Chapter 3

79 5 0
                                    

Leonardo's point of view

Lumipas ang ilang mga araw matapos ang contest sa school at naghahabol na kami ng mga ipapasa sa iba't ibang subjects through gmail. Yung ibang project naman ay malapit na din ang pasahan.

Today is saturday, February 2 at bukas na ang 2nd sem exam namin. Monday, wednesday at friday ang exam. At kinabukasan ay concert na ng twice.

It's getting near! I wanna scream!

Hawak-hawak ko ang ilang libro at magdamag na inaral ang mga nakalipas na topic. Halos buong magdamag akong tutok sa iba't ibang libro at halos ma full storage na ang utak ko kaya nag pahinga ako saglit at ipinikit ang aking mga mata.


Parang sasabog ang utak ko at hindi ko alam kung saan tumatakbo at naglalandas ang isip ko nang makita ko ang sarili ko na lumabas ng kwarto ko at parang nagiba ang lugar at ayos ng bahay.

Nakikita ko ang corridor na maayos at maganda. Isa itong hotel, mamahalin at magandang hotel!! Shock! Pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa aking kwarto at corridor kung namamalik-mata ba ako. WTF!

May humila sa kamay ko at itinulak ako ng bahagya sa dingding.

Akala ko ay babae na naman pero nagkamali ako dahil nakita ko ang itsura niya at isa itong lalaki.

Nagulat ako ng HALIKAN niya ako at.

Mabilis akong nagmulat ng mata. Mukhang nakatulog ako kanina habang nagaaral. Pero

Fuck!

Sino naman yong lalaking yon? Hindi ko na maalala ang itsura niya pero nasisiguro kong hindi siya nage-exist dito sa mundo. Mukha siyang anime.

Hayyst! What is happening to me?

Napa-iling ako at hinayaan nalang.

Bumangon ako sa pag kakahiga at tiningnan ang cellphone ko kung anong oras na at laking gulat ko nang makitang 6:25 na ng hapon

Mukhang hindi na ako makakatulog neto ah! Tsk!

''Ang tagal ko namang nakatulog?!'' Inis na sabi ko at lumabas ng kwarto at bumaba.

''Oh, Kuya pumunta dito si james ah? Pero hindi ka na niya ginising nang umakyat siya sa kwarto mo.'' Si ate

''Bakit daw?'' Tanong ko.

''I don't know. Nagulat nga lang din ako nang umalis agad.'' Aniya at tumango na lang ako. ''Kumain ka na jan. May adobo jan sa mesa. Tirahan mo si bunso ah? dipa yon kumakain dahil nakila tita pa.'' Aniya at tumingin ulit sa luma niyang cellphone. Umupo naman ako at nagsimulang kumain.

Kapit-bahay lang namin ang mga kamag-anak namin sa side ni mama. Kaya kapag bored kami dito sa bahay ay pumupunta kami kila tita. Nandon kasi ang iba naming pinsan.

Lagi kaming masaya dahil yung isang pinsan namin ay kapa-panganak lang kaya lagi kaming pumupunta doon para kulitin yung baby.

''Ate? Sila nanay at tatay?'' Tanong ko at uminom ng tubig.

''Nakila tita jade.'' Aniya ng hindi ako nililingon.

''Okay!''

____________

Umakyat akong muli ng matapos akong kumain at kinuha ang cellphone kong may katatawag lang. Si james. Sakto.

''Grabe ka naman matulog?!'' Nailayo ko agad ang cellphone sa tainga ko ng biglang sigaw niya.

''T-Teka! Bakit ba?'' Tanong ko sa kabilang linya.

''Sabay tayo bukas, ah? Si karll kasi kila Em-em naki tulog. Tsaka may mahalaga akong sasabihin sayo! Hahahaha!'' Sabi niya.

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon