Two

2.1K 55 24
                                    

Kathryn's POV

"Ohmyghaaaad! Hindi mo to pagsisihan, promise! Teka asan ka? Pupuntahan kita. Para mapirmahan mo na agad ang contract" sinabi ko kung nasaan ako. May malapit daw na restaurant dito sa hospital kaya doon na lang kami magkikita.

Aalis pa lang ako ng nagmamadaling tumakbo palalabas si Aling Puring. Dahil kailangan na daw niyang maipagamot. Conformation ko na lang raw ang hinihintay para sa pangbayad.

"Sige na. Sabihin mong gawin na ni Doc yung kailangang gawin. Ako ng bahala" natataranta kong sabi.

"Pero kath, Saan ka kukuha ng pera?" Tanong niya. "Meron na ho akong pambayad. Basta sabibin mo sa doctor pagbalik ko ay babayaran ko na agad" sambit ko at pumara na ng Taxi. Para pumunta sa restaurant kung saan ko tatagpuin si Manager J.

Tama nga tong desisyon ko. Eto na lang ang nakikita kong paraan at solusyon.

--

Pumasok na ako sa restaurant. Nakita ko agad siya dahil nakangiti siyang kumakaway kaway sa akin. Umupo ako sa harap niya. "Kanina pa po ba kayo? Sorry" sambit ko habang umuupo. Nakita kong nakaorder na siya.

"Hindi naman, medyo lang. Eto na yung kontrata para sa Modelling mo. Sigurado ka na dito ah? Wala ng bawian" Biro niya sa akin. Tumango lang ako.

"Bakit nga pala biglang nagbago ang isip mo?" Tanong niya. Nakakahiya man pero kailangan ko tong gawin.

"Kailangan ko na ng Pera" mabilis kong sagot sa tanong niya. Sumubo muna siya ng carbonara. "Sige, magkano ba kailangan mo?" Tanong niya habang nginunguya yung carbonara.

Huminga ako ng malalim. "One million lang"

Halos maibuga niya yung kinakain niya sa Mukha ko. Mabuti na lang nagtakip agad ako ng napkin sa mukha. Hindi yung napkin na pantapal sa ano ah. "Jusko naman! Akala mo nanghihingi ka lang ng piso! Bakit ka naman nangangailangan ng ganong kalaking pera?"


"Si auntie. May leukemia siya. Ang sabi ng doctor kakailanganin daw ng isang milyon para gumaling siya" naiiyak kong sabi. Nataranta naman siya.


"Hindi ko pa maibibigay sayo yang One million mo. Pero makakakuha ka ng Isang milyon kung magustuhan ng mga tao ang pagmo-model mo" sambit niya. Pero paano si Auntie?


"A-ang s-sabi mo *sobs* m-malaki ang k-kikitain ko *sniff*" naiiyak na kasi ako sa Frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko.


"P-pero k-kung dumating yung inihain kong partner mo sa pagmo-model. Siguradong malaki ang kikitain mo. Basta gagalangan mo" nabuhayan ako sa sinabi niya. "Yun ay kung darating siya at pumayag siya"


"B-bakit po? *sobs* S-sino po ba'yon?" Tanong ko. Nakakainis. Ang hina hina ko!


"Sorry I'm late. Biglaan din tong pagtawag mo manager j" sabay lapit ng lalaking maputi at bumeso kay manager j. Dumating siya? Siya ba yun? Makakakuha ba ako ng malaking pera?

"Kath, siya yung sinasabi ko sa'yo. Siya si Enrique. Enrique this is Kathryn" nakangiting sabi ni Manager J.


"Hello. Kath na lang" sambit ko habang inaabot ang kamay ko sa kanya. Pero nakatulala lang siya.


"M-may d-dumi ba ako sa m-mukha?" Consious kong tanong. Grabe kasi ang tingin niya. Tulala lang siya. Pinunasan ko naman yung luha ko bago humarap ah.


"Ha? Wala. Its just.. You're so beautiful" nakangiti niyang sabi. Ngumiti na lang din ako. Nagpanggap namang inuubo si Manager J.


"Parang nakita ko na to ah?" Pabiro niyang sabi. Alam ko namang si Deejay yung tinutukoy niya.

Umupo na si Enrique sa tabi ko. "Siya pala magiging partner ko?" Tanong ni Enrique.

"Yes! Nasisigurado kong sisikat kayo!" Tuwang tuwang sabi ni Manager J. Nag-discuss lang si manager J tungkol sa agency na sinasabi niya. Pero nakatulala lang ako. Habang iniisip ang lagay ni Auntie. "Bukas na kayo magsisimula" napatingin naman ako kay Manager J.


"Aged agad?!" Gulat kong tanong.


"Oo, kailangan mong pera diba? Galingan mo! May tiwala naman ako sayo. Sige aalis na ako kailangan na ako doon" humarap muna siya kay enrique. "Quen, ikaw ng bahala kay Kath!" at umalis na siya. Ano na naman bang trip nun?


"Aalis na ako. Nice meeting you, quen" sambit ko. Inayos ko muna yung bag ko bago tumayo.


"Ihahatid na kita" habol niya sa akin.


"Hindi na. Doon lang naman ako sa hospital, Salamat na lang" sambit ko. Tumabi naman siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.


"Sakto. Bibisitahin ko rin yung tinutulungan Kong bata sa Hospital. Saang hospital ka ba?" Tanong niya habang pinagbuksan ako ng pinto palalabas ng restaurant.


"St. Luke" matipid kong sagot. Tuliro pa din ang Isip ko kaya hindi ako gaanong makapag-concentrate. Hinatak niya naman ako papasok sa kotse. "H-hoy! S-san mo ba ako dadalhin? Hindi porke gwapo ka makakaladkad mo na ako ah!"


Tumawa lang siya. "Isasabay lang kita. St. Luke din yung sinasabi kong batang tinutulungan ko. I'm trying to be nice here. Para makatipid ka at Hindi na tayo magka-ilangan sa trabaho bukas" kaya naman pumasok nalang ako sa kotse niya.

--

"Tahimik ka ba talaga?" Natatawang tanong ni Enrique. Nakakailang kasi. Tsaka wala rin ako sa sarili para magdaldal.


"Yeah" cold kong sabi. Ewan ko rin kung bakit ako ganito. Siguro masyado ko lang iniisip si Auntie. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin habang ako nakatingin lang sa bintana.

--

"Salamat talaga sa paghatid" sambit ko habang naglalakad kami sa loob. "Sino ngang dadalawin mo?" Tanong ko sa kanya


"Ahh si Daniel" nakangiti niyang sabi. Napahinto naman ako sa paglalakad. Magkakilala sila ni Daniel?! Sabagay. Pareho silang artista. Pero shit!


Nanlaki lang ang mata ko. Kaya tawang-tawa siya. "Hahaha! Kung nakita mo lang mukha mo. Nakakatawa ka." Natatawa niya pa ring sabi.


"Aish. Kainis!" Sambit ko at tinuloy yung laglalakad. Bakit ba hindi man lang siya naiilang sa akin? Kakakilala lang namin ah!


"Huy kath!" Tawag niya. Pero hindi ko lang pinansin. Bahala nga siya.


"Katreng!" Huminto ako at humarap sa kanya. "What did you just called me? Katreng?" Ang ganda ganda ng pangalan ko babalahurain nito!


"Hahaha. Oo. Cute naman ah?" Nakangiti niyang sagot. Inirapan ko na lang siya.


"Urgh! Sige na Sige na. Pupuntahan ko na si Auntie. Bye!" Sambit ko. Ngumiti lang siya. "Sure. See you tomorrow" hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang patungo sa room ni Auntie. Naramdaman kong tumutunog at nagva-vibrate yung phone ko. Hinanap ko yun. Dali dali kong kinuha yung phone ko.

Akala ko may tumatawag. Text lang pala. Hindi ko muna binasa. "Miss! Yung panyo mo nalaglag!" Sabay may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Nalaglag siguro habang kinukuha ko yung phone ko. Haharap na sana ako sa kanya para magpasalamat. Pero napahinto ako. "Barbie.."

Breaking the Forever (KathNiel/KathQuen) [Book 2 of Forever Slave: Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon