Chapter 11 ~The song suits you~

11 4 0
                                    

Chlea's POV

Pagkatapos umalis ni Sofie dumating naman ang mga kaibigan ko. Ako pumunta ng buffet para kumuha ng dessert. Nagtingin- tingin ako don ng masarap na dessert. Sa dami non di ko alam kung ano kukunin ko kaya kumuha na lang ako ng lahat.

"Di kaya tumaba ka niyan?" Nilingon ko ang nangambala sa akin sa pagkuha ng pagkain.

"As if I care." Sabi ko kay Kuya at saka tinuon ang pansin sa pagkain.

"You're still the same.*laughs*" hinarap ko na siya.

"Bakit ka andito? Bumalik ka na nga sa trono mo." Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap. Nilayo ko siya pero ayaw niya bumitiw dahil baka may makakita pa nakakahiya. "Lumayo ka nga. Ang bigat mo." Nakadagan kasi siya sakin kaya buhat ko na halos bigat niya.

"Princess, di mo ba ako namiss huh?" Sabi niya saka inakbayan na lang ako.

"Hindi. Kaya bumalik ka na sa pinangalingan mo." Syempre joke lang yun. Miss ko na kaya sila. My brother is studying in New York dapat doon rin ako sadyang mahal ko lang talaga ang pilipinas kaya ayokong umalis. Si Dad di ko alam kung kailan uuwi may inaasikaso pa siya doon eh.

"Grabe ka naman princess. Huwag ka nga magsungit kahit ngayon lang dahil ang ganda ganda mo ngayon."

"Anong konek?"

"Ang ganda ng suot mo ng shoes mo at ang ganda mo. Okay na sana eh kaso masungit ka."

"Kelan ka pa natutong kumilatis ng babae?" Ngumisi lang siya. Tama wag ka ng sumagot. Pumunta na ako sa upuan ko at bumalik na si Kuya sa trono niya. Nakita ko namang nakabalik na sa upuan si Sofie at kasalukuyang masama ang tingin sa akin. Di ko na lang siya pinansin.

Sumayaw ulit ang LU Dancers. Pagkatapos nilang sumayaw pumunta na ako sa likod huling kanta na namin duet kami ni Brix. This time kami na lang dalawa ang tutugtog sila Dan, Iyah, Wil at Eric ay hindi na. Inayos ko ang gitara ko itong normal na gitara lang ang gagamitin ko. Hindi naman kasi kailangan na malakas. Yung piano naman nakadisplay nasa stage dahil hindi naman yun tinangal mula kanina sa baba ng stage na nagferform ang LU Dancers.

Alam kong nakatingin sakin si Brix kaya di ko maigala ang mata ko. Nahihiya pa ako sa kanya dahil inaya nga niya ako diba? Na maging kapartner niya dito sa party kaso tinangihan ko siya dahil nauna ng mag-aya si Owen. Nang tinawag na kami umakyat na kaming dalawa nagulat ako ng hinawakan niya ang mga kamay ko para sa pag-akyat. Binitawan na din naman niya iyon pagkaraan.

Pag-akyat may nakahandang upuan para sa akin para makaupo ako doon at sa harap non ang mike na nakalagay sa stand nito. Si Brix naman nakatagilid siya at nakaharap sakin dahil sa piano. Maliit lang naman yung piano at hindi yung engrandeng piano. Kaya malapit rin kami sa isa't-isa. Tumahimik na ang tao kaya nagkatinginan kami at saka sinimulan na ang pagtugtog at pagkanta.

~🎶 Ahhh ahhh ahhh 🎶~ - me

~🎶 Itanong mo sa akin

Kung sinong aking mahal?

Itanong mo sa akin

Sagot ko'y di magtatagal 🎶~ -Brix

Tumingin sakin si Brix na parang para sa akin ang kinakanta niya ngayon. Yon kasi ang sabi sa amin ni Wil tumingin daw kami sa isa't-isa na parang kinakantahan namin ang isa't-isa. Dapat daw kasi with emotion lalo na dahil sa ibig sabihinng lyrics kaya ginagawa lang namin ang utos niya. Ako naman nakatingin lang sa gitara at paminsan minsan tumitingin sa kanya at sa harapan.

Destined Series #1: My Childhood FriendWhere stories live. Discover now