'Yup.'

'Ako lang ba tumatawag sa'yo nun?'

'Hindi ka sure.' I smirked.

Well, wala akong kilalang tumatawag sa'kin nun pero parang feeling ko dati meron. It doesn't sound new to me kasi.

Kumain na kami at bumalik sa game room. Sa sobrang pagkamangha ko kanina hindi ko nai-kwento ang kabuuan ng game room. Kung titignan mo sa labas ay parang katulad lang din ito ng mga iba pang kwarto sa bahay ngunit kung ikukumpara mo sa ibang kwarto ay mas malaki talaga ito. Kasya mga 25-30 people dito. Pagpasok mo ay bubungad sa'yo ang anim na computer. Yung lights na gamit dito ay yung mga may kulay. Pwedeng isang kulay lang pero pwede din yung ito na mismo ang magpapalit-palit ng kulay.

Mga typical na nakikita niyo sa isang game room. May mga bonggang upuan. Tatlong computer sa kanan at yung tatlo sa kaliwa, pero hindi siya masikip pramis. Kung aakalain mo'y iyon lang ang laman ng game room ay nagkakamali ka. Tangina na surprise din ang lola niyo kanina eh. Pag nakatayo ka kasi sa may pintuan ay iyon lang talaga ang makikita mo. May malaking kurtina tulad nung sa mga malalaking bintana pero pag tinungo mo ito ay mare-realize mong glass door pala ang tinatakpan nito at hindi bintana.

Siguro kung nag taguan kami ni Leon at dito siya nagtago ay hinding hindi ko siya makikita. Seryoso talaga walang halong mariwana.

Pagpasok mo sa glass door ay may maluwag na bakanteng space na may fleece sa sahig kaya pwede kanang umupo o humiga, sahig palang yan. Bilog yung fleece at pinapalibutan ito ng bilog na couch. Sa kaliwa ay may isa pang pinto para sa cr. Sa kanan ay may dalawang maliliit na fridge at may mga maliliit na aparador namang nakakabit sa dingding sa may ibabaw na parte nito.

I'm The Playboy's Wife!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon