One • Five

2.2K 60 40
                                    

Daniel's POV

Hindi ako makatulog nitong mga nakaraang araw. Hindi dahil sa pagkikita namin nung babae na'yon. Kundi dahil siguro miss ko na si Liza. Kaya naman laking tuwa ko ng nakatanggap ako ng tawag sa kanya sa Skype. "Liz!!! I miss you" bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag niya.

Natawa lang siya. "Ako rin, I miss you too. Pero di ko naman alam na ganyan mo ako ka-miss" biro niya sa akin. Medyo hindi pa diretso ang pananalita niya pero inaaral talaga niyang mabuti managalog. Nakakatuwa talaga siya.

"Wait, bakit parang sad ka?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti. "Hindi, bakit naman ako magiging malungkot kong kausap ko yung taong mahal ko?" tanong ko sa kanya.

Siya naman yung ngumiti ng pagkalaki-laki. Halatang kinikilig. Pag ganyang kinikilig siya, Natutuwa na rin ako. Nakakabakla man pero kinikilig na rin ako. Akala kasi ng mga babae. Sila lang ang kinikilig.

"Bakit naman namumula at abot tenga yang ngiti mo?" tanong niya habang pinipigilan ang ngiti. Ngumiti ako lalo sa kanya ng pagkalaki-laki. "Alam mo kasi Liz, Kaming mga gwapo. Mahirap man paniwalaan. Kinikilig din kami" biro ko sa kanya. Pero totoo naman, Dahil sobrang gwapo ko talaga.

Tawang tawa naman siya sa sinabi ko. Nakakatuwa ang tawa niya kaya naman pati ako nahawa sa pagtawa niya. Ang saya ng ganito. At least, Sa kanya damang dama ko na mahal niya ako. Mahal na mahal na hindi niya ako magagawang iwan.

--

Kathryn's POV

"M-magkano p-po ang kakailanganin na pera?" Tanong ko sa Doctor. Siguradong malaki ang kakailanganin. Wala pa nga akong nahahanap na trabaho. Mangangailangan na agad ako ng alam.Pera?

"500 thousand, estimated lang ho yun maam. Hindi pa kasama ang ibang theraphy. So baka abutin tayo ng Isang milyon" nanlumo ako sa sinabi ng Doctor. Isang milyon? Isang milyon? Isang milyon ba talaga? San naman ako kukuha ng ganong kalaking pera?

Pinuntahan ko na si Auntie sa loob. "Auntie naman eh, sabi ko sayo kumain ka. B-bakit hindi ka kasi kumakain? Ayan tuloy. Nahimatay ka" pagsisinungaling ko. Ayokong malaman niya. Manghihina ang loob niya. Sigurado ako.

"Kathryn.. Matagal ko ng alam na may sakit ako. Hindi mo na kailangang magsinungaling" sambit niya habang pilit ngumingiti. Nilapitan at niyakap ko siya.

"Auntie naman eh, Matagal mo na palang alam. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" naiiyak kong tanong.

"Ayaw lang kitang mag-alala. Kita mo, Aalalahanin mo pa ako. Huwag mo na akong intindihin. Masaya na akong nagka-ayos tayo bago lumala ang sakit ko. Masaya akong napatawad mo ako kahit na hindi naging maganda ang trato ko sayo" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

--

Lumabas muna ako ng hospital. Umupo ako doon sa labas. San naman ako kukuha ng ganong kalaking pera? Nakakahiya man. Pero sinubukan kong tawagan si Julia. Ang kaso hindi daw niya kayang maglabas ng ganong kalaking pera. Gusto pa nga niya sa mommy niya na lang siya kukuha. Kaso hindi na ako pumayag. Masyadong nakakahiya.

Pero mas nakakahiya tong ginagawa ko. Dahil kasalukuyan kong tinatawagan si Manager J para tanggapin ang alok niya. Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon na'to. Pero para na naman sa Pera gagawin ko. Para kay Auntie. "H-hello.. M-manager J?" nahihiya kong sabi pagkasagot niya.


"Yes? What can i do for you?" tanong niya. Tumahimik muna ako ng ilang segundo. Tsaka huminga ng malalim. "Wait, Si Kath ba to?" gulat na tanong niya.

"A-ah. o-opo---" hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay nagsisigaw na siya.

"OMG! Don't tell me tinatanggap mo na ang offer ko?" tuwang tuwang tanong niya.

Huminga ule ako ng malalim. "Opo, Tinatanggap ko na po"

Hindi ko man alam kung tama ba tong desisyon ko. Kung saan ako dadalhin ng tadhana sa desisyon ko. Wala na akong pake. Dahil sa mga oras na'yon. Ang gusto ko lang ay mapagaling si Auntie.

Breaking the Forever (KathNiel/KathQuen) [Book 2 of Forever Slave: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon