Two • Five

2K 50 66
                                    

Kathryn's POV

"Kathryn.." sambit niya. Napatingin ako sa Tiyan niya. Malaki yon. Napakami na talang nangyare sa apat na taon.

"5 months" napatingin ao sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Mukha ring iba na ang aura niya. Mukha na siyang mabait at amo. I wonder kung anong nangyare sa kanya sa Apat na Taon. Pagkatapos kasi ng kasal ay umalis din siya ng bansa.

Hindi ko siya matapunan ng tingin. Tumango na lang ako at tumalikod na. Bigla ko kasing naalala yung mga ginawa niya sa amin ni Daniel at Julia. Hindi ko makakalimutan yun lalo na yung ginawa nila ni Derrick na pagpapahirap. "Sandali! Kath! May kailangan kang malamang!" Nag-flashback sa utak ko yung paghihirap ni Juls dahil sa kanya. Sa inis ko ay tinabig ko yung kamay niya. "Ahhhhhhh!"

Mukhang napalakas yung pagtabig ko dahilan para mapaupo siya sa sahig. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya!" Mas lalo akong nag-panic dahil multi siyang sumigaw. "Teka lang tatawag lang ako ng nurse" sakto naman may pararating na doctor.

"Doc, tulungan niyo po siya. Tinulak ko pa siya kaya siya napaupo at mukhang nanakit ang tiyan" pag-amin ko. Inalalayan na lang namin si Barbie. Malapit lang naman daw dito yung area ng obegyn.

Pinahiga agad si Barbie. Pinainom siya ng mga vitamins. "Anong nararamdaman mo?' Tanong ng doctor.

"Bigla lang naman sumakit yung Tiyan ko. Parang sinusuntok. Pero okay na po ako" nakangiti niyang sabi. Ngumiti din yung doctor "Sumipa siguro si Baby! Hindi ka lang sanay. Haha. Pero you should be careful. Maselan ang pagbubuntis mo" tumango tango lang si Barbie. Humarap naman sa akin yung doctor. "Sige maiwan ko muna kayo" at umalis na yung doctor.

"Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."

"I'm sorry" sabay naming sabi. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan naman niya yung kamay ko. "Alam ko na hindi mo sinasadya yun. Dahil mabuti kang tao. Kaya i'm sorry kung naging bitch ako sa inyo. Sorry dahil sa akin hindi kayo nagkatuluyan. Sorry sa lahat ng nagawa ko" Alam kong sincere ang paghihingi niya ng tawad at ramdam ko yun.

"Wala kang kasalalan dahil hindi kami ang nagkatuluyan. That was my decision. Pinili kong maging maayos ang buhay niya. Sabi nga ng daddy niya, kung mahal ko talaga siya. Papalayain ko si Daniel" nakangiti kong sabi. Agad namang bumuhos ang mga luha niya.

Hinigpitan niya lalo ang paghawak sa kamay ko. "Hindi kath, Hindi si Tito Rommel yun." Pinunasan niya muna ang luha niya at tumingin sa mga mata ko. "Kath.. Ako yun. I'm sorry.."..

"Ikaw yun?!" Sigaw ko. All these year kinikimkim ko ang galit ko sa daddy ni Daniel. Pero siya pala yun? That's so unfair! That's bullshit!

"Fvck" mahina kong sabi. "Nagsakripisyo ako sa wala?!" Napahilamos ako sa mukha ko sa frustration.

"Sorry kath, maniwala ka pinagsisihan ko na yun. Nagbago na ako" sambit niya habang patuloy lang din ang pag-agos ng luha.

"Tama yan. Pagsisihan mo yan. Gusto din kitang saktan at pahirapan, alam mo yun? May puso kasi ako. Eh ikaw? Napakasama mo. Wala kang puso" matabang kong tuon sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto niya. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pero shit siya! Wala akong pake. Sunod sunod din ang pag-agos ng luha ko. Nasayang lang yung apat na taon. Wala na eh, ikakasal na siya ngayon!

"Kath! Kanina pa kita hinahanap" tumakbo palalapit si Enrique sa akin. Agad kong pinunasan yung mga luha ko. Pero peste! Ayaw tumigil. Hinawakan niya ang baba ko at inangat yun. "Hey, umiiyak ka na naman. You okay? Bakit? Tell me" nagaalala niyang sabi.

Ewan ko, pero kusa na lang gunalaw ang ko at niyakap siya. Random ko ang pagkagulat niya pero agad din niya akong niyakap pabalik.

"Iiyak mo lang. Nandito lang ako" para akong tanga kasi pinapatahan na nga ako. Mas lalo pa akong naiyak! Sino bang hindi maiiyak? Nag-aksaya ka ng apat na taon sa wala!

Kumalas ako sa yakap ng ma-realize kung anong ginagawa ko. "Urgh! Shit! Sorry"sambit ko at nagmadaling tumakbo.

Akala ko nagbago na ako. Ganun pa din pala. Oo, nagbago ako physically, yung mga salita ko. Pero ganun pa din e. Tinatakbuhan ko pa din ang mga problema ko. Masyado akong duwag.

Kung sanang pinaglaban ko si Daniel. Kung sanang hindi ko siya tinanggihan. Kung sanang sinamahan ko siya at pinaglaban namin. Hindi magiging ganito ang sitwasyon. Edi sana kami pa ni Daniel.

I thought I wouldn't regret the day I left him. But fvck I'm regretting it now.

Breaking the Forever (KathNiel/KathQuen) [Book 2 of Forever Slave: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon