28

2 1 0
                                    

28.


STRAWBERRY and his sister orange already finish cooking when someone knock their door.


"Kuya may inaasahan ba tayong bisita ngayon?" tanong saakin ni orange habang naghahanda ng plato namin sa may lamesa


"I think wala naman baka mga kaibigan mo iyon na gustong dumalaw sayo?"


"No kuya, my friends are not around at may kanya kanyang bakasyon ang mga iyon kaya sigurado ako na hindi sila yang kumakatok kung relatives naman natin iyan panigurado malabo hindi naman na sila magaaksaya pa ng oras para pumunta dito at guluhin tayo after ba naman nung nangyari sa party?"


May point siya pero kung hindi friends or yung mga walanghiya naming relatives itong kumakatok sino ang walang hiyang ito?


"Hindi ka naman kuya omorder sa labas ng kung ano ano? " umiling ako sa tanong niya


"Bumili ka ba ng kung ano sa shoppee,lazada or omorder ng pagkain sa labas?"


"No,no,no titingnan ko na lang para matapos na itong haka haka natin"


"Sige kuya pakidalian lang at baka hindi na mainit itong pagkain natin"


Hinanda ko ang sarili ko sa pagbukas ng pintuan at baka magnanakaw ito na gusto akong tutukan ng baril at patayin.


Hinga ng malalim strawberry at huwag ipakita na kinakabahan ka kalma lang.


Pagkabukas ko ng pintuan halos murahin ko na iyong taong iyon-isinara ko ulit ang pintuan na hindi siya hinahayaang magsalita pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina namin na parang walang nangyari.


"Kuya sino yung kumakatok kanina?"


"Si enero"


"Si kuya january? Hala asan siya kuya at bakit hindi mo siya kasama?" Tanong saakin ni orange


Magsasalita na sana ako nung makarinig kami pareho ng malalakas na yabag pababa sa itaas at maya maya lang ay nandito na yung hinahanap namin.


Ang walanghiyang si enero andito na sa harapan namin at madungis ang pagmumukha at dahil walanghiya si enero ay binatukan niya ako at hinampas sa balikat.


Taena pasakit ng pasakit yung kamay niya


"Kuya january bakit mo iyon ginawa kay kuya? Alam mo bang masakit at masamang gawin iyon sa tao?"


Tama yan kapatid, ipagtanggol mo ang naapi mong kuya. Humanda ka ngayon enero at mapapagalitan ka ni bunso


"Yan naman kasing kuya mo sinaraduhan ako ng pinto kanina!" Pagsusumbong niya saakin


Abay paanong hindi ko siya sasaraduhan kung pwede naman siyang umakyat sa puno at dumaan sa kwarto niya? Total naman halos magkatapat lang naman iyong parteng iyon ng bahay at isa pa alam naman niya na kapag nandito kami sa loob ay hindi namin sinasarado yung pintuan!

Strawberry and Cigarette || Boys LoveWhere stories live. Discover now