29
CIGARETTE is still looking outside his window while vintage is driving their car.
"Hoy vintage ano ba ang naisipan mo at gusto mong magbeach ngayon?"
"May nahanap akong chikababes ko"
Hinayupak babae lang pala.
"Mambababae ka lang pala bakit sinama mo pa ako?"
"Oo na lang basta huwag mo akong papatayin kapag may nakita ka na kakilala natin doon at huwag kang gagawa ng eksena doon maliwanag ba?"
"Oo na lang" matabang na sabi ko sakaniya.
Maya maya lang ay nandito na kami sa resort na hindi ko alam kung maayos ba o sadyang makalat na talaga in the first place pero dagsa pa rin ang mga tao dito.
"Hoy cigarette dalian mo dyan at baka hindi ko na makita pa si baby girl ko"
Hinayupak kang vintage ka akala ko ba ayaw mong magjowa? Ano itong baby girl na ito? Scam ka nga talagang hinayupak ka.
Pagkatapos naming magcheck in sa nagiisang hotel dito sa pinuntahan namin ay nagayos na si vintage sa sarili niya at ang hinayupak handang handa na sa kung anong binabalak niya!
May hawak na kaagad siyang bulaklak! Tangina hindi naman kami nagstop over kanina sa mga nadadaanan naming flower shop at hindi rin naman siya bumili kanina sa may parking lot kung saan may mga nagbebenta ng bulaklak!
Hinayupak saan ba siya kumuha ng bulaklak?
Sa pagkakaalam ko ay wala ding nagbebenta ng bulaklak dito sa loob ng hotel unless kinuha niya yung bulaklak sa may receptionist-hinahupak talaga! Yung hawak niyang bulaklak ay yung nakalagay sa may vase doon sa may reception area!
Tangina ibibigay niya sa 'baby girl' niya yung bulaklak na ninakaw niya? Hindi na siya nahiya! Hinahupak walang hiya pala siya.
"Cigarette! Mauna na ako sa beach sumunod ka na lang! Magkita na lang tayo doon at tandaan mo na bawal ang magjowa!" Paalam niya saakin at pinagsarhan ako ng pintuan
Hinayupak bawal magjowa tapos siya nageffort pa na magnakaw ng bulaklak para ibigay doon sa nakita niyang babae? Ngina niya.
Nahiga muna ako sa kama ko at panandaliang naidlip dahil bukas ng hapon pa naman kami aalis at mainit pa sa labas much as well ay matulog na muna ako.
Pagkagising ko alas tres y media na saktong sakto na para maghanda at sumulong sa beach. Alas quatro na nung natapos akong ayusin ang sarili ko at naglakad lakad ako sa may gilid para sana hanapin si vintage nung mapatingin ako sa may hindi kalayuan na nagbebenta ng fishball.
Ah Fishball strawberry's favorite.
Kinapa ko yung bulsa ko at naghanap ng barya doon nung makahugot ako ng pera ay naglakad ako papalapit doon sa manong at bumili ng fishball. Pagkabili ko ay pumunta ako sa may medyo kalayuan sa mga tao kung saan may mga bato na pwede mong pagtambayan na kahit na malayo sa tingin ng mga tao ay hindi ka makakagawa ng kababalaghan o kalokohan dahil may nakabantay na tao sayo pagkarating mo doon.
Kung sabagay masyadong malalaki yung mga bato dito pwede kang ma-aksidente at mamatay o gumawa ng isang aksidente na pwedeng ikabago ng buhay mo.
Pagkarating ko doon ay may kanya kanya silang pwesto. May mga magjojowa sa isang tabi, pamilya, barkada,mga bata, may mga matatanda , mga gustong tumambay at pagmasdan ang paligid doon at syempre hindi mawawala yung mga feeling bitter.
Umupo ako sa may parteng paangat na bato at doon sa pinakatuktok ako tumambay kung saan sa may hindi kalayuan sa gilid ko ay may nangunguha ng litrato.
YOU ARE READING
Strawberry and Cigarette || Boys Love
Hayran KurguI like the way I taste you. You taste like a strawberry- a soft and soft strawberry. Your addicting smell lingering in my nose. You smell like cigarettes- a sweet cigarette. [GOT7 Fanfiction]