Chapter 6

52 7 1
                                    

Leonardo's point of view

Nagising ako pero hindi ako gumagalaw. Pinakiramdaman ko ang paligid kung nandito pa yung lalaki. May nagring sa kung saan pero alam kong hindi sa akin yung may tumatawag kaya hindi pa din ako gumagalaw.

''What's up Kenneth?'' Si marx iyon nang sagutin niya ang tawag. Nanatili ako sa aking pwesto at pinakinggan lang silang magusap.

''Yeah! I don't know why he's here. I don't have any idea. What are you talking about?. I don't think so. Mm, If you don't mind. Are you Sure?. Really?. How did you know?. Kenneth, He's good.'' Aniya at tumayo na at lumabas ng kwarto.

''Anong I don't know why he's here?! Tanga ba yon? Eh, Nandito siya sa kwarto ko!'' Napa iling na lang ako at tumayo na.

Medyo masama pa din pakiramdam ko pero hindi ko na ito ininda pa dahil maga-alas dos na ng tanghali.

Kung nasa philippines ako ay 1 pa lang. May isang oras ang pagitan ng Korea sa philippines.

Lumapit ako sa maleta ko at inayos ang mga dala ko. Inilabas ko ang dalawang sapatos at isang tsinelas dahil nagpapa sikip iyon sa loob. Hindi ko na nilabas ang mga damit at iba pang gamit ko gaya ng light stick ng twice at iba pang merchandise.

Kumuha ako ng tshirt na may family name namin sa gitna at simpleng short saka ako pumasok sa cr at tiningnan kung may mga hygiene stuff ba dito. Nakita ko ang mga gamit sa banyo sa isang drawer. Kumpleto ang mga iyon kaya dali dali akong naligo para mawala ang hilo ko.

Pag tapos maligo at mag toothbrush ay nagbihis na ako at lumabas na ng cr nang nag pupunas ng buhok. Wala pa si marx sa loob, Syempre hindi ko na siya pababalikin dito sa room ko.

Umupo ako sa sofa at kumunot ang noo ko ng makita ko ang mga gamit niya. Nandito pa din ang laptop niya na naka bukas pa, nandito din ang isang medyo maliit na libro na dala niya kanina at isang folder na ngayon ko lang nakita. Kakaibang folder to, Hindi yung white folder sa pinas.

Lumapit ako dito at binuklat ang folder.

Schedule? Schedule naman ng mga ano to?

Na curious ako kaya nilipat ko ito sa sumunod na pahina. Nakita ko ang mga report, report thing pero wala akong maintindihan.

Nag volunteer pa man din akong tumulong kanina! Tsk, Okay lang di naman siya pumayag. Hahahahaha!

Sinara ko na dahil nahilo ako sa dami ng mga names na nakasulat. Tiningnan ko naman ang laptop niya at nakita ko naman don ang hindi pa tapos na powerpoint. Binasa ko ang huling slide.

' Sideline Business '
(Chart here)

Sideline business? Hmm, Interesting naman ito. Parang another business but connected pa din sa main branch? Aaargh! Ewan ko ba!! Buti hindi naka Hangul.

Umalis na ako doon at lumapit sa cellphone ko na naka charge. Binuksan ko ang wifi at nag hanap ng free wifi doon at. Hahahahaha. May nakita akong free from this hotel.

Nakita kong maraming nagchat sakin.
Sila Nanay, Ate, Ibang pinsan ko, Sila James, Karll at yung dalawang kaibigan namin na babae at Ibang GC.

Nagchat ako sa GC namin nila james at nagyaya naman silang mag video call kaya pumayag naman ako.

''Oh my gosh! Leo, You look like korean na! Hahahaha!'' Si Errica.

''Astig! Kumpleto tayo!'' Si Em-em

''What's up, Guys!'' Si karll.

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon