Chapter 21

41 1 0
                                    

Unang subject palang para na akong lalagnatin sa sobrang daming pinapagawa.

"Hell week para sa ating lahat. Mabuhay!" Malakas na Sabi nung isa naming kaklase pagkalabas ng teacher namin.. Napabuntong hininga nalang ako.

Next week na agad Yung defense namin plus Yung mga activity at quizzes na hahabulin ko sa ibang subject.

"Wala daw si Miss sabi ng kabilang section kaya maaga ang break!" Anunsyo ng class president. Tuwang-tuwa naman kaming lahat. Yung iba kanya-kanyang puntahan sa canteen.

Nagpaalam ako kila James na ngayon ko na ta-take ang mga quiz sa ibang subjects. Tumango sila at pinagpatuloy Yung sinusulat nila. Umakyat ako sa faculty room at hinanap yung teacher ko sa philosophy at nung nakita ko na si Miss ay pinaupo na ako sa dulo dala ang test paper at sinimulan nang magsagot.

Malayo palang ay natanaw ko na Yung isang babae na kinaiinisan ko. Ano nga ulit Yung pangalan nito? I can't remember. Umupo ako sa tabi ng upuan niya dahil dalawa Lang Yung upuan. One sit apart naman kaya di siya sobrang lapit.

I started to take the exam at nangangalahati na ako ay bigla akong tinawag nung babae. Di ako lumingon at nagpatuloy Lang ako sa pagsagot.

"Baby!"

Hindi ko pa rin siya pinansin dahil baka mairita at hindi tumama ang mga sagot ko.

"I know you're listening, can you help me in number 29 and 30?" Mahinang bulong niya. Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo. "Pakopya, HEHEHE!" Dagdag niya pa.

Tiningnan ko Yung sagot ko at number 26 palang ako kaya di ko siya pinansin ulit at pinagpatuloy Lang Yung test. Ilang saglit Lang ay padabog siyang tumayo at bumolong.

"Madamot!" At pinasa na niya yung papel.

Napangisi ako at tumayo na rin para ibigay Yung papel ko. Nandun pa yung Yung babaeng nakakainis.

"Miss, tapos na po ako." Sabi ko lumingon naman yung babae.

"Oh, sakto check-an niyo na tong papel niyo. Magpalit kayo ng papel." Sabi ni Miss. Nagulat naman ako pero binigay ko rin sa babae Yung papel ko at ganun rin siya. Umirap pa siya.

"Leo and Lalain, Eto Yung correct answer." Sabi ni Miss at pinakita yung isang whiteboard na maliit na may sagot.

Lalain pala pangalan nung humalik sakin sa backstage nung time na may contest dito sa school. Tiningnan ko Yung babae at pinagaralan Kung saan niya nakukuha Yung tapang niyang gawin yon.

"Leo, magstart ka na baka matunaw Yan si Lalain." Sabi ni Miss. Nagulat naman ako at nagcheck na. I didn't even realize na nakatitig pala ako.

Yuck! Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya.

Nang matapos na kami binalik na sakin Yung papel ko. I got a perfect score. 23 naman yung nakuha nung babae. Nagpasalamat na agad ako Kay Miss at umalis na. Binilisan ko Yung lakad para hindi maabutan nung Lalain. Binati ako ng mga junior high kaya binati ko rin sila at ngumiti.

Nasa room na ako at nandon pa rin ang mga kaibigan ko. Yung ibang classmate namin nakatambay sa hallway at yung iba nasa canteen, at labas ng classroom. Umupo ako sa upuan ko at tiningnan kung ano ang sinusulat ni Karll.

"Para saan Yan?" Tanong ko Kay Karll.

"Letter. Para sa crush ko na 1st year college. Ehe!" Maarteng Sabi niya. Naalala ko naman Yung letter na nakita ni ate sa maleta. Paniguradong Kay Marx galing Yun.

"Saan nagaaral?"

"Dito. Nasa main building sila. Papa-abot ko to Kay Em-em. May kakilala Kasi si Em-em don. Tsaka para di rin malaman na sakin pala galing. HAHAHA!" Kwento niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MUTUAL LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon