3rd

31 1 1
                                    

"PagmAMAhal, PagPAPAhalaga, Mararanasan Ko Pa Kaya?"
Isinulat ni scady


Ang sarap sa pakiramdam, hindi ba?
Na may amang kahit anong mangyari'y handang sumuporta.
Na handa kang damayan kapag ika'y nag-iisa.
Na patatahanin ka 'pag nakita kang lumuluha.


Napakasayang manahan sa kanlungan ni ama,
Walang ibang mararamdaman kun'di kaligtasan at kalinga.
Kagalakan ang dahilan kung tumulo man ang luha,
Labis na kasiyahan, ngiti sa labi ang makikita.


Amang handang isugal ang buhay,
Upang kailangan ng pamilya'y maibigay.
Maging puso niya'y kaniyang iaalay,
Upang sa kaniyang anak ay magsilbing gabay.


Kaysarap siguro sa pakiramdam kung kasama mo ang iyong ama,
Amang buhat-buhat ka mula sa pagkabata.
Huwag niyo sa'kin itanong, hindi ko nasilayan ang aking ama,
Sapagkat nang ako'y isilang ay wala na siya.


Ikaw? Ama mo ba'y kapiling mo pa?
Kung gayo'y sa kaniya'y ipakita ang pagpapahalaga.
Mahalin mo siya ng todo, sumunod sa mabuting hangarin niya.
Sapagkat alam nating dalawa na araw ay lilipas at siya rin ay mawawala.

Father's Day PoemsWhere stories live. Discover now