Chapter 5

63 6 3
                                    

Enjoy!!!!!!!

Leonardo's point of view

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Masakit ang ulo ko at Inaantok pa ako pero pinilit ko na ding tumayo para pag buksan ang kumakatok sa labas ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at si nanay ang tumambad.

''Oh, Kagigising mo lang? 7 na ah?'' Si nanay. ''Maligo ka na at ayusin mo na din ang mga gamit mo. Kumain ka muna pagalis mo ah.'' Aniya at bumaba na.

Nagmadali na akong nagtungo sa banyo at mabilis na naligo dahil feeling ko magkakalagnat ako. Pagtapos maligo at mag toothbrush ay hinanda ko ang medyo maliit kong maleta.

1 week? Tsk, Bakit isang linggo kasi?!

Nagdala ako ng ilang mga damit at tatlong jacket. Dinala ko din ang bago kong sapatos na ni regalo sakin ni tatay nung christmas. Nagdala din ako ng tsinelas na hindi naman madumi dahil hindi nagagamit. Hindi na ako nagdala ng mga shampoo at iba pa.

Nang maayos na ang mga dala ay sinara ko na ang maleta'ng hindi napuno. Kumuha na din ako ng 5 paracetamol kung sakaling lalagnatin ako doon.

I am wearing a simple oversized white shirt and a black short and a sneakers. Inayos ko muna ang pag kaka-tuck in ng shirt ko sa short. Yung sa harap lang ang tinucked-in ko and the rest ay hindi na.

Bumaba na ako dahil nagugutom na din ako. Wala pa namang 8AM kaya kakain muna ako.

Bumaba ako at naabutan si nanay at tatay na nagaagahan. Umupo ako sa tabi ni tatay at nagsandok ng sinangag na kanin at kumuha ng tuyo at itlog na may kamatis.

Susubo na sana ako ng kanin ng hawakan ni tatay ang braso ko.
''Mainit ka Leo!'' Si tatay.

''Mm, Naulanan kagabi tay eh. Pero I can manage pa din naman tay. Hehehehe!'' Anas ko at kumain na.

''Saan ba kasi yang lakad mo? Bakit parang mangingibang bansa ka?!'' Si tatay ulit.

''Basta tay. Importante kasi ito sakin.'' Nakangiting sabi ko.

''Ayusin mo lang ah!'' Aniya at kumain na. Nagkwentuha sina nanay at tatay sa harap ko at ako naman ay kain lang ng kain.

Nang matapos akong kumain ay pumunta akong kusina at kumuha ng tubig. Uminom ako ng gamot at yung apat na natitirang gamot ay nasa maleta ko na.

Ilang sandali lang ay may nagtext na ulit sakin ,yung number kagabi. Nagpaalam na ako kay nanay at tatay at lumabas na ng bahay. Nakita ko namang kumakaway si kiko sa isang van kaya tumakbo na ako palapit hila hila ko ang maleta ko. Bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko si bell o si ateng organizer.

''Kamusta Leonardo, peymus ka pala ah!? Hehehe, Ang bango bango mo?'' Si ateng organizer.

''Okay lang po. Medyo sininat lang.'' Nakangiting sabi ko at umupo na sa tabi ni kiko. Hindi ko na pinansin pa Yung ibang sinabi niya. Hindi naman na ako kina usap pa ni ate bell.

''Good morning guys!'' Bati ko sa tatlo.

''Goodmorning den!'' Bati nila sakin.


Nagkkwentuhan sila at ako nakikinig Lang, nagsasalita kung kinakausap.

______________

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon