4

8 2 0
                                    



CIGARETTE is walking to their dorm when he saw his favorite food- a street food.


"Kuya pabili nga po ng sampung kwek kwek at tig limang fishball at kikiam tapos benteng isaw, sampung adidas at sampung ulo ng manok po" inihanda ni kuya yung isaw na iihawim niya samantalang ako na ang nagkusang kumuha nung kwekwek , fishball at kikiam na pinagsama ko na malaki at nagiisang baso at inihiwalay ko naman yung sawsawan nito na pinaghalong suka at yung sauce. 


Umupo ako sa may gilid at hinihintay na maluto yung mga iniihaw-which is luto naman na ang kailangan na lang gawin ay painitin ang labas nito. Habang hinihintay ko na matapos iyon ay kumakain na muna ako ng pagkain ko tapos pinagmamasdan ko yung mga tao na dumadaan o di naman kaya ay mga bumibili.


Alas quatro na pala ng hapon kaya medyo dinadagsa na rin ang tao dito pero mas dadagsain ito kapag papalubog o kapag lumubog na yung araw buti na lang pala at medyo maaga ako ng konti dito.


Muntikan na akong mabilaukan nung sinubo ko ng buong buo ang kwek kwek na puro naman harina at kung hindi dahil lang sa buko juice na nabili ko kanina ay baka nasa ospital na ako at ginagamitan ng kung ano ano para mabuhay-biro lang.


Napakunot ang noo ko nung may makita ako na pamilyar na built ng isang tao. Alam ko siya ito pero sa dami ng tao sa mundo ngayon ay maaaring nagkakamali lang ako pero nung humarap siya saakin-walang duda siya nga ito.


Pero anong ginagawa niya doon? Delikado pumunta sa parteng iyon lalo nat ang daming natatagpuan na mga bangkay doon na basta basta na lang itinatapon o kung hindi naman kaya ay bali balita na doon sa lugar na yun na may ginagawang kababalaghan or... palitan at bentahan ng druga kaya madalas ay naglilibot ang mga pulis sa lugar na ito lalo na doon.


What the heck are you really doing there? Alam mong bawal pero bakit?


"Kuya kuya" tawag ko doon sa kuyang nagbebenta ng ice cream sa tabi ko. Inabot niya muna sa bata yung ice cream bago siya tumingin saakin


"Bakit?"


"Kuya, lagi po bang dumadaan yung taong iyon doon?" Tanong ko kay kuya sabay turo doon sa lalaki


"Ah yun ba? Paminsan minsan nakikita doon"


"Ano pong ginagawa niya doon?"


"Ginagawa? Hindi ko siguro iho pero kapag nakikita ko siya doon maya maya may taong pupunta din doon sa pwesto niya"


"Tao? Kuya sa tingin niyo po ba anong ginagawa nila doon? Hindi po ba sila nagbebentahan ng druga?"


"Nako malabo iyan iho, sa pagkakatanda ko ay usap lang ang ginagawa nila at sandali lang iyon"


"Kuya huling tanong na po kilala o namumukhaan niyo po ba yung taong kausap nun?"


"Nako iho hindi eh, nakatakip kasi ang buong mukha nung kausap niya" nanlumo ako sa narinig ko at nagpaalam na kay kuyang sorbetero at kinuha yung barbeque ko kay manong.

Strawberry and Cigarette || Boys LoveWhere stories live. Discover now