5th

17 0 0
                                    

BULALAKAW🌠
Isinulat ni Gigi_imnida

Para kang bituin na aking tinitingala
Ikaw yung bulalakaw na inaabangan ko lagi ang pagdating
Dahil alam ko, isang salita ko lamang
Lahat ng aking kahilingan
Ay iyong tutuparin

Tinitingala, inaabangan ang pagdating
Mula sa malayo, doon ako tumitingin
Kasi sa totoo lang, hindi ka naman amin
Para madaling lapitan at angkinin
Oo, para kang bituin

Madalas kitang tinitingala habang nakangiti
Masayang inaabangan ang iyong pagdating
Pag nakita ka na, mata ko'y nagniningning
Hindi ka genie pero tinutupad mo ang aking hiling
Kaso sa una ka lang pala magaling

Noong lumalaki nako, nakakaintindi na nang pangyayari
Marapat nga na ihalintulad ka sa bulalakaw
Sandali lang kikinang, tapos biglang mawawala
Bumubulusok ka pababa, parang aking respeto at paghanga
Simula noon, hindi na'ko muli tumingala sa langit

Hindi ka na muling dumating at nagpakita
Tuluyan ka nang nawala, di na matanaw pa
Nagsilbi kang bituin ng buhay ko noon
Nagbigay liwanag sakin, hinahangaan ko
Pero naging bulalakaw ka, unti-unting bumaba
Hanggang sa tuluyang mawala

Sa twing sasapit ang araw para sa mga ama
Hindi ko maiwasan na tumingala sa kalangitan
Iniisip, buhay ka pa ba? Nakakaalala?
Parang bulalakaw, bigla ka kayang magpapakita?
Sa pag-iwan mo samin, nakokonsensya ka ba?
O hindi na dapat akong umasa pa?

Napakalaki nang galit ko sayo
Sinira mo ang tingin ko sa mga bituin at bulalakaw
Huwag kang umasa na babati ako
Ang okasyon ay para sa mga ama lamang
Hindi ka kasali doon
Hindi ka naman naging ama sa amin diba?

Father's Day PoemsWhere stories live. Discover now