One

3.2K 64 16
                                    

Kathryn's POV

Apat na taon na ang nakalipas simula ng nakilala at saktan ko si Daniel. Graduate na ako ngayon at naghahanap ng trabaho. Ang nakakainis hindi pala ganon kadaling maghanap ng trabaho kahit may pinagaralan ka. Masyado na akong stress. Isang lugar lang ang makakapgpawala ng stress ko.

Sa batangas...

Sumakay ako ng bus patungong batangas. Medyo maaga pa naman kasi kaya hindi gaanong traffic kaya nakarating agad ako sa destinasyon ko.

"Hi maam" bati sa akin ng babaeng nakasalubong ko. Pinapasok naman nila ako kahit walang bayad. Kilala na rin kasi ako dito. Pamilya ni Julia ang may ari kaya. Okay lang kahit maglabas pasok ako dito. Buti na lang bestfriend ko si Julia. Haha.

Umupo ako sa malapit sa batuhan. Inalala yung gabing hindi ko makakalimutan, Yung gabing tinakasan ko yung forever ko. Yung dapat na happy ending ko.

"Kathryn, nagsimula man tayo sa aso't pusa. Marami tayong hindi pagkakasunduan. Marami tayong hindi pagkakapareha, gwapo ako. Panget ka" natatawa niyang sabi. "Mahal pa din kita" lumuhod siya sa harapan ko at inilahad sa akin ang singsing. "Kathryn Chandria Bernardo, soon to be Mrs. Padilla. Will you marry me?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ko na naman maiwasan maluha. Nakakainis, Miss na miss ko na yung ngiti niyang ganun. Yung tawa niya. Yung lahat sa kanya. Matapos kasi ng gabing yun halos dalawang buwan lang ang tinagal niya dito at nabalitaan ko na lang na umalis na siya papuntang New York.

Apat na taon na ang nakalipas. Nagbago ba ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi. Hanggang ngayon kasi mahal na mahal ko pa din siya. Kahit alam kong galit at sinusumpa niya ako. Ang tanga ko kasi eh. Pinakawalan ko pa siya. Pero para sa kanya din naman yon eh.

Kumuha ako ng bato at binato sa dagat. "Mahal na mahal kita, Daniel" Kasabay ng pagbato ko ay ang paghiling na sana bumalik ka na. Sana magkita uli tayo. Sana may second chance pa tayo. Naging mas matapang na ako. Handa kong ipaliwanag sayo ang lahat yung sa text message. Ginawa ko yung para sa'yo. Handa rin akong ipaglaban ka.

"Sinong Daniel? Hanggang ngayon pa rin talaga napakalabo mo pa rin, Kathryn" gusto kong matumba sa kinauupuan ko. Pamilyar sa akin ang boses na'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Dahan dahan akong tumayo nang hindi pa rin humaharap. Pinagiisipan ko pang mabuti kong haharap ba ako o Hindi. Pero wala rin naman akong magagawa eh. Makikita't makikita ko pa rin siya. Kaya humarap na ako. Wala ng gulat emoticons kasi formal writing na author niyo.

Hindi ako makapaniwala. Nasa harap ko na siya ngayon. Parang kanina lang hinihiling kong sana Makita ko siya. Eto na ba yung sign na may second chance kami?

"Hey, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" tanong niya. Tinitigan ko lang siya. Yung mga mata niya, Yung matangos niyang ilong. Yung mapupula niyang labi. Na-miss ko yun. Pati siya na minahal ko at minamahal pa rin hanggang ngayon.


"Kathryn?" Rinig ko pang sabi niya bago magdilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong nangyari.

Breaking the Forever (KathNiel/KathQuen) [Book 2 of Forever Slave: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon