Chlea's POV"Princess! May sunog! Sunog!" Sumipa ako sa gilid ko kung nasaan si Kuya.
"Ughh. Hoo!" Narinig kong ungot niya. Tiningnan ko si Kuya na nasa lapag at nakahawak sa... Napahagalpak ako ng tawa dahil sa itsura niya. Nakahawak siya sa baba niya na mukhang yun ang tinamaan ko.
"Ang sama mo, Princess. Isusumbong kita kay Dad." Tumango lang ako at aktong matutulog ulit. Ngunit hinila niya ang buhok ko kaya kinagat ko ang kamay niya. "Aray! Hoo! Tama na!" Tinangal ko na ang pagkakakagat ko at saka tumakbo papasok ng Cr. Kailangan ko ng maligo dahil gaya ng sabi ni Daddy kaylangan kong pamahalaan muna sa weekend ang company namin. I just wear a simple black T-shirt, faded jeans, leather jacket and a stud girls gone bad biker boots. And i get one of my black shades to complete my whole look. Bumaba na ako at naabutan ko si Kuya na kumakain. Umupo na rin ako sa katapat niya para makakain.
"Ano bang gagawin ko?" I know na nandito siya beacause of the company.
"Edi yung ginagawa ng CEO. You'll manage the company. And I'm coming with you." Umirap ako sa kanya. Wala talaga akong matinong makukuhang sagot sa kanya. Pagkayari kong kumain bumaba na ako at lumapit sa black Honda Rebel 300 bike ko.
"Hi Brooke. Miss me?" Nilinis ko muna siya at saka inistart ang makina buti may gasolina pa. Di ko na inintay si Kuya dadaan pa ako sa Gasoline station. Sumibad na ako paalis. Napapatingin sa akin yung ibang mga tao, i mean sa bike ko pala. Sikat ka buddy.
"Full tank." I said to the gasoline boy. Habang naghihintay nakita kong dumaan ang sasakyan ni Kuya at bumusina lang siya. Pagkarating namin sa company ay binati kami ng guard at mga employee. Tumuloy kami sa elevator at pinindot ang 7th floor na pangalawa sa pinakamataas. Ang 8th floor kasi ay office ng CEO ang buong floor na iyon which is my Dad. Lumapit kami sa secretary.
"Good morning Mr. Bernardino and Ms. Bernardino. I list down all the things that you have to do Ms. Bernardino." She said and handed me the paper. Hinubad ko na ang salamin ko.
"Is this all of it?" I asked after reading the paper. I only have two appointments.
"Yes, Ms. Bernardino. Your first appointment is on here. And the second one is lunch appointment on a resort requested by our buyer." Nangunot ang noo ko.
"Why it have to be on the resort?" Ang layo pa naman ng resort na yun.
"He is one of our best buyer. Gusto nilang tingnan natin ang kanilang resort para mairecommend natin ang best furnitures na babagay sa resort nila." Tss... Kaarte naman ng buyer na ito. Tumango ako at saka pumunta sa office ni Dad. Nakasunod lang sakin si Kuya babantayan ako niyan. Nang makarating na kami sa office ni Dad tinanong ko si kuya.
"Binabantayan mo ba ako?" Sabi ko at saka umupo sa upuan ni Dad. Ang daming papel. Tsk.
"Oo. Baka may gawin kang kalokohan." Sabi niya tsaka umupo sa isa sa upuan sa harap ng lamesa in Dad.
"I'm not a child anymore. Naaalibadbaran ako sayo eh."
"Grabe ka naman princess. Gustong gusto kaya ng mga babae ang mukha ko." Inirapan ko siya. At saka sinimulan ang dapat kong gawin. May alam naman ako kahit papaano dahil mula bata sinasama na kami nila Dad sa office nila lalo na ang kinukuha ko ngayon ay ABM at of course business administration sa college.
"Kuya bili ka nga ng--" Kausap ko lang pala ang sarili ko. Asan na ba yon? Akala ko ba babantayan ako? Bakit di ko siya narinig na lumabas? Tinulo ko na lang ang ginagawa ko. Nang tinamad na ako itinigil ko muna at sinandal ang ulo sa swivel chair ni Dad. Kinalikot ko ang computer ni Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/230134444-288-k565947.jpg)
YOU ARE READING
Destined Series #1: My Childhood Friend
Novela JuvenilChlea Aspen Bernardino, a behaved girl, obedient, polite and always follows her parents orders. But something happened that made her change into a badass girl. She forget everything from her past, buried it deep down into her heart. But one day, he...