Prologue

107 20 5
                                    

***

This is story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior of the author. Plagiarism is a crime.

***

Author's note:
First story ko po ito kaya siguradong may mababasa po kayo na mga mali. Please enjoy reading!!!


Prologue

Chlea's POV

"When you have free time, you should visit our company. Look if there's any problem, okay?"

Di ko alam kung bakit pinapupunta pa niya ako sa company alam ko naman na may inutusan na siya para don.

"Okay dad" sabi ko na lang.

"Okay what time ang flight mo tomorrow? At ipapasundo ba kita sa driver natin? "


"In the afternoon. Wag na, sinabihan ko na si Owen na sunduin ako." I mean sasabihan.

"Okay. I'll hang up now. Goodnight."

"Bye dad. Goodnight."

Nandito ko ngayon sa LA. Nagbakasyon kami nila Dad dito pero kailangan ko ng umuwi bukas dahil dalawang araw mula ngayon pasukan na. I'm Chlea Aspen Bernardino, seventeen years old.

Nagpunta na ako sa kama ko para makatulog. Dahil napagod ako kanina sa pageempake. Napatitig pa muna ako sa kisame. At maya-maya naramdaman ko ng bumibigat ang talukap ng mata ko. Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.


"Bye Aspen!" masiglang paalam niya habang kumakaway pa. Lumingon ako sa kanya kaso di ko na ganong makita ang mukha niya dahil malayo na ang pagitan namin. Malungkot akong ngumiti at kumaway rin pabalik.

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa babaeng naghihintay sa akin. Napatitig pa ako sa mga mata niyang kulay abo.

"Let's go." pag-aaya niya. At saka kami pumunta sa sasakyan. At tumingin lang ako sa labas.


"Are you sad?" Napatingin ako sa kanya dahil don. Sasagutin ko na sana siya kaso nagsalita siya ulit. " Don't be sad. You can still visit him if you want. Just tell me, I'll come with you" ngumiti na lang ako sa kanya para di na siya mag-alala pa.

"Do you love him?" Gulat na gulat akong tumingin sa kanya dahil sa tanong niya.

"What? No!" agad agad na sagot ko.

"Well age doesn't matter when you're in love. Okay I'll change my question. Do you like him?"

"No! I'm still young for that."

"Hahaha. You know you're so cute when you're annoyed or angry. I think that's the reason why he likes to tease you."


"Mom!" Inis na saway ko.

"Okay. Hahaha I'll stop. I love you anak."

"I love you--"


Nagising ako dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Umupo ako at uminom ng tubig na nasa gilid ng kama ko. Pinunasan ko pa yung mukha ko dahil naramdaman kong basa iyon.

"It's just a nightmare. Just a nightmare."
Pagpapakalma ko sa sarili ko dahil ayaw pa ring tumigil ang malakas na kabog ng dibdib ko. Napaniginipan ko na naman.

---
Thank you for reading!

Destined Series #1: My Childhood FriendWhere stories live. Discover now