Chapter 8 ~Partners~

11 2 0
                                    

Tara's POV

Hi! I'm Tara Lopez. I think this is my first time having POV. Sa aming magkakaibigan ako yung may pagka-nerd. Lagi akong tutok sa pag-aaral ko. Ayokong bumababa ang grades ko pero kahit ako yung may pagka-nerd mas matalino si Chlea sakin.

Wala namang problema sakin yun. Lagi niyang sinasabi sakin na mas matalino ako dahil ako laging nakakasagot sa recitations pero alam kong alam din niya yon tinatamad lang talaga sumagot.

"Sweetheart, nakabihis ka na ba?" Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si Mom. "Bakit di ka pa nakabihis? Sabi ko sayo aayusan pa kita eh. Baka mamaya dumating na yung partner mo di ka pa nakabihis."

"I don't like parties." I said and sat in front of my study table. 

"Uh-uh. That's a no no, Sweetie. Hindi ka na nga pumunta nung nakaraan. Sige na, maligo ka na at magbihis ng dress mo tapos punta ka na sa kwarto namin ng Daddy mo ihahanda ko na doon ang pang make-up mo." She said while pushing me towards my cr.

Mukang wala na akong magagawa. Naligo na ako at sinuot yung dress na binili ni Mommy before. Actually bibili dapat ako kanina kasama ko sila Chlea at Stella na bibili din ng dress. Pero tumawag sakin si Mommy at sinabi niya ang about sa dress na ito.I'm wearing a Two Piece Beaded Homecoming Dresses, Light Blue Cocktail Dress and a Gucci Double G Bow Straps Sandals.

Pagkatapos ay tumuloy na ako sa kwarto nila Mommy. Naabutan ko siyang sinasaksak ang curler. Kahit papaano naman may alam ako about sa mga girly stuff because my Mom is a model. Umupo na ako sa harap ng vanity table ni Mommy. Sinumulan na niya akong ayusan. Kinulot niya din ang black short hair ko.

"Ayan mas lalong gumanda ang anak ko." Sinimangutan ko na lang siya. Hindi ako sanay ng pinupuri ako. Inabot niya sakin ang isang blue pouch, pagbukas ko nakita ko ang ibang make-up don. "Mag-retouch ka na lang kapag medyo humulas. But i doubt it, hindi ka naman pawisin." Tumango ako saka nagpaalam at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako sa sala para dun na lang mag-intay.

"Ganda mo sis ah, parang ako lang gwapo." He smirk and touch his chin. I rolled my eyes at Noel, my younger brother. Maganda ba talaga ko?

"You are beautiful, my daughter." I smiled at Dad.

Tumayo na ako para lumabas ng may nag-door bell alam kong si Eric na yon. Yes, he's my partner. Magkasundo kami kasi kami pinakatahimik saming magkakaibigan. Nauna ng lumabas sakin si Dad at Noel. Over protective.

"Hey kid, take care of my daughter."

"I will, Sir." Mukang kinakabahan siya base sa itsura niya.

"Kid, take care of my sister. Sayang ang lahi namin kapag nawala yan." Binatukan ko si Noel.

"Mas matanda sayo yan." I said to Noel.

"Alam ko, hindi ba Kid pangalan niya?" Napapalatak ako sa sinabi ng kapatid ko. Hinila na siya papasok ni Dad.

"Mukang magkaiba kayo ng pinagmanahan ah?" Eric said while walking towards me.

"Actually, di ko alam kong kapatid ko yon." I shyly said. Inabot niya sakin ang braso niya kaya sinaklay ko don ang mga kamay ko.

"You're beautiful." He whispered in my ears. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Stella's POV

Kadadating ko lang sa bahay namin dahil pumunta kami kanina ng Mall. Mas nauna ngang umuwi yung dalawa kesa sa akin. Ayaw kasi nila mag-manicure at pedicure kaya ako na lang mag-isa.

Ayaw ni Chlea dahil ayaw niyang hinahawakan siya ng di niya kilala. Si Tara naman ayaw din dahil ayaw niya ng may kulay ang kuko niya. Kaaarte talaga ng dalawang yon. Nung sinabi ko sa kanila yon kanina sabi ba naman sakin 'Ikaw kaya maarte' yan sabi nila sakin at talgang chorus pa.

"Mommy, Daddy, mga magulang ko. Asan na kayo? Aray! Kuya ano ba!?" Panira talaga ng acting toh.

"Kaingay mo. Mata kasi gamitin mo hindi bibig." Sabi ni Kuya Owen tsaka umakyat ng hagdan. Inambaan ko siya habang naka talikod.

"Nako! Kung hindi lang talaga kita kapatid baka-"

"Baka ano?"

"Baka ano hindi mo ko kasing ganda." Sabi ko saka nag-peace sign.

"Hindi ako maganda. Gwapo ako." Sinimangutan ko siya. Ang hangin. Hanep.

Sinimulan ko na ang paghahanap kila Mommmy at Dadddy. Pumunta ako sa kusina pero wala, sa Cr pero wala din, sa pool area, sa garden, sa library, sa kwarto, sa office nila pero wala din. Nahahapong naupo ako sa nakita kong upuan. Asan na ba sila? Naging idol na ata nila si Dora?

Pumunta na lang ako sa kwarto ko para mag-ayos na baka malate na ako. Pagbukas ko ng pinto napanganga ako. Bakit? Nandito lang naman sila sa kwarto ko, pati si Kuya.

"Honey, bakit ngayon ka lang? Anong oras na malalate ka na." Mommy said. Lumapit ako kay Kuya na nakabihis at nakaupo sa gilid ng kama ko  tsaka siya pinalo pero tumawa lang siya. Kapatid ko ba talaga toh?

"Magbihis ka na aayusan pa kita. Kayong dalawa lumabas na kayo." Lumabas na sila Daddy at Kuya. Kinindatan pa ako ni Daddy bago umalis. Ako naman dumiretso na sa Cr para maligo at magpalit.

Pagkayari ay lumabas na ako at sinimulan na ni Mommy na make-upan ako. I'm wearing a Blush Fit and Flare and Embellished Bodice Short Dress and for the heels Gucci Marmont logo-embellished leather sandals. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Perfect! Nagpaalam na ako kay Mommy na bababa na para doon mag-intay.

Nakita kong nasa sala sila Daddy at kausap si Tim. Tamad talaga ni Kuya. Siguradong inutusan siya ni Dadddy na sabihin na nandito na si Tim dahil sa katamaran di niya sinabi. Napansin na nila kong pababa kaya napatingin sila sa akin. Nakita kong nakaawang ang bibig ni Tim. Tsk tsk tsk. Tinamaan na ata sakin toh. Ng nasa baba na ako ng hagdan tumayo na sila. Lumapit ako kay kuya tsaka humalik sa pisngi.

"You're beautiful sis." I smiled at him. "Mauna na ako. Sunduin ko pa si Chlea. Hinintay lang talaga muna kita. Dad, Mom." Pababa na rin pala si Mommy. "Alis na po ako."

"Take care son." Mommy said. Daddy just pat his shoulder. Nagtanguan lang si Kuya at Tim.

Lumapit ako kay Mommy para humalik at ganon din kay Daddy. "Mana ka talaga sakin, my daughter." Kita niyo na kung saan kami nagmana?

Lumapit ako kay Tim. "Bibig mo baka pasukan ng langaw." Sinarado naman niya agad ang bibig niya tsaka kami nagpaalam. Lumabas na kami at sumakay ng sasakyan niya.

"I won't say that you are beautiful. Baka mas lumaki pa ulo mo." Tinawanan ko siya. Inamin niya na rin na nagandahan niya ako.

Destined Series #1: My Childhood FriendWhere stories live. Discover now