Chapter 10

36 2 0
                                    

             ENJOY READING!

Leonardo's point of view

Hindi ako makatulog dahil binabagabag na naman ako ng mga pinag-sasabi nung mokong na yon kanina. Past midnight na at hindi pa din ako dinadalaw ng lintik na antok na yan.

Kanina pa siya wala sa paningin ko pero nakikita ko pa din siya kapag pumikit ako. Laging pumapasok sa isip ko ang itsura niya kanina. Natatakot ako dahil nararamdaman kong seryoso siya. Fuck It!

''No. Not yet, But if you don't mind, You will be the first.''  Paulit ulit itong tumutunog sa utak ko. Para bang naka on repeat ito.

Malala nako!!!! Hindi pwede to!

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial doon. Ilang saglit lang ay sinagot na ni james ang tawag ko.

''Who's this?'' Tanong ng kabilang linya, Halatang naistorbo ang pag tulog niya.

''O-oh. Sorry, Akala ko gising kapa. Sige bababa ko na—''

''Leo? Oh? Anong kailangan mo?'' Tanong niya. ''Okay lang, hindi pa naman mahimbing ang tulog ko eh. So, Bakit ka tumawag?'' Tanong niya, nag dalawang isip naman ako kung sasabihin kong naguguluhan ako. Pero sa huli ay sinabi ko pa din.

''M-mm, I'm confused.'' Mahinang sambit ko.

''Confused? Saan?'' Tanong niya, nawala na ang antok sa boses niya.

''Sa sarili ko.'' Nakagat ko ang sariling labi.

''Ha? What do you mean?'' Naguguluhang aniya.

''O-okay, May lalaking nagkakagusto yata sakin.'' Sabi ko at hindi naman nagsalita yung nasa kabilang linya. ''And, I don't know what to do.'' Sabi ko.

''Anong I don't know what to do?! Sino ba yang lalaking yan? Yung Marx ba?'' Tanong niya. hindi naman galit yung boses niya pero hindi ako agad naka sagot.

''Y-yeah?'' Patanong na sagot ko. ''He told me, He was just confused nung tuesday. Tapos kanina bigla na lang siyang nagsabi ng—'' napa hinto ako sa pag sasalita nang marinig na naman sa kung saan yung huling sinabi niya bago niya ako nilayasan.

''I thought, this was just a like, Leo. But I am wrong!''

''Hoy! Nanjan ka pa ba?'' Nagulat ako ng malakas na sumigaw si james sa kabilang linya.

''Y-yeah! Yeah!'' Madaliang sambit ko.

''Anong sinabi niya?'' Tanong niya.

''Imposible eh. In just a day in love na siya saken?'' Naguguluhan talagang sabi ko.

''Sabi niya In love na siya?!''

''No no! Wala siyang sinabi pero alam mo yon? Nandon yung ganyan thought. at saka hindi naman ako tanga para hindi mapansin yon..'' Sabi ko.

''Oh, eh ano namang naramdaman mo matapos niyang sabihin yon?'' Tanong niya.

''Syempre kinabahan!'' I said in a matter of fact tone. Ayon talaga ang una kong naramdaman dahil sino ba naman ang hindi kakabahan dahil nag confess sayo yung kauri mong lalaki?! Wala diba?

''Uh huh! I think you like him as well.'' Aniya ng nasa kabilang linya, ako naman ay hindi pa din na didigest yung sinabi niya at parang nag loading pa yon sa utak ko. 

''What?!'' Gulat na anas ko matapos mapagtanto ang sinabi niya. 

''Yeah, Kinabahan ka sabi mo eh.'' Aniya na parang expert pag dating sa ganyan.

''And so?!''

''Hindi naman siguro multo yon para kabahan ka?! Syempre kakabahan ka kapag umamin si krass sayo! Yung mga ganong feeling ba leo! Tsk, Parang hindi ka naman matalino niyan domingo!'' Sarkastikong sabi niya.

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon