"SALAMAT, AKING IDOLO”
Isinulat ni Clyde Moon
(Eclipseee🔥)Pasasalamat sa ama kong nag magmahal sa akin ng tapat,
Ikaw nga po ay dakila at karapat dapat,
Mula ng ako'y iyong isinilang ikaw ang nagkalinga at mga mata mo ang naging tanglaw,
Sa magulong mundo upang hindi ako maligaw,
Ipadama mo sa akin ang tunay na pag-aalaga ng isang ama,
Ang tunay na pagpapahalaga,
Ang tunay na pagmamahal na hindi matutumbasan ng iba,
Dahil ama, ikaw ang tagapagtanggol ko,
Ikaw ang nagsisilbing kanlungan ko,
kayo ni inay ang tumatanggap sa akin sa tuwing tinatalikuran nako ng magulong mundo,
Kayo ang tanging inspirasyon ko,
Pero alam kong kulang pa ito kumpara sa lahat ng sakripisyong inilaan mo,
Kaya't ama humihingi ako ng tawad sa 'yo,
Patawad!
Patawad dahil sa kabila ng kabutihan mo,
Eh puro sakit ng ulo ang iginaganti ko sa'yo,
Patawad kung hindi na ako yung dating anak na may paggalang sa'yo,
Dahil sa paglipas ng panahon,
Ang pagiging ugali ko bilang anak mo ay nagiging patapon,
Patawad mahal kong ama!
Kung dati ay nagagawa kong sabihin sa harap mo na mahal kita,
Ang bawat oras, minuto, segundo ng buhay ko alam kong
andyan ka,
At handang gabayan ako pero anong ginagawa
ko? Lagi ko nalang dinudurog ang puso mo sa tuwing
sinusuway ko ang utos mo!
Patawarin mo ako ama dahil sa kabila ng paghihirap mo,
Paghihirap mo upang matustusan ang pangangailangan ko,
At sa pawis na tumatagak sayo kapag uuwi ka galing trabaho,
Patawad, sapagkat sa kabila ng kabutihan mo,
Eh hindi ko manlang masabi sa'yo ang salitang 'Thankyou at Iloveyou' sa harap mo!
Nang sa gayon ay kahit papano ay maibsan ko ang lahat ng pagod mo,
Pero dakila kong ama! Mahal kita!,
Opo mahal kita! Alam kong kulang man ako sa salita pati narin sa gawa,
Kaya kung minsan naiisip ko kung karapat dapat ba ako na maging anak mo?
Dahil mas pinapakinggan kopa ang salita ng iba,
Kesa sa sarili kong ama,
Pero alam mo po ba? papa, papc, daddy, itay o kahit ano pa itawag ko sayo,
Ikaw lang ang tanging ama na minahal ako ng todo,
Ang nag-iisang amang nagpasaya sa buhay ko,
Ang nag-iisang amang tatanggap sa lahat ng pagkakamali ko,
Ang nag-iisang amang nagpatunay na hindi ako nag-iisa sa mundo,
Kahit hindi ko alam kung karapat dapat ako na maging anak mo,
Kung dapat bang alagaan ang tulad kong puro pasakit lang ang idinulot sa'yo,
Pero sa kabila ng lahat ng pagkakamali ko,
Nandyan ka parin at patuloy na inaalagaan ang tulad ko,
Kaya dakilang ama ko lubos akong nagpapasalamat sa'yo,
Salamat! dahil sa bawat pagtangis ko,
Nandyan ka upang hagurin ang likod ko!
Nandyan ka upang patahanin ako!
Nandyan ka mula noon hanggang ngayon at minamahal
ako!
Salamat sa lahat lahat ng pagmamahal mo,
Ang masasabi ko lamang sayo at sa mga katulad mo ay DAKILA PO KAYO!
Kaya’t dakilang ama ko,
Sa pagpapatuloy ng buhay ko, dala dala ko ang lahat ng payo mo,
At pinapangako ko sayo, na wala nang hihigit sa pagiging ama mo,
Sapagkat ang kabuting ipanikita mo ay hindi matutumbasan ng kahit sino,
Kaya’t sa pamamagitan ng tulang ito ay pagbibigay pugay sa dakilang ama na katulad mo,
Kaya’t aking ama, lagi mong tatandaan na mahal ko kayo,
Kahit na pumuti man ang buhok ko,
ikaw parin ang nag-iisa kong IDOLO.
