Three

2.1K 47 19
                                    

Kathryn's POV

"Auntie, nakakainis siya!" Pagsusumbong ko kay Auntie. Matapos kong i-kwento sa kanya yung nangyari sa amin ni Barbie. Alam din niya kasi ang lahat lahat ng nangyare sa'min.

"Hayaan mo na. Mas maganda kung marunong kang magpatawad" sambit niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Oo. Pwede pang magpatawad ako. Pero auntie, hindi ko naman makakalimutan yung sakit. Nasayang yung sakripisyo ko. Yung sakit" inis na inis ako kay Barbie. Apat na taon ang nasayang!

"Sinasabi mo lang yan kasi nasaktan ka ng sobra. Nanghihinyang ka sa taon na, nawalang bahala" nakangiti niyang sabi. "Kasi mahal mo siya"

Hinayaan niya lang ako sa tabi niya. Nag-text naman sa akin si Manager J tungkol sa photoshoot ko bukas. May mga damit na daw dun kaya wag na daw akong mag-alala.

"Umuwi ka muna sa bahay. Ako ba? Kailan ako makakauwi?" Tanong niya. "Matagal pa ho. Magche chemotherapy pa po kayo. Sige mauna na po ako" Binilin ko muna si Auntie sa Doctor bago umalis.

"Hindi ko talaga makakalimutan yung Barbie na'yun!" Inis kong sabi. Pagdating ko sa bahay ay natulog agad ako. Makalimot sa sakit.

--

*Kringgggggg*

"Ano ba'yun?!" Tamad ba tamad akong kinuha yung cellphone ko. Pagtingin ko eh 7'o'clock na! Shit! 8am yung call time ah? Nagmadali akong kinuha yung tuwalya at nagmadaling maligo. Pagkatapos kong maligo pinili ko yung polo at pantalon. Pinatuyo ko yung buhok ko gamit ang blower. Natural na diretso na ang buhok ko kahit medyo maikli na. Pero okay na'to. Naglipstick at nag konting make-up lang ako.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa may sakayan ng taxi ng biglang may humintong magandang sasakyan sa harapan ko. "Sakay na" nakangising sabi ni Enrique.

Bigla namang pumasok sa utak ko yung nangyare kahapon. Ah Letse! Nakakahiya!

"Bakit namumula ka? Hahahaha!" Tawang tawa niyang sabi. Mas lalo kong naramdaman ang pamumula ko. "Mamaya mo na ako pag na saan, Male-late na tayo! Bilis!" Inirapan ko muna siya bago punasok ng kotse niya.

Bago niya i-start. Tumingin ule siya sa'kin. "Seatbelt" mabilis ang pagkakasabi niya kaya hindi ko maintindihan.

"Ha?" Tanong ko.

Nilapit naman niya bigla yung mukha niya sa'kin. "A-anong g-ginagawa m-mo?" Utal kong sabi. Ngumisi lang siya.

Pinagtritripan ba ako nito? Nararamdaman ko ng para na akong kamatis sa sobrang pula!

Tsaka ko lang na-realize na kinakabit niya yung seatbelt. Pagkatapos niyang ayusin e, dahan dahan niyang nilayo yung mukha niya habang nakangisi pa'din. Urgh, nakakabaliw siya. I swear.

--

( AN: Dito talaga ako sa scene na to nahirapan e. Nag-research pa ako ng videos para dito. )

Dali dali kaming bumaba ni Enrique ng kotse. Ang dami rinkasing naka-abang na fans dati kay Enrique. Buti agad lumapit yung mga guards.

"Oh! Andito na pala ang KathQuen!" Bati ni Manager J. Hah? KathQuen?! Sino yun?

"Silly. Kath plus Quen equals KathQuen" natatawa niyang sabi. Nag make face ako sa kanya dahil sa sagot niya pero natawa lang siya.

"Hi Ms. Kath! Ayusan ko na po kayo?" Aniya ng Babae na mukhang make-up artist. Nilingon ko si Enrique at inaayusan na'rin siya. Urgh, kath wag kang kabahan.

Ginawang natural yung style ng make up ko at redish na lipstick. Pinagsuot naman ako ng gray na dress at mga accessories pati heels. Nakita kong naka-pwesto na si Enrique at hinihintay na lang ako habang nakangisi.

Bwiset to! Bakit ba lagi tong nakangisi?

"Sige na iha. Tabihan mo na si Keng Keng!" Utos nung editor.

"Ate tine!" Sigaw ni Enrique.

Lumapit naman ako kay Enrique. "Keng Keng? Haha! Ang baduy" natatawa kong sabi. Nakatagilid siya sa akin at nakaharap naman ako sa kanya. Biglang may nag-flash na camera sa'min.

"Hala? Game na po ba?" Natatawang tanong ni Enrique. "Ay hindi pa ho, Ang ganda lang ho kasing tignan yung view niyo kanina. Bagay ho kayo" tuwang sabi ni Kuyang Photographer. "Patingin nga!" Lumapit naman yung Ate Tine. "Oo nga no? You two look good. Keng Keng! Siya ba bago mong girlfriend?" Biro nung Ate Tine.

"Haha. Ate tine naman! Hindi pa po eh" natatawa niyang sagot. Bumulong naman ako sa kanya. "Anong hindi pa?!"

"Hindi pa kasi kita sinasagot--- owww! owww!" Sigaw niya. Pinagpapalo ko kasi siya. Habang yung photographer picture ng picture sa'min!

"Oh eto na pala eh! Nakuha niyo na yung gusto kong shot" natatawnag sabi ni Miss Tine. "Okay! Ngiti naman kayo! Kath? Kath right? Sweet smile! Enrique! Genuine Smile!" sigaw ni Miss Tine. Ginawa ko naman yung sinabi niya. "Magdikit kayo!" dagdag pa niya.

"Dagdagan niyo ng sweetness!"

"Smile!"

"Kailangan natural!"

Ginawa ko naman lahat ng sinabi nila. "And last is, Kath. Ilagay mo yung kamay mo sa braso ni Enrique!" ginawa ko naman yung sinabi niya. Pero tinawanan lang nila ako.

"BRASO!" natatawang sabi ni Miss Tine.

Nilingon naman ako ni Enrique. Kinuha niya yung kamay ko. "Kath, balikat yan" natatawa niyang sabi. Ginalaw niya yung kamay ko papunta dun sa b-braso niya! Urgh, shit bakit ang ganda ng shape ng braso niya?!

"AYAN! PERFECT! NOW SMILE!" sigaw ni Miss Tine.

"1...2..3... SMILE!" sigaw naman nung director.

Sa wakas after ilang hours ay natapos na rin. Nakasalubong ko naman si Manager J. "Hey kath, you did great! Oh eto, Fiftty Thousand muna ah? Naasikaso ko na yung sa Hospital. Tatanggap sila ng down payments!" tinanggap ko naman agad yung sobre.

"Hala! Naku, salamat po talaga! Thank you" tuwang tuwa kong sabi.

"Sige, basta pag naging hit yang mag niyo at maraming kumuha sayo. Ako ang manager mo ah? Una na ako. Dinaan ko lang talaga yan para sa'yo" pagkatapos nun ay umalis na siya. Sana nga maging hit yung magazine. Para kay Auntie.

--

"Uy! Uy! Katreng!!" inis kong nilingon si Enrique.

"Kath ako, okay?" pagtataray ko sa kanya. "Feeling close mo masyado" dagdag ko pa.

Tumawa lang siya. "Wow ah! Sino kaya tong nangyakap sa atin kahapon? Sino kaya feeling close dun?" tawang tawa niyang sabi. Naramdaman ko naman na yung skin tone kung morena ay nag-transform bilang Kamatis skin tone.

"Urgh! bwiset!" inis kong sabi sabay lakad papuntang dressing room. Agad akong nagbihis. Isusuot ko na sana yung sapatos ko ng nag-play ang paborito kong kanta.

♪ ♫ Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin ♪ ♫

At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di mag babago

Ngunit bakit satwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo

Agad ko naman kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag. "Hello? Bhest!"

"Bhest! I miss you!"

"Kath! We miss you!"

"Sunod ka na dito!"

"Hala, haha asan ba kayo? tanong ko. Mukhang kasama ni Juls ang ibang Barkada.

"Nandito kami sa Wattpad Mall. Maaga pa naman ah! Asan ka ba? Kita naman tayo oh! Miss ka namin!" paglalambing ni Julia.

"Sige, susunod na lang ako. Sa Foodcourt kayo ah?" sagot ko.

"Talaga? OMG sige hintayin ka namin. Asan ka ba? Anong ginagawa mo?" tanong ni Juls.

"Andito pa'ko sa Photoshoot pero pauwi na ako" bigla naman nag OMG language si Juls. Nataw ana lang ako sa kanya. "Hala! Nako! Magkwento ka! Bilisan mo!"

"Hahaha. Oo sige bye, I love you" sabi ko at binaba na yung phone. Sinuot ko na yung sapatos ko at binuksan yung pinto na nakaawang pala. Hala nakalimutan ko ba tong i-lock?! Nanlaki naman yung mata ko ng nakita ko si Enrique. "Oh my gosh! Sinisilipan mo ba ako?!" sigaw ko.

Breaking the Forever (KathNiel/KathQuen) [Book 2 of Forever Slave: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon