2nd

33 1 1
                                    


[A]lagad [N]iya [A]ng [K]aliwete
Isinulat ni Kaye

Nakatitig sa malayo habang nakalugmok sa putikan,
Humahagulhol kasabay ng malakas na buhos ng ulan,
Paano ako babangon kung wala nang sa aki'y aalalay?
Aking ama, kailangan kita, bakit mo 'ko iniwan?

Kamusta ka na? Ako ba'y naririnig mo?
Malapit na ang espesyal na araw para sa'yo,
Sayang nga lang at 'di kita makakasamang ipagdiwang ito,
Paano ko ba matatakasan ang pangungulila ko sa'yo?

Ngunit S'ya ay dumating sa kalagitnaan ng aking pagdurusa,
'Di na ako nabahala 'pagkat Sya ang Abang Ama,
Minsan ma'y nangulila sa'yo ngunit napakagandang biyaya naman ang kapalit nito,
Handog Nya ang kaligayahan at kapayapaang sagad sa buto.

Isang pluma ang nilagay N'ya sa'king kaliwang kamay,
Tiningnan N'ya ako ng diretso sa mata at binasbasan:
“Hawak ko ngayon ang iyong kanang kamay at hawak ng kaliwa mo ang pluma,
Ika'y alagad ng D'yos at sining— Aking anak, ikaw ang aking dakilang makata."

Father's Day PoemsWhere stories live. Discover now