Chris Archer's POV"Hello Princess?" Sagot ko sa tawag ng kapatid ko.
"Chris." Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang boses na nagsalita dahil panglalake ito.
"Who are you? Bakit na sa iyo ang phone ng kapatid ko?" Napatayo na ako sa kinauupuan ko kaya napatingin na sa akin ang kadate ko.
"This is Brix Jaden Lagdameo. Dinala ko ang kapatid mo sa ospital."
"What!? Saang hospital!?" Nagiwan na lang ako ng pera sa lamesa at hindi na pinansin ang kadate ko.
Tumakbo na ako palabas at sumakay ng sasakyan ko ng malaman ko na kung saang ospital. Shit. I shouldn't leave her. Kaya ko lang naman sila iniwan kanina dahil alam kong may kailangan silang pag-usapan dahil halata sa mga kilos nila. Pagdating doon dumiretso ako sa ER.
"Miss si Chlea Aspen Bernardino po?" Sabi ko habang palingon lingon.
"Bed 3 po, Sir." Nagpasalamat ako at saka pinuntahan na ang kapatid ko. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog pero maputla siya. Hinaplos ko ang buhok niya.
Tumawag ako ng nurse para mailipat na siya ng room ngunit ang sabi nito kailangan pang itanong sa doktor na nanggamot kay Chlea. Naghintay na lang ako sa labas ng ER dahil bawal ako sa loob. Wala dito si Brix dahil naiwan siya para ayusin ang sasakyan daw niya at ang motor ni Chlea. Paano niya kaya napatahan si Chlea?
"Are you the related family of Ms. Chlea Bernardino?" Tumayo ako at saka humarap sa doktor.
"Ako nga po, Doc."
"Okay naman na po si Ms. Bernardino. May lagnat lang po siya kaya maputla pa ito. Bukas na bukas pwede niyo na rin po siyang iuwi. Ipapalipat na po namin siya sa kwarto." Nagpasalamat ako sa doktor.
Pumunta na ako kung nasaang room si Chlea. Anong meron kaya kay Brix at Chlea? Bakit ganon na lang ang pagaalala na narinig ko sa boses ni Brix kanina ng tumawag ito? Tinigil ko na ang pag-iisip dahil ayokong maikialam sa kanila. Lumapit ako sa kapatid ko at inayos ang kumot nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ito kay Dad tatanungin ko na lang si Chlea kapag nagising ito.
Brix's POV
Patungo na ako ngayon sa ospital kung saan dinala si Chlea. Sana okay lang siya. "Miss, yung babaeng dinala dito kanina lang ng ambulansiya nasaan?" Tanong ko sa nurse.
"Anong pangalan Sir?"
"Chlea Aspen Bernardino."
"Room 204 Sir." Pagkasabi niya non ay nagpasalamat lang ako at saka pumasok sa elevator. Dumiretso ako sa kwartong sinabi ng babae. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ito.
"Mr. Lagdameo ikaw pala, pasok." Ani ni Chris.
"Brix na lang, Chris hindi naman tayo nagtratrabaho. Here." Sabi ko habang naglalakad papasok. Inabot ko din sa kanya ang pagkaing dala ko.
"Nag-abala ka pa. Thank you. Pwedeng pabantayan muna si Chlea? Kailangan ko kasing magbayad ng bills." Tumango ako sa kanya. "Thanks." Sabi niya at saka lumabas.
Lumapit naman ako kay Chlea. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito. Maraming nagbago sa mukha niya. Ang natural na makapal nitong kilay ay mas lalong naging kulay brown, ang natural nitong mahabang pilik mata ay mas lalong humaba na nagpaganda lalo sa kanyang kulay abong mga mata. Ang matangos nitong ilong at mapupulang labi ay ganoon pa rin. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Ang daming nagbago pati ang ugali mo. Pero alam ko ikaw pa rin ang Chlea na nakilala ko.
Chris Archer's POV
"Tapos ka na bang pagmasdan ang kapatid ko?" Tanong ko kay Brix na napalayo agad sa kapatid ko ng marinig ako. "*Laughs* You don't need to say anything. I want to thank you for taking my sister here... And I also wonder how you brought my sister here?"
"I saw her in the middle of the road beside her motorcycle. She is sitting on the floor, crying and short-winded. The other people trying to get close to her but they cant because she is fighting like protecting herself. When I saw her I get close to her and tried to calm her down." Mahabang paliwanag niya. Tumango tango ako sa paliwanag niya. Alam kong gusto niyang magtanong pero hindi ko siya masasagot mas maganda siguro kung mismong si Chlea na ang magsabi sa kanya. Hindi na lang si Dad ang nakakapagpakalma sa kanya. Umupo ako sa upuan at inaya ko siya para kumain at tumugon naman siya sa aya kong iyon.
Chlea's POV
Nagising ako ng may marinig akong ingay. Sa lakas at dami niyang sinasabi sinong hindi magigising. Kahit patay siguro bumangon dahil sa boses ni Stella. Sinubukan kong idilat ang aking mata ang namasdan ko ay ang puting kisame. I'm in the f*cking hospital. Pinigilan ako ng kapatid ko sa akmang pagtayo. Tumigil na rin ang ingay sa paligid.
"Kuya, I don't want in here." Sabi ko sa kanya na nagmamakaawa. I hate hospitals.
"Wait in here. I will ask the doctor." Tumango ako kay Kuya. Agad na lumapit sakin ang mga kaibigan.
"Chlea, kamusta pakiramdam mo? Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Stella.
"Wala na. Ilang araw na ako dito?"
"Just a day. Kagabi ka dinala dito and it's already 6 in the evening." Sabi ni Owen. "Tubig?" Tumango ako sa kanya at inabutan naman niya ako agad ng tubig. Alam ko kung bakit hindi sila nagtatanong sa nangyari. Alam nila na ayaw kong pag-usapan yon.
"Pwede ka na daw umuwi ngayon." Sabi ni Kuya. Pumasok ang nurse at tinangal lang niya ang kung anong nasa kamay ko. Nagpasalamat ako dito ng matapos siya. Inabot sakin ni Kuya ang damit ko at agad ko naman itong kinuha at tumayo para pumasok sa banyo.
"Seriously, hindi ako baldado." Sarkastikong sabi ko kay Owen at Kuya na umaalalay sakin papasok ng banyo. Hindi nila ako pinansin at hinayaan na akong gawin ang dapat gawin sa banyo. Nang makalabas ako ay inalalayan na namab nila ako papunta sa bed ulit. Nang matapos si Kuya sa pagaayos ng gamit ay lumabas na kami.
"Ingat kayo." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Nagkaniya kaniya na kami ng sakay. Sumakay na ako sa trailblazer ni Kuya.
"Kuya!" Sigaw ko ng may maalala ako. Agad na lumapit sa akin si Kuya. "Si Brooke!" Tukoy ko sa motorsiklo ko.
"Yun lang pala akala ko kung ano na. Nasa bahay na. Pinadala ni Brix." Ng mabanggit niya yung pangalan ni Brix napahinto siya. "Siya ang nagdala sayo sa ospital Chlea. Pasalamatan mo siya."
"Oo alam ko." Naalala ko pa naman yung nangyari bago ko mawalan ng malay. Lagi namang ganon ang nangyayari sa akin eh. Tuwing umuulan umiiyak ako at nahihirapang huminga pagkatapos ay mahihimatay ako o kaya'y kapag andyan si Dad sa tabi ko hihinahon na ako.

YOU ARE READING
Destined Series #1: My Childhood Friend
Teen FictionChlea Aspen Bernardino, a behaved girl, obedient, polite and always follows her parents orders. But something happened that made her change into a badass girl. She forget everything from her past, buried it deep down into her heart. But one day, he...