Chapter 20

35 2 0
                                    

Enjoooooy!

KINABUKASAN

Bago ako umuwi ay kumain muna kami ni ate at bunso. Naging mas mabuti Yung kalagayan ni bunso. Masigla siya bago ako umalis.

Since I don't have classes today, napag desisyonan Kong umuwi ng maaga para kalikutin tong laptop. Nag send na sa akin si Karll Kung paano yon gamitin at mga functions nito kaya ita-try ko na sa bahay. Wala kaming WiFi pero meron naman Yung kapit-bahay namin na Piso Net. Magbabayad ka para bigyan ka ng code at maka connect sa kanilang WiFi.

Paglabas ko ng hospital ay pumara agad ako ng jeep at nagbayad. Nasa unahan ako katabi ng driver tumabi para hindi ako mainitan.

Pagtapos ko magbayad ay may kumalabit bigla sa balikat ko.

"Kuya leo, Pwede pong papicture?" Sabi ng isang babae habang hawak ang kanyang cellphone. Nagulat ako, dahil Hindi ko naman siya kilala. Ngumiti naman ako at tumango.

Nasa likod ko siya kaya ako na ang humawak ng cellphone niya para magtake ng picture dahil nahihirapan daw siya.

"Isa pa po." Sabi nung babae. Nag take pa ako ng dalawa at binigay na sa babae Yung cellphone at nagpasalamat.

That's awkward kaya yumuko nalang ako at nagkunwaring nagcecellphone. Pero nagsalita naman si kuyang driver.

"Artista po Kayo?" Tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako at umiling.

"Hindi po Hehehe!" Hindi ko na pinansin si kuya at nagcellphone na Lang ulit kunyari. Napapikit pa ako sa hiya.

Errica!!!

Kahit medyo malayo pa sa amin ay pumara na ako at naglakad nalang. Paguwi ko ay nagbless Lang ako Kay nanay at tatay tapos dumeretso na agad ako sa kwarto ko. Nalaman din nilang may bago akong laptop pero hindi na sila nagtanong dahil naghahanda sila para pumunta sa hospital.

My room is a little bit mess kaya nagligpit Lang ako. Nilagay ko Yung ibang gamit sa maleta noong gabing pinakealaman ni ate Yung gamit ko. Galeng!

Pero Yung ibang gamit naman ay tiningnan ko. Sinukat ko Yung dalawang sapatos at Yung ibang damit, I even checked the whole bag kung ano-ano ang laman. Habang nilalabas ang mga gamit ay napagtanto Kong ang dami pala talaga.

Anong trip non ni Marx?

May chocolate, chips, clothes at Kung ano-ano pa. Nilagay ko sa ilalim ng kama Yung dalawang sapatos na naka box tapos yung mga damit naman ay susukatin ko nalang mamaya. Yung mga chocolates at chips ay nilagay ko sa ref na puro tubig ang laman.

Pinalitan ko na rin ng punda Yung unan at bed sheet ng kama dahil hindi ko pala napalitan yon simula nung pumunta akong korea. Pagtapos nag walis na.

"Napagod naman ako sa dami neto!" Buntong hininga ko.

Bumaba na ako para bumili nang almusal kahit kaka-kain Lang. Bumili na rin ako ng Piso WiFi para asikasuhin na Yung laptop at yung trabaho ko Kay Marx.

Binigay ko Kay nanay yung binili ko para sa kanila ni tatay. Paborito Kasi namin Yung sopas diyan sa Kanto. Pag akyat ko ay naabutan Kong nagri-ring yung phone ko kaya sinagot ko ang tawag.

"Hello?" Sabi ko. Pero walang nagsalita sa kabilang linya. "Hello?" Ulit ko.

"It's Marx. Where are you?" Narinig ko Lang boses niya kinabahan na agad ako.

"Oh, Hi. How's your sleep?" I asked tapos umupo na sa kama habang kagat Yung binili Kong pandecoco. Hindi agad siya naka sagot.

"U-uhm, I have a goodnight sleep. You?" Tanong niya pabalik.

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon