Chapter 12

34 2 0
                                    

Leonardo's point of view

Nagaalmusal na ako at kanina ko pa iniisip kung paano ako hihingi ng tulong kay marx. Tsk! Siya na lang yata ang pag asa ko.

Kanina pa sila umalis ni kenneth dahil pumunta sila sa papa ni Marx na nasa hospital. Kanina ko lang din naisipan na humingi na ng tulong kay marx. Kanina ay nag dadalawang isip pa ako dahil nakakahiya naman. Pero naisip ko din kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kung pupunta ako dito ng dahil lang sa mga kagustuhan ko.

This is my fourth day here in korea at tatlong araw na lang ang natitira. Naba-blangko ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin. Natawa pa ako sa sariling naisip dahil kung hihingi o hahanap ako ng trabaho ay paniguradong hindi ako makakasahod kahit sa maliit na halaga.

What should I do?! Fuck!

Halos hindi ko na nagagalaw ang pagkain na nasa harap ko dahil sa pag iisip.  I have to do something para hindi magalit ang mga magulang ko. Kilala ko sila kapag nagagalit. Maaaring hindi na nila ako pag aralin.

Ganyan kasi yung huli nilang banta sakin nung mga panahong napapariwara ako sa pag aaral dahil sa isang babae. I know na mali din yung mga nagawa ko dahil mas inuna ko pang maghabol ng babae kesa sa mga bagsak kong grade when I was Grade ten students. Sobra silang nagalit sakin dahil naka kapag sinungaling ako sa kanila nung mga panahong iyon. Lalo na't higher section ako at last year ng pagiging high school.

Ayaw nilang magsinungaling ako ulit. Lies never an option to one problem. But I did. Again!

''Aaaagh! Bahala na!'' Inis na sabi ko at tinapos na ang pag kain.

Nang matapos na ay inayos ko ang mga pinag kainan saka ako nag ayos ng sarili. Naghanda ako ng mga susuotin ng biglang tumunog ang cellphone ko.

It was a message from unknown number. Hindi ko ito pinansin kaya nagpatuloy ako sa pag hahanda ng mga susuotin.

Tumunog ulit ang cellphone ko at may tumatawag na. Nagisip pa ako saglit kung sino ang posibleng tatawag. Sinagot ko ang tawag at hindi agad nagsalita.

''L-leo?''

Kumunot ang noo ko. Nagtataka kung sino at kanino ang may ari ng boses na ito.

''Who's this?'' Tanong ko.

''Ouch! You're hurting me, baby!''

It's Marx Luther!!!

''Ooh! Where did you get my number?'' Takang tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

''Aaiish! Secret, hahaha!'' Aniya.

''So, Why did you call?'' Takang tanong ko.

''I just want to remind you of something.''

''Yeah, What is it?'' Tanong ko

''Bogo sipeosseo.'' Mahinahong aniya.

Hindi ko naramdaman na unti unti akong napapangiti. I know what's that means. Ang kaninang nababahalang pakiramdam ay nakalimutan ko na. Alam ko na sa sarili ko na gumagaan ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya.

''Are you there?'' Aniya ng hindi ako nakapag salita.

''Y-yeah.'' Pigil ang ngiting sambit ko.

''You're smiling?'' Tanong niya.

''No.''

''Aaah. I've seen you in my mind, And you're smiling.'' Puno ng kasiguraduhang aniya.

''Hahahaha. Okay!'' Natatawang sabi ko.

''Hahaha. Okay , See you later! Bye.'' Aniya at binaba ang linya.

Hinayaan ko ang sarili kong ngumiti. Kahit ang babaw. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin kaya humiga ako sa kama at nag isip. 1 pm pa naman ang activity namin kasama yung tatlo kaya hindi na muna ako kumilos.
_________________

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon