7th

12 0 0
                                    

Haligi ng Tahanan
Isinulat ni ModernongSigma

Tunay kang haligi ng tahanan,
Haligi na sandigan ng kahirapan,
Haligi na karamay sa kalungkutan,
Haligi na kasalo sa kasaganaan.

Tunay kang haligi ng tahanan,
'Pagkat ang iyong lakas ay siyang kasangkapan,
Sa hirap na ngayon ay ating nararanasan,
Ikaw ang lakas na siyang aming sandigan.

Ang iyong palad na kay gaspang,
Ay simbolo ng iyong walang humpay na pag-ibig,
Mahirap man, pamilya ay pilit na igagapang,
Sa ano mang pagsubok, tiyak ika'y hindi padadaig.

Ngayon, ay araw ng mga taong magigiting,
Na dapat ipagbunyi ang inyong natatanging katapangan,
Pamilya ay lubos ang saya tuwing ika'y kapiling,
Dahil tunay kang haligi ng tahanan.

Father's Day PoemsWhere stories live. Discover now